Nagpag-uusapan na rin naman ang kaamuyan dahil kay manay malu, i-kwento ko na rin itong aking masaklap na karanasan. Huhuh!
Edi ba nga nag-trabaho ako sa Thailand? Nope, di ako nakapasa sa mga stage antics sa Patpong at sa Pattaya Beach, tsssk! Kasi naman mas maganda at mas seksi pa ang mga linstyok na Thai transvestites sa akin e. Heniway, balik tayo sa amoy. Kapag asa Thailand ka, ang una mong mapapansin e ang amoy. Di mo maintindihan kung napasok ka ba sa isang herbal factory or sa isang kweba ng kuba — kasi ibang klase talaga mare. Di mo alam kung ma-hatsing ka ba or masuka or mabuwal or lahat lahat na yan. Pero kung magtatagal ka dun, edi masanay na rin ang sikmura mo. Ang ilong mo at ang buong katawan mo. Ang amoy nila e halong sili, lemon grass at pollution. Yan ang napili ko kasi kadiri yung ibang naisip ko e, whoarrr!
So, minsang medyo naka-inom na ang barkadang makulay sa Bangkok. Makulay kasi ibat ibang lahi kami e. Lasing na ako dahil sa dalawang basong ginger ale na nainom ko, hikkk! Napag usapan namin ang amoy. Ang amoy ng mga puti ay tungkol sa katawang mabalbon nila, ibig sabihin ba non e may amoy ang balbon nila? — yakkk. Ang amoy ng mga itim, kili-kels naman. Ang balbon nila sa kili-kels, yaaaak ulit. Ang mga Thais naman, e yun ngang halo-halo ng kanilang pagkain. Dahil sa amoy ng mga damo’t mga tinataktak nilang kung ano ano sa lutong bahay at lutong kalye nila. Ano naman daw ang amoy ng mga noy-pi? Amoy patis! Ganun, amoy patis daw tayo oh.
Bigla kamong taasan ng kili-kels ang mga kababayan ko, inamoy amoy ang sarili nila. Hahaha. Para bang patis ang naipahid nila sa kili-kels nila. Sinaway ko nga. Sabi ko huy, ibaba nyo kili-kili nyo. Baka mapansin nilang TOYO talaga ang amoy na yon, nyahahaah!
Hmmp, di lang nila alam, masarap yata ang patis.



heee, he he. dito nga sa europe kapag summer na mamatay ka talaga sa amoy, kaya kahit malayo pa ang pupuntahan ko… bumamaba na ako ng train….. kesa masuffocate.
kengkay: hahaha, alam ko yang sinasabi mo. mabuti na lang ako kapag ganyan may eksyus — sabihan ko lang mga kids ko na lilipat kami, pwede na yon. kadiri talaga ano, ang tatamad maligo
Comment ni Emmerich — Marso 15, 2008 @ 7:44 hapon |