Pochak naman e. Kakalinis lang ng tatay nila ng bahay e gusto na namang lumafang ng mga bubwit. Ibig sabihin, sayang yung halos tatlong oras na kapupunas at kahihigop ng vaccuum ng ama nila. Kasi kalat na naman.
Inuto ko na lang sila. Sabi ko, pwede nilang kainin kung ano gusto nilang kainin, basta wag lang sa sala. Sabi ko i-pause muna yung pinapanood nilang DVD. Pinalabas ko sila sa balkon at dun sila nag-picnic. At madiiin kong sinabi: bago kayo pumasok sa sala, mag-pagpag! As in, pagpag talaga ang sinabi ko. Kasi di ko alam ang word na pagpag sa German e. Matuto silang mag-Tagalog ano. At ako? Nagutom din. Tinakas ko ang isang supot na cookies at habang ngumangata ay nag-blog! Life is not fair, hehe.
Oo, ang jowa ko ang taga-linis ng bahay. Tutal naman wala syang pasok sa opis pag linggo. Edi tumulong naman sya sa bahay ano, hmmp. Pero minsan nag-lilinis din sya tuwing Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Sabado. Op kors, di naman sya ander de palda (wala kasi akong saya). Pero dahil mahal na mahal nya ako, edi mag-linis sya ng bahay. Sige na nga, sa totoo lang, palitan kami ng linis. Pero madalas e sya, kasi kunyari busy ako sa trabaho ko — maki-chismis sa ibang blogs!
Dati may katulong kami sa bahay. Dumarating dito tuwing Miyerkoles, mula 8-12. Apat na oras na trabaho. Sampung pesetas na oyro bawat oras. Kayo na mag-kompyut, absent ako nung multiplication ang subject namin e. Trabaho nya: Maglinis, magkuskos, mag-vaccuum, at kung ano pang dapat na gawin na maisip ko tulad ng babysitting or mag plantsa. Hate ko ang mangabayo ng kaplantsahan ano, ibang kabayo pwede pa
Magaling yung katulong namin na yon. Mabait pa. Mga dalawang taon din syang tumulong sa amin. Aba, nagpa-alam bigla. Kasi daw dahil sa HEALTH reasons; pero sa tingin ko, dahil sa WEALTH reasons. Kasi napalitan na ang kotse nya. Talo pa nya kami, ang karuro nya ngayon e – chedeng! Mercedes Benz, man.
Laban kayo?



wow. german? mas gusto ko ang french. sana naintindihan nila yung pagpag. hehe. walang saya. palda na lang. minsan nga ako na lang ang gawin niyong katulong. para masaya.
Kengkay: naku, magastos ka, di lang chedeng ang sa yo, airbus pa! pero kung ikaw mamasahe, sige, welcome ka kahit kelan
Comment ni Jervin Ruiz — Agosto 19, 2007 @ 4:03 hapon |
maganda yung alam niya kung sino ang bossing sa bahay. LOLs!
Kengkay: alam na alam nya yon, nyaha!
Comment ni jojie — Agosto 20, 2007 @ 12:33 umaga |
aabangan ko ang next post mo na medyo related sa entry nato. di ako magtataka kung ang title nya ay “laba”, “luto”, o kaya “linis” lol
Kengkay: hehe, antay ka lang, pare ko. bigyan pa kita ng tips.
Comment ni A Z R A E L — Agosto 20, 2007 @ 6:02 umaga |
Dapat lang matuto sila ng kaugalian dito. Mabuti na yon para hindi maloko, lols
Kengkay: dapat lang na sila ang maloko natin di ba
Comment ni Ms. Red — Agosto 20, 2007 @ 8:31 umaga |