Isang tanong, isang sagot: naka-upo o nakatayo?
Psst, kayong mga jolakis ang tinatanong ko. Pano kayo mag-park sa CR? Upo or tayo?
I-share ko lang ‘tong kwentong barbero na ang bida e dalawang mahal ko sa buhay. Secret na lang kasi baka mabatukan pa ako e. Pero kung pilitin nyo ko…
Kwentuhan ko muna kayo.
Sabi nung ____ ko na pa-sermon at tipong nilakihan na ang mata para talagang peelings ba, ‘ikaw, umupo ka naman kapag umiihi ka. Di ka na nahiya, yung _____ mo pa ang naglilinis ng CR pagkatapos mo.’
Sagot namang super shocked nung _____ ko, ‘ano, papano ko uupo kapag iihi e ganyang naman talaga umihi kaming mga lalaki — nakatayo.’
Sabi ulit nung ____ ko, ‘e bakit si _____, naka-upo kung umihi? Edi ikaw pwede ring masanay na naka-upo. Mas maganda pa at walang talsik-talsik. Di madumi, hmmmp.’
Sagot naman ulit si _____ ko na nanlaki rin ang mata at pati ang tyan sa mga narinig nya,’ ano, pano mo nalamang naka-upo si _____ kapag umiihi? Owws.’ Talagang di sya makapaniwala.
Sabi ko naman na nagbibida, ‘oo naman. Totoo ‘yon. Nakaupo si ____ kapag umiihi ano.’
Talo si ____ ko. Napa-ismid na lang at biglang naging busy sa isang sulok ng bahay. Ewan ko kung napa-upo rin sya pagkatapos nung tak-takan na yon.



ay napapanahon! pinagdedebatehan din namin ito sa bahay kagabi.
hawsmeyt: di sila pwede umupo pag umiihi sasayad.
jojie: woooowww! sumasayad?! ang yabang nun ha!
may foint naman ako diba?
Comment ni jojie — Agosto 24, 2007 @ 11:57 hapon |
hehehe! ano ba namang sarvey to! hehehe! minsan upo. minsan tayo. i guess, pipti-pipti. ganun.
Comment ni reyna elena — Agosto 25, 2007 @ 8:17 hapon |