alam nyo kung ano ang super enjoy na puntahan? at talagang super looking forward ako? actually si kengkoy, pareho kami nyan.
nanginginig na sa tuwa pag alam naming malapit na ang araw… na kung saan e dapat na kaming — dyaraannnn, mamalengke! nagdadala pa nga si kengkoy minsan ng video camera, kakahiya nga e, at least ako, digicam lang dala ko, hahahaha
opo, aaminin ko. ako ay palengke queen. sarap na sarap akong maglibot-libot sa palengke. kulang talaga ang isang araw kapag asa palengke ako. e sa oras pa lang ng usyoso kulang na e.
tapos sabayan ko pa ng tawaran at patikim naman dyan. at sempre, yung tanong-tanong; kung kwentuhan at yung chikahang walang mapupuntahan kundi para lang makadiscount o maka-libre ng konti
ngayon medyo may nadagdag pa. yung patambay tambay ko sa mga laruan ng mga bata. kasi nagiipon na ako ng mga pang-loots nila sa kaberdeyan nila e. sempre mas maraming mura sa palengke, wholesale price pa. at kadalasan, sa kabobola, may pauwi pa akong libre, heheeh.
imagine, nung nagberdey si panganay. sa palengke ng bacoor ako napadpad. nakita ko yung mga nakasabit na chips, mga sandamukal na plastic balloon, mga cotton candy na asa bag, mga lobo na may glitters, karton-kartong bubblegum, yung pabitin, yung bola-bola na kapag nilagay mo sa tubig e nanganganak at lumalaki, yung palabunutan na medyo na disappoint ako kasi ako pa ang magbubuo (wala na daw masyadong palabunutan na ready to buy) jackstones, at kung ano pang nagustuhan ko.
take note – nagustuhan ko. hindi ko na tinanong mga little kengkays kung ano gusto nila, hahahah. pero patok na patok ang mga binili kong mga iyon sa mga kaklase ni panganay. sa totoo lang, sikat na sikat nga sya sa eskwelahan nila. nagreklamo yung iba na hindi na imbita
dami tuloy gusto magpunta ng bahay namin.
at sempre, yung mga nanay at tatay, na karamihan e mga banyaga; nagtanong din kung saan ko binili yung mga yun. kasi daw nangungulit mga anak nila. sabi ko, sa palengke. proud pa akong sabihin na ang mumura lang non atsaka super dami pa kapag binili. sasama daw sila sa sunod, hahaha
aba, sabi ko, no problem! basta ready silang maputikan at makipagsiksikan at makipagtawaran. at sabi ko, dapat wag sila papahalata na banyaga sila, oops, para namang pwede daw yon oh!
so anyway, kapag nakakakita ako ng palengke; gustong gusto kong pumara at bumaba at makipag-tawaran.
at ang masarap ngayon, ready na rin ang tyan ko na kainin at inumin lahat ng nakahambalang sa kalye — isaw, banana cue, maruya, kwek-kwek, fish balls, at kung ano ano pang de kulay na nakalatag dyan. si panganay nga e, mas type pa nya yung pork barbecue sa kanto kesa dun sa homemade namin, waaaa
o teka lang, mamalengke muna ako. balak kong tumikim ngayon ng karioka, tagal ko ng di nakakakain nun e.
p.s. ang mga little kengkays turn off sila sa palengke. isang beses lang nakarating (sa libertad, pasay), umayaw na. kasi daw ang putik
pero ngayong nalaman nilang madaming laruan at matamis dun, medyo nagbabago na isip nila, hehe






