Ang mga anak ko na 3 at 5 years old, paggising nyan sa umaga, ang unang tanong sa akin, ‘mama, may muta pa ba ako?’ E sempre di purong Tagalog ang bigkas nila. Kasi Deutsch na Deutsch sila. Pero marunong silang mag-Inglis at konting Tagalog. Pinay nanay nila e. Ang talagang bagsak ng tanong nila e, ‘mama, hab’ ich noch muta?’ O di ba? Kung meron mang Taglish at Englog, meron namang Deulog. Laban kayo dyan?
Tapos tanggalan na sila ng muta. Kuskusan. Hilamusang parang pusa. Si five years old professional na yang mag-tanggal ng kayang muta. Kapang-kapa na nya kapag may foreign object na nakadikit sa paligid ng mga mata nya. Pipikit sya, tapos tanggal ng muta. At bago sya lumabas ng bahay, punta pa yan sa salamin. Imumulat ang mga mata. Titingnang mabuti kung may muta pa ba syang na-miss. Di pa yan satisfied minsan. Itatanong pa sa akin. Ididilat ang malaking mga mata at sasabihin, ‘mama, wala na akong muta ha. Sigurado ka.’ Tapos ang kasunod na tanong, ‘e ikaw, mama, wala ka na ring muta?’ Ganun! Sempre palihim naman akong sisitahin ang pagmumukha ko, baka nga naman meron pa akong muta ano.
Si three years old naman. Naku, yan ang super kulit. Manang-mana. Sa nanay at tatay. Kanino pa nga ba? Sa umaga, sabay ng tanong ng ate nya, sabay din yuko nyan o kaya magtatago sa kung saang sulok o tatakbo sa pinakamalayong lugar. (Oo, ate talaga tawag nya. Tagalog na tagalog.) Kasi alam nya, ako ang muta pulis. Kapag nagtanong na si ate nya, babaling agad ang paningin ko sa kanya. Hahanapan ko rin sya ng muta. E ayaw na ayaw nyang may ginagalaw ang ibang tao sa mukha nya. Kahit na akong nanay nya. Mas lalo pala, kapag akong nanay nya. Alam kasi nya, hindi ako titigil hanggat di malinis mukha nya e. Kaya ang drama nya, konting pahid sa mukha, tapos i-declare na nya na wala na sya muta. E sempre kitang kita mo meron pa. Oo na lang ako. Pero kapag nakalingat, alisin ko din muta nya. At kapag nakatakas naman sya, antayin ko na lang pagkatapos nyang mag sipilyo ng ngipin. Kunyari papahirin ko yung bibig nya, pero unahin ko ang mula noo hanggang bibig. Duon sya parating naloloka. Sisigaw ng pagka-tining-tining. Effective din yon kapag a-antok-antok pa akong nanay nya. Talagang gising pati muscles ng mga pilik-mata ko.
Na-kwento ko lang ang tungkol sa muta. Kasi kaninang umaga, nakatakas sila sa muta survey. Dahil sinundo ng kaibigan, at maagang nangapit-bahay. Pag-uwi nila nung gabi, aba — may mga muta pa ang mga lintsyok!



naaliw naman ako dun sa dutch ng pagtatanong kung may muta.
talaga bang muta din ang tawag sa muta?
3 and 5 years old…nasa kakulitan mga yan. pero mukhang ismarte mga kiddos mo, tita.
Comment ni MARU — Agosto 14, 2007 @ 5:57 umaga |
alam mo, di ko rin kasi alam kung ano ang muta sa deutsch e, kasi pati asawa ko di rin nya masabi sa akin. kaya muta sya — inglis, deutsch or tagalog man, hehe!
Comment ni kengkay — Agosto 14, 2007 @ 5:54 hapon |
[...] at si jollibee. marami silang alam na tagalog na salita sa umaga pa lang e nagaalis na sila ng ‘muta’. marunong silang gumalang– ang tawag ni bunso sa kanyang nakatatandang kapatid ay [...]
Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:34 hapon |
hello admin. i opened my mail today and kept following the links from page to page and by some means landed here on %BLOGINTITLE%.. i have been checking out your posts since then and i like the way you are writing. are you currently on twitter?? simply because i would really like to follow you and get informed any time you post on your blog here. i’m trying to read all your posts and i’m enjoying them a lot. thanks a whole lot for putting up a nice informative blog. Thank you.
Comment ni Shelley Jensen — Abril 27, 2011 @ 11:34 umaga |