Eto lang ang masarap talaga. Libre ang prutas at gulay namin. Kasi meron kaming yarda-yardang hardin na hitik na hitik sa bunga: prutas at gulay, depende sa takbo ng panahon. Kanina nag-hiking kami. Akyat ng bundok. Para mamitas. Naks, kita mo naman, may-ari kami ng bundok. Maliit na parte lang naman ng bundok ang sa amin. Naku, naki-angkin na rin ako. Sige na nga, sa tatay at nanay yun nung asawa ko. Meron din kaming hardin sa likod ng bahay, maliit lang yon, pero grabe din kung mamunga ang mga prutas at gulay dun.
Ngayong hapon, ang bitbit namin pauwi e: ubas, kalabasa, zucchini, cucumber (ano nga sa tagalog ‘to), mansanas, at kamatis. May mga natira pang strawberries pero nangata na ng mga kiddies, di na umabot sa bahay. Kahit nga sa kodakan di rin umabot e
Hirap kasi dito, kapag Linggo sarado lahat ng tindahan. E wala ng laman ang pridyeder namin ano. Buti na lang may bundok kami, hayyy. Panoorin nyo na lang ang aming eden.
pwede ka ng mag-sideline.
baka naman pwede mo akong batuhan kahit kamatis lang. LOL!
Kengkay: balak ko ng maglako e, manicure at pedicure na rin, hehe! batuhan kita ng pipino kasi malambot ang kamatis, sayang!
Comment ni jojie — Agosto 20, 2007 @ 12:36 umaga |
Hi Kengkay!
Nakakatuwa ka naman magsulat, nakakaalis pagod =) Ang lawak nga ng ‘hardin’ nyo!! Nakakatuwa tingan mga kiddies, tyak tuwang tuwa mamitas ng gulay at prutas.
Hay kainggit, fresh lahat! Pipino nga pala cucumber sa tagalog.
Have a good week!
Kengkay: huy, salamat sa pipino. naalis din pagod ko sa kaiisip kung anong tagalog ng cucumber! good week din sa yo.
Comment ni thess — Agosto 20, 2007 @ 7:43 umaga |
grabe gutom pala ako kapag linggo kung sarado mga tindahan. hehe. hindi gumagana sakin yung slide. ang tanga ko,..
Kengkay: alam nung una, talagang kahit na di ako gutom, feeling gutom yung sikmura ko kasi nga di rin sanay ng walang tindahan kapag linggo e. natawa naman ako sa yo, eng-eng ka sa slide? alam mo bang inabot ako ng madaling araw para lang tapusin yan? medyo konting tanga na lang ako, hehe!
Comment ni Jervin Ruiz — Agosto 20, 2007 @ 1:55 hapon |
ayan nakita ko na. ang kukyut naman ng mga halamang yan.
Kengkay: sarap kurutin ng mga halaman ano?
Comment ni Jervin Ruiz — Agosto 20, 2007 @ 1:56 hapon |
hala uy! nainggit naman ako sa hacienda mo. natakam ako sa grapes! pangarap ko magkaroon ng ganyang halamanan. sinubukan ko magtanim ng grapes sa likod ng bahay namin pero inabot na ako ng 48 years di pa rin tumutubo. bakit kaya? hahahhahaha! asa pa ako.
finally, nakita ko rin ang mga mini-kengkays. hehehe! di nga lang kita mga fez. mukang ang kukulit ng mga girlash mo mare. ano ba names nila?
Comment ni MARU — Agosto 20, 2007 @ 10:30 hapon |
Sobra na talaga akong bilib sa pagka-tech savvy mo – kunyari ka pa ‘ala kang alam, ha. May pa-slide-slide pa! Salamat sa pagpapasilip mo sa iyong malawak na hardin! (hehehe… iba ‘ata ang dating n’on!)
Kengkay: naku, daming nagti-tiyagang magturo sa akin e. atsaka inabot ako ng madaling araw dito ano! pero worth it naman di ba. nakita mo ang hardinan namin.
Comment ni MegaMom — Agosto 21, 2007 @ 8:47 umaga |
uist pkitel naman ng mga pananim every month kung ano ang pananim 2wing enero down 2 december,reply asap
tnx kengkay
Comment ni janel — Setyembre 3, 2007 @ 8:13 umaga |
kengkay gus2 kung malaman lahat ang tungkol sa prutas at gulay dahil assignment namin yang. . . . . .ang pans mo niekyll
kengkay: alam mo meron akong home and garden na website kaya lang under repair sya ngayon e, dun sana marami kang mababasa tungkol sa prutas at gulay. at kung may alam man ako, iba ang gulay at prutas na inaani namin dito sa alemanya kesa sa atin dyan sa pinas. in fact, ayaw tumubo nung pipino at nung petchay at nung sitaw
am sure may makikita ka pang ibang site sa internet about that. good luck!
Comment ni kolyrien — Hulyo 1, 2008 @ 1:58 hapon |
[...] pala, eto yung unang post ko tungkol sa aming vineyard, mas maraming photos at andun na yung ubas na [...]
Pasa ni Kengkay’s Vineyard 2 « Kwentong Kengkay — Hulyo 25, 2008 @ 1:39 hapon |
pangit oa filling i hated you
Comment ni sweetzyl — Hulyo 28, 2008 @ 1:30 hapon |
..eh..
ano ba yan akala ko may translation sa tagalog kung ano ang zuchinni wala naman pala….
but,,,kengkay ka nga base sa sulat mohh.
hehe…ang lapad ng garden nyo!!!!!..
Comment ni ruzzel — Nobyembre 24, 2009 @ 8:43 umaga |
Meron Ka Bang Kwento tungkol sa mga gulay????
Comment ni Shaena — Enero 10, 2010 @ 5:17 umaga |