O game na ba kayo? Para naman may maging katuturan ang pag-gugulo natin sa ere, sumali naman tayo sa aksyong ito: Filipina Writing Project.
Ang tema nya ay para i-angat ang pagiging Pinay natin. Kaya itaas ang noo, ilagay ang hintuturo dun sa may bantang noo ba, duru-duruin ng konti para ma-exercise ang utak natin. Tapos pag-mukhang may nag-click, diin ng todo, sigurado may lalabas na konting laman dun. Sige na. Mas marami mas masaya, di ba?
Pssst, kung tama ang intindi ko, may premyong dolyares din. Pero kahit na wiz datung, sali na kayo. Tulong-tulong, kapit-kamay, sakong sa sakong, saya sa saya, bakya sa bakya — magki-blog tayo para malaman ng buong mundo ang tutoong Pinay.
Inihanay sa:Duon sa Amin, Paki Lang

keng, sure ka ba sa link? bakit “page not found”? silipin ko sana kong pwede ako dun. hehehe! siempre, PROUD to be PINAY akesh noh.
try it again, i just edited it. let’s go proud pinays!!!
mare, salamat. jo-join ako dito kahit walang pa premyo. kasehodang pang grade one ang entry ko, pipigain ko ang kakarampot kong utak may mai-blog lang tungkol sa lahi at balat natin.
ayan, sige, pakopya ha, hehe! tapos kung gigil ka pa rin sa pagiging proud pinay mo, basahin mo na rin yung http://www.filipinaimages.com — yun ang dahilan kung bakit naka-bold yung mga salitang PINAY sa mga blogs ko.
[...] search ang word na “filipina” sa google. Mapapansin mo na ang resulta ay para bang ang filipina ay pang penpal service lang, pang mail-order-bride, o kaya pang online dating lang. Josko! Hindi [...]