Uy, nagbasa basa ako ng inquirer ngayong TGIF na naman. Kasi tahimik ulit sa ere, lalo pa’t every now and then e kini-kick out ako ng asawa ko at nakikisingit sya sa pag-gamit ng computer. Di ko maka-concentrate mag blog hopping o kaya makatapos ng matinong blog. Kaya, basa-basa na lang muna. Di bale, sa Linggo darating ang bago naming laptop, arrrgh! Excited na ko!
Teka, mabalik tayo sa titol nitong blog ko. Napadpad ako sa Kamaynilaan ni acting mayor Isko Moreno. Di ba artista yon? Kaya naman pala acting mayor dating nya e
Di ko alam na sya na ang Kamaynilaan ngayon. Kamot ko ulo ko, kasi alam ko si Lim nanalo e. O naging biktima na naman ba ako ng katandaan, hmmm.
Ano naman pagkakaibhan ng acting sa nag-iinarteng mayor? At sa basta mayor lang? Sa tingin ko malaking pagkakaiba. Imagine, sya ay nag declare ng curfew: ang mga menor de edad would not be allowed to make tambay between 10 pm to 4 am. I mean, seryus ba sya or medyo patawa? At ano naman kaya ang naging dahilan at i-declare nya yon? Oo alam ko, may mga parte ng Maynila na magulo. Pero di lang naman menor de edad ang nangunguna sa gulo e. At pano kung di taga Maynila ang nahuli nilang tumatambay? Pwede ba nilang pauwiin? Pano kung bagyo at walang sasakyan pauwi? Pano kung strike ang transpo? Pano kung nakalimutan nilang menor de edad pala sila?
Ang mga pulis magiging busy, magiging taga-hatid ng mga lintsyok na nag-TGIF or naki-piesta or mga naligaw ng landas. Nakow, kung noon yan nangyari, edi halos gabi gabi pala e asa City Hall ang beauty ko. Pero am sure pakawalan nila ako, kasi batang Pasay to e. Sa sobrang traffic ba naman from Kalookan kung saan may best friend ako, papuntang Pasay, am sure abutan ako ng alas gis sa dyip o kaya sa LRT. Parahin kaya nila ang mga dyip at isa-isahin kung sino ang inabot ng curfew? Akyatin ba nila ang LRT para halughugin ang mga minors dun? Paki-explain.
At paki-explain na rin kung papano nyo ipapa-alam sa mga minor de edad na di nakakabasa o walang ka-alam alam kung bakit biglang di na sila pwede pauwiin. Am sure daming mag-iiyakan dyan sa takot. Okay nga sa ‘to, pero mas okay sana kung magkaron muna ng information campaign. Ipaalam muna natin at i-explain ng konti. Sa liit kong to at dahil sa pagka bebe face ko (walang tututol), baka pati ako mapagkamalang minor, aba, talagang mang-uumbag ako kapag nangyari yan. Pero sempre mag thank you din ako pagkatapos kong manakit. Kasi it’s a compliment baga, hehe!
Nga pala, pano naman ang tulugan? Ibig sabihin magiging tambayan din ang little house of the barangay tanod, ang police department o kaya ang social welfare opis. Dapat pala pag alam mong sa bandang Maynila ka gagabihin, magdala ka na ng inflatable bed o kaya banig. Pano kapag nauhaw? May fountain bang pwedeng tapakan at halos i-lips-to-lips mo na yung gripo dahil sa hina ng tubig? Pano ang pagkain? May midnight snack ba or breakfast? Kung saan saan pumupunta isip ko, kasi ayokong mahuli ng curfew ang mga kabataan dahil trauma yon. Imagine, naki party ka lang biglang huli ka!
So, paki basa na nga:
Under the ordinance, minors will not be allowed to loiter outside their homes during the six-hour period unless they are accompanied by their parents or legal guardians; running lawful errands such as buying medicines; using telecommunication facilities for emergency purposes; night school students and those who, by virtue of their employment, are required to stay outside their residence after 10 p.m. or those working at night.
Proper documentation from the barangay, however, must be presented by those studying or working at night to prove the necessity for curfew exemption.
Homeless, abandoned or neglected offenders or those with no known parent or relative will be referred to the Manila Youth Reception Center or the City Hall’s social welfare department.
Etong kabuoan ng tungkol sa curfew.

anak ng putakte! teka.. wait.. di ako updated sa news, si ISKO MORENO?! Acting Mayor ng Menila? Kelan pa???
Oh my gash! Di na pala ako pwedeng abutan ng gabi sa Menila.
Comment ni jojie — Setyembre 8, 2007 @ 12:10 umaga |
oo nga haka gulat naman yun na si Isko e acting mayor ng manila, e anung nangyari kay Lim e parang kaylan lang nakita ko siya sa balita nung nanonood ako ng tfc, ahh baka naman nag paretoke si Lim,
Hay tungkol naman po sa curfew na yan, imposibleng mapatupad ng maayos yan, alam mo naman tayong mga pinoy, pasaway hehehehe
xiao!
Comment ni brath — Setyembre 8, 2007 @ 2:07 umaga |
buti nlng po hindi na ko minor.. feeling minor lang. hehe
Comment ni eitheryousinkorswim — Setyembre 8, 2007 @ 3:51 umaga |
dito sa min me curfew din. kahit mga damatans na, meron. haha! yung tinatawag na baganza. dadalhin kayo sa municipal hell at pag umaga na, papagbubunutin kayo ng damo don sa tabi ng kalsada lol.
Comment ni pazing — Setyembre 8, 2007 @ 5:36 umaga |
anak ng pitong patola! ano kaguluhan ‘to? kelan lang nabalitaan kong dinemolish ni Lim ang baywalk ngayon naman e acting meyor na si Isko Moreno. Kelan pa’yan?
pagtunoy siguro ng alam e rambulan na sa mga kalsada. baka magkaron ng stampede. hahaha
hoy meyor, magsi-tigil ka!
Comment ni kotsengkuba — Setyembre 8, 2007 @ 3:07 hapon |
Asussss! Feeling nyo papansinin kayo ng barangay tanod pag nakita kayo sa kalsada? hehehehe!
Mga Ambisyosa!!! nyahahaha!
Comment ni Ms. Red — Setyembre 8, 2007 @ 3:13 hapon |
naku…pano yan? baka lage ako hulihin (bebi fez kse aketch)
…wahahahhahah!!!!
Comment ni chuvaness — Setyembre 8, 2007 @ 8:08 hapon |
Sabihin na nating maganda ang hangarin ng ating butihing acting mayor di ba!…
naiintindihan ko naman ang batas dahil nagbabasa naman ako ng libro tungkol sa mga ito…
Naguluhan lang ako sa mga tanod na dito sa pinagtatrabahuhan ko, malinaw naman na nakalagay sa batas na;
During the curfew, minors are not supposed to loiter in the streets, commercial establishments, recreation centers, malls or any other area outside the immediate vicinity of their residence unless they are: accompanied by their parents, family members of legal age or guardians.
Huhulihin sila kung wala silang kasama, ulitn ko ba ulit…
E kasama ko na yung pamangkin ko tapos siguro naman ang 30 years old ay di lang proper age. Dapat over age na di ba!…
tapos sinisita pa rin kami, kaya ko naman magpakita ng id. At ng pamangkin ko magsabi lang sila…
nagmamarunong ang marami di lang nila alam…
kengkay: may curfew pa rin ba? pero tama ka nga, kung asa tamang edad naman at hindi naman kahina-hinala ang kilos e bakit nga naman sitahin pa di ba?
Comment ni LeeWeng — Enero 29, 2009 @ 2:30 hapon |