Dito sa amin. Bumisita ang mga nanay at tatay ko.
Isang araw. Sobrang init. Tagaktak ang pawis. Dami kasing nakain. Sabi ng jowawits ko, ‘hala, para matag-tag ang kinain natin, lakwatsa tayo sa ice cream parlor.’ Yehey naman ang sagot namin. Bilis-bilis na nag-tsinelas. Lakad kami.
Mga sampung minutong nakalipas, nakarating din kami sa ice cream parlor. Ayan. Italian ice cream. Pwede ng pagtiyagan. Hanap ko si mang pablo e, yung dirty ice cream ba na ang sigaw parati sa kanto namin e ‘sorbetes, di lang dalawang itlog, kundi tatlong itlog ang sahog,’ habang nag-iingay yung kanyang kuli-ling. O kaya naman e yung Sorbetero, uy eksyus me, tulo laway ko. *pahid-pahid
Habang ako e nag-day dreaming kay mang pablo at dun sa Sorbetero, ito palang tatay ko, tulo laway din. Sa sobrang dami ng flavor. Nalito sya. E sya na lang ang walang hawak na sorbetes, tinabig ko nga, ‘tay, anong flavor ng ice cream ang gusto mo?’
Pa kool pa daw si tatay ko, ang sabi nya ay ‘macapuno na lang.’ Macapuno! Naghanap si tatay ko ng macapuno sa Oy-ro-pa!
Naks naman. Hagalpak talaga ako ng tawa. Nyahahaha. Sempre di na ko makapag-salita dahil pinipigil kong wag lumobo ilong ko e, oops, eksyus me
Sakit talaga sa tyan. Ito namang asawa ko, nahawa na rin. Hagalpak din ng tawa. Kahit di nya alam kung bakit halos maghalumpasay na ako sa hagalpak. Pero si nanay ko, tuliro. Di nya na-gets kasi e. E dahil sa humahaba na ang pila sa ice cream-an, paputol-putol kong sinabi kay nanay kung anong patawang ginawa ni tatay, ‘gusto — hihihi – daw — hihiih – ni — hihihhi – tatay —hahaha — ng hihihih — macapuno. Sino naman kaya ang matiyagang magkadkad ng niyog dito?
Ahhhhh, sarap ng feeling nung na-buo ko yung sentence. Pero ang reaction ng nanay ko ang pang grand finale talaga — sya ay na-ihe!


salamat sa pagbati …… add kita sa link ko … kulit mo .. wehehe
Comment ni Airwind — Agosto 24, 2007 @ 11:30 hapon |
hahaha..natawa naman ako sa reaction ng nanay mo
Comment ni chuvaness — Agosto 25, 2007 @ 7:04 hapon |
san naman yun napulot ng ‘tay mo at macapuno ang nasa isip? hmmm..
Comment ni jojie — Agosto 27, 2007 @ 6:29 umaga |
[...] At meron pa kaming kwento dito nung nagpunta sila ni nanay ko sa Alemanya, eksampol pa rin ng kanyang pagiging comedy king click:macapuno [...]
Pasa ni Tatay « Kwentong Kengkay — Hunyo 15, 2008 @ 6:40 umaga |
Kakatuwa naman si Tatay Goniong
Macapuno, hehehe…
Comment ni julie — Hunyo 15, 2008 @ 12:33 hapon |