Pangalawang araw na naming pamilya na nagtatampisaw sa swimingan. Kasi ngayon na daw ang huling araw na may araw. Ang gulo ba? Yung araw na tukoy ko e yung the SUN baga. At hindi yung the DAY. Kaya minsan hirap ding mag-tagalog e. Pre-preho salita, iba naman ibig sabihin. Katulad ng paalam. Eto sample:
Kuya Eng-eng: ‘O bakit bukas ang pridyider? Nag-paalam ba kayo?’
Neneng: ‘Ay nalimutan namin. Paalam!’
Ano daw yun
Edi ba sabi ko nga, kakalito. Pero di yon ang usapan natin. Balik tayo sa hubo kasi yan ang title ng blog ko ngayon. Bakit naman daw? Kasi sa ilang beses ba paikot ikot namin dun sa swimingan, kahapon ko lang nalaman na dun sa kabilang dulo ng dagat e andun ang mga tropang hubo. Oo, andun ang FKK (Frei Koerper Kultur) or sa Inglis e nude colony.
Pero ang nakakatawa, may bakod yung kanilang tambayan. Langya naman. Natuturang walang hiya silang mag-hubo, tapos biglang tatabingan? Anong gusto nilang palabasin? Na ayaw nilang ilabas, edi ba nalabas na nga. ‘No kala nila? Na mas walang hiya kaming mga naka-labas ang puson? Na di kami imbierna sa mga pagiging scantily clad namin? Dahil wala kaming paki-alam kung sinong makakita sa mga ka-seksihan namin? Hmmp.
Kung alam lang nila. Hubo din naman ang dating ko kapag kasama ko sa swimingan ang mga junakis ko. Etong alisin nung isa yung tali sa likod nung aking two piece, ayan naging one piece. Pero labas naman yung two piece ko sa taas, nyahaha! Andun din yung hatakin nung mga anakis ko ang bikini ko. May i silip ang wet-paks ko. Andyan din yung habang nagbibihis ka e biglang bubuksan ng mga bubwit ang kurtina dahil nagtataguan-pung sila. Edi taguan pung din yung mga kasu-kasuan ko. ‘Yon lang naman…
Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Patawa

ay mag-iinang bold star.. LOLs! aylabyu ate kengks!
[...] mga taong sisilip din sa iyong ka-blagan. E nagkaron ba naman ako ng post na may titulong ‘Hubo‘. Tapos nga may pumasok pang mga salitang muntik na talaga akong mabilaukan. At dahil di ko [...]