Kwentong Kengkay

Agosto 17, 2007

Yehey, Tuloy Na

Filed under: Dito sa Amin,Paki Lang,Palaway — kengkay @ 7:18 hapon

Oks. Nabuhayan ang loob ko. Yehey na tunay talaga ito. Pumayag na ang bossing ng jowawits ko. Pinirmahan na ang request na day off nya. Tuloy na ang planong lumipad patungong Pinas.

Teka, mga ilang tulog na lang ba? Hmm, mga anim na buwang tulog pa, nyahaha. Potchak, kala mo lapit na talaga e. Sobrang excited. Obyus ba, e nung pagpasok pa lang nung 2007 e naghanap na ko ng matutulugang hotel sa Pinas. Surfing galore ako sa internet. Palista-lista pa kamo ako ng requirements namin. Simple lang naman gusto ko e.
Gusto ko may swimming pool, may buffet breakfast, may room service, at least two bedrooms kung wala mang three bedrooms, may bar na may bandang pwedeng maki-karaoke, may playground para sa mga anakis, malapit sa mga tindahan at kainan, may taxi service. At sempre, mura lang. Kung may alam kayo, paki-bulong naman. Bulong lang at baka sa sobrang dami ng maka-alam e maging fully booked sya at di kami magkasya-kasya.

Tapos lubusin ko na rin. Balak din naming mag beach. Eto, simple lang ulit ang gusto ko. White beach na may swimming pool na malapit sa Maynila. Tapos dagdagan mo na rin: may buffet breakfast, may room service, at least two bedrooms kung wala mang three bedrooms, may bar na may bandang pwedeng maki-karaoke, may playground para sa mga anakis, malapit sa mga tindahan at kainan, may taxi service. At sempre, mura lang. Para bang gusto mo na akong murahin :-)

Sige na, bigay na kayo ng tip. Pramis, pasalubungan kata. Pasalubungan ng masigabong palakpakan, nyahaha. Walang joks, sa laki ba naman ng balikbayan box na iuuwi namin e wala akong masisid na pasalubong dun? At sempre di ako mapakali kasi si Maru may pramis din sa akin e. Dahil tagal ko ng di nakakapasok ng sinehan, mga anim na taon lang naman, etong pasakalye nya sa akin: keng, kelan ba uwi nyo dito sa pinas? kasi balak ko sumalubong sa airport at ideretso na kita sinehan!

E di nya alam, easy to get yata ako! Daan lang tayo muna sa kanto para bumili ng manggang hilaw at bagoong para mangata sa sinehan.

Pero mas easy to get ang anak ko. Nung sinabi kong pumayag na ang bossing nung tatay nya para magbakasyon kami sa Pinas ang sabi ba naman e: ‘Kelan alis natin, mamayang gabi?’ Oo anak, lilinisin ko lang ang walis ko, hi-hi-hi!

Mga Puna »

  1. ansosyal.. :D

    Comment ni jojie — Agosto 18, 2007 @ 12:39 umaga | Tugon

  2. pa-sosyal, hehe. pilit na pilit nga kasi mura ang hanap e.

    Comment ni kengkay — Agosto 18, 2007 @ 9:56 umaga | Tugon

  3. nyahahaha! walis ka jan!

    yehey! at uuwi na nga kayo! amp! bakit parang ako ang mas na-excite? sa pasko nga ba yun?

    keng, yung manggang hilaw at bagoong na pinaglalawayan mong baunin natin sa sine…pwede bang dried mangoes na lang? mahaharang tayo ng gwardya jan sa binabalak mo eh. hahaha!

    tungkol naman dun sa mga tip na hinihingi mo re: hotels, wag ka mag alala dahil sobrang dami na ng hotel dito kahit wala ka pang reservation. pang 5-star hotel ang mga nabanggit mong mga amenities kaya i suggest na mas ok kung sa bandang Makati kayo kumuha. sure ako na magugustuhan yun ng mga junakis mo dun. basta magbaon ka lang ng bayo-bayong datung. :D

    Comment ni MARU — Agosto 19, 2007 @ 3:25 umaga | Tugon

  4. masarap talaga umuwi. hehehe. hayz. naiisip ko na naman yung pag uwi ko. napadaan lang keng… may tubig ka dyan? maki inom?

    Comment ni sawn — Agosto 19, 2007 @ 5:16 umaga | Tugon

  5. maru — gash, meron akong bayong pero datung? mangupit ako sa jowa ko, hehe. excited na rin ako sa pasko at sa pag uwi ko :-)

    sawn — etong tubig, basta sabihin mo lang kung ano yung spanish bread na paborito mo. na-intriga ako e.

    Comment ni kengkay — Agosto 19, 2007 @ 12:19 hapon | Tugon

  6. yung spanish bread… yung… yung.. di ko ma explain eh. basta ang palaman nun eh, mantekilya na may halong asukal. sabi nila cheese daw. pero kahit dahan dahanin ko sa pag nguya.. di ko malasahan ang cheese. sige lang, pag nakahanap ako ng piktyur nun send ko sayo agad.

    masarap yun. tulakan mo ng sprite. solb na merienda mo keng. at laking tuwa ko keng! dahil kahit ga tuldok lang sa mapa itong bansang napuntahan ko, guess what? merong spanish bread! at syempre pa, pinoy ang baker! at di ko na sasabihing super siya ka sarap.


    Kengkay: ang swerte mo naman. inggit ako. kasi bigla kong na-alala, peborit ko rin yan. medyo mahirap na tumatanda, pati peborit nalilimutan e. Baka pwedeng padalhan mo ako rito, plis lang - kahit na picture lang, hehe!

    Comment ni sawn — Agosto 19, 2007 @ 1:41 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers