Kwentong Kengkay

Agosto 9, 2007

Plastik Bag

Isinalansan sa: Tatlong Buhay — kengkay @ 1:15 hapon

Natawa ako sa asawa ko nung isang araw na nagpunta kami sa isang discount store na malapit sa amin. Kasi nagreklamo sya, bakit daw may bayad yung plastik bag. Edi ba libre daw yon? Aba, ang sagot ko sa kanya — ako alam kong may bayad yon. Kasi nga, discount store lang sya. Super mura, pati quality! Ibig sabihin, gagawa at gagawa sya ng paraan para kumita, kung di man siya kikita dahil sa mga tinda nya; e kumita sya sa kanyang extra service. At kasama na don ang plastik bag.

E ito namang asawa ko sarap kutusan. Para namang di nya alam na sa lahat halos ng grocery stores sa paligid namin e may bayad ang plastik bag. Kaya nga parating may sariling bag at basket ang trunk ng kotse namin, di ba? E iba na ang usapan kapag sa mga malalaking department store, talagang libre ang supot don. Naman, e doble din kasi ang presyo ano. Aba, kung babaan ba nila ang presyo kapag may sarili kang plastik bag, siguradong dun na ang punta ko!

Samantalang nung asa Bangkok ako, kapag grocery time (tuwing sweldo lang naman); at kapag shopping time (kapag may sale) ilang libong supot ang na-ipon ko. Libre kasi. Gamit ko sila para i-damit sa garbage can. Kadiri yatang linisin kapag napunta ang dumi sa mga kanto-kanto, ang baho pa, yuk! Gamit ko din sila para bitbitin yung mga ipapa-laundry ko. Minsan lang naman, kasi sayang din ang pera ano. Ako na lang kusot. Mini naman halos lahat ng damit ko. Mini-dress, dahil sa liit ko. At yung mga (pa) sosyal na supot? Naku, tinatago ko sila. Kakahinayang, lalo pa’t kung di sila halos gusot. Minsan nga sila na lang laman ng aparador ko e. Hmm, pwede ko siguro silang ibenta rin dito? Tssk, sayang, huli na nung naisip ko yon.

At sempre nung asa Pinas naman ako, sandamukal din ang supot don. Eh libre nga kasi. Kapag feeling mag grocery sa SM, sa Rustan’s, sa Landmark, sa Gotesco, sa Ever; pati sa shoppingan, sa SM ulit, sa Robinson’s, sa Rustan’s ulit, sa Landmark ulit; ay ano ba yon. Kapag si tatay o si nanay ko ang naglalabas ng basura, kala mo e meron sa aming nag-ta-trabaho dun sa mga tindahan na yon. Kasi halos isang buwan bago ma-ubos ang grocery bags samantalang ang grocery e umabot lang ng wala pang isang linggo. Teka muna, baka may butas yung bag, huh? Bakit kaya ngayon ko lang ulit naisip ‘to? Huli na ang lahat, arrgh!

Huling salita: Napansin nyo ba na nung sa Pinas e si tatay at nanay ko lang ang laglalabas ng basura? E kasi kadiri nga ano. E napansin nyo rin ba na nung asa Bangkok ako e ako na mag-isa ang naglalabas ng basura? E kasi kadiri man, wala dun si nanay at tatay ko.

Mga Puna »

  1. [...] August 9 nung unang nagtangkang kausapin ni kengkay ang sarili nya. Ang taytol ng unang post ko? Plastik Bag, pansinin ninyo naman, wala ngang comment e, [...]

    Pasa ni invited kayo lahat « Kwentong Kengkay — Agosto 9, 2008 @ 5:42 umaga | Tugon

  2. Hehehe… naalala ko tuloy Lola Liit ko — talagang iniisa-isang ‘labhan’ at tiklupin ang pwede pang i-recycle na plastic bag! :lol:
    Kakalungkot lang tita kengkay, dahil yung maliliit na cellophane bags na hindi naidi-dispose nang tama ang isa sa malaking causes ng pagbaha dito. :(

    Comment ni homebodyhubby — Agosto 10, 2008 @ 12:27 umaga | Tugon

  3. Hahaha. Waw. ngayon ko lang to nabasa… dito, pag nagg-groceries kami, may mga stores na OA sa dami ng plastic bags. meron namang iba, halos sumabog na yung plastic bag kakasiksik nila,. naku, save the earth, dapat magdala na lang ng bayong!

    ^_^

    Comment ni aKDa — Agosto 10, 2008 @ 12:47 umaga | Tugon

  4. ayan, may comments na.. hihihi!

    Comment ni binx — Agosto 10, 2008 @ 9:49 hapon | Tugon

  5. weak!

    Comment ni 123 — Oktubre 24, 2009 @ 6:59 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.