Buti pa si Taris, naka-abot sa kasalan. Dalawang mabuting kaibigan namin ang na-in-love nung huling umuwi kami sa Pinas. Kami ang may sala. Kasi pinagtagpo ulit namin ang landas nila. Ulit kasi love at second sight baga. Kasalan din namin na ma-in love sila. Kasi binigyan namin ng paraan para sila ay maging magkakilalalan ng husto. Kasi sabi namin, bakit naman hindi? So, di namin kasalan na dumating sa kasalan. Naks, sarap ng tunog a. Parang totoong makata, yun pala nangangapa lang!
Tutal naman pareho silang single. Tutal naman pareho silang mabuting kaibigan. Tutal naman pareho silang naghahanap kahit di nila aminin. Tutal naman pareho silang ready na kung ano pa man. Tutal naman pareho silang nasa tamang edad na. Tutal naman pareho silang may alam kung anong dapat nilang gawin. Mabuti naman at sila rin ang naging magkapareho sa bandang huli!
Si Taris na asa Abu Dhabi e nakarating. Nabigyan din daw ng parangal dahil isa nga sya sa dahilan kung bakit naging silang dalawa; banggit din daw pangalan ko, okay na sa kin yon. Proud na ako. Si Taris pala, sinabi ko sa kanyang pwedeng dagdagan nya ng drama ang kasal. Dahil sa laki ng tyan nya (buntis sya at sa Pinas sya manganganak), siguradong ang lakas ng dating kapag tumutol sya, nyahaha! Ano ba naman kami, matapos maging tulay e magiging dahilan para matigok ang puso. Joke lang sempre.
Inggit naman ako sa mga nakarating. Kami may invitation din. Ang sabi nga ng asawa ko — bakit daw di kami inantay. Ganun. Para namang pwede mong pigilin ang pag-ibig. Ehem. Feel na feel ko ang mga katagang sinusulat ko ha. Na-inggit ako dahil gusto kong makita kung papano makita ang dalawang kaibigan ko na in love sa isa’t isa. Inggit din ako kasi sarap siguro ng feeling ng maging witness sa isang kasalan na kilala mo ang groom at bride. Inggit din ako kasi feel kong mag crying lady during the wedding ceremony. Inggit din ako kasi gusto ko makita ang ‘you may now kiss the bride’ (marunong kaya sila, hehe). Inggit din ako kasi sarap daw ng pagkain. Inggit din ako kasi type ko ring maki-sayaw. Inggit din ako kasi gusto ko ring maki smile sa kodakan. Inggit din ako dahil gusto kong maki-party hanggang umagahin. Inggit din ako kasi…hay, tama na nga. Isang hirit na lang. Inggit din ako kasi gusto kong mag-honeymoon ulit! Sige, kwentuhan tayo tungkol sa honeymoon, eheste, tungkol sa kasalan pag-uwi namin dyan. Congrats, Monch and Vi!

[...] am happy that you and vi are happy together, dear monching. alala mo nung umuwi kami ng pinas nung 2006? tinannong kita kung bakit ang laki ng [...]
Pasa ni si monching « Kwentong Kengkay — Enero 2, 2009 @ 9:38 umaga |