Kwentong Kengkay

Setyembre 18, 2007

iPhone

Filed under: Dito sa Amin,Panlasa — kengkay @ 5:56 hapon

iphone.jpg

Hmm, mukhang magandang isali sa Christmas list itong iPhone na ito ah. Kaya lang baka mabatukan ako ng asawa ko, kasi itong music mobile phone or iPhone e mas mahal daw ang introductory price dito kesa dun sa Amerika. Sa Britanya e mga 269 Pound (388 euro) na ito. Wow, talagang mas ginto ang dating nya dito sa Oy-ro-pa kesa sa U S of A kasi duon e mga 300 euro lang sya, at may mga nagbibigay pa ng mas mababang presyo: bagsak presyo na sya dun.

Sa Britanya e simula na ng pilaan para sa iPhone na ito ngayong papasok na November 9. Pero mukhang may pag-asa pa ako kasi wala pa daw presyong binibigay para dito sa adopted kong Alemanya e. Kaya lang, dahil taas presyo agad sa kapitbahay naming Britanya, siguradong di patatalo dito. Ngayong pang halos lahas e tumataas dito, ako na lang talaga ang pure and proud na di tumatass at nanatiling 4’11 beauty. Teka, bago daw mag-Pasko e balak ng US na ipasok ang iPhone sa bangketa ng Alemanya. Meron pa akong oras para mag pa-kyut sa asawa ko, baka sakaling batuhan ako ng iPhone ngayong darating na pasko.

Para namang alam ko kung ano talaga ang iPhone; actually nakiki-sama lang ako sa daloy ng usapang high tech dito sa blogging world. Aaminin ko, ignoramus ako pagdating dyan. Kasi hanggang ngayon, di ko alam kung ano talaga ang iPhone, iPod, MP3, MP4 at kung ano-ano pang pinaghalong abbreviations at numbers na yan. Alien speak yan sa akin e. Yung handy ko daming pwedeng gawin, pero simple lang alam ko dun, calling at texting. Meron akong Palm T3 na hanggang ngayon e gamit ko lang para sa kalendaryo at address book. Ka-chat ko nga si Pao nung isang araw, tinuruan nya ako kung pano gamitin itong Palm T3 ko; namangha ako dahil dami palang pwedeng gawin dun.

img_0001.jpg

Kaya lang, nung natapos usap namin ni Pao, mega click ako pero di ko talaga sya ma-gets e. Ayun, pagkatapos ng ilang sekundo e nawala na rin interes kong kalikutin itong Palm T3 ko. Ewan ko ba. Ganun lang talaga siguro ang buhay. Merong mahilig, merong walang hilig. Meron din namang wala lang interes o kaya lang tulad kong tamad lang talaga.

Yung bago kong Acer Travelmate Notebook? Ayun sa sulok, nangangamote ng kaantay sa akin. Mas type kong pa kasing gamitin ‘tong computer e. Hopeless case ba :-D

Photo above from Yahoo Deutschland Nachrichten.

Mga Puna »

  1. hay sinabi mo pa sis bagsak na talaga ang presyo ng iphone na yan dito sa esteyts, pero wala akong balak bumili dahil sayang ang pera heheh ang kuripot ko tlalaga,,,,,

    xiao!

    Comment ni brath — Setyembre 18, 2007 @ 6:32 hapon | Tugon

  2. Dito sa amin malamang mahal din ang bentahan niyan pag naging available dito. Hintayin ko na lang na magbagsak presyo rin, siguro after 2 years? :)

    Kengkay: magbenta ka ng saging, am sure makaipon ka ng pambili bago magpasko, hehe

    Comment ni Kiko Matsing — Setyembre 18, 2007 @ 7:38 hapon | Tugon

  3. hehehe kinky buti na lang ako wala masyado ambisyon sa gadgets cellphone ko hanggang ngayon text and call lang talaga dahil walang pambili ni hindi ko natatandaan ang models ng aking cellphone hehehe

    Kengkay: selvi :-D hay ako din, napapasama lang ako sa daloy ng trapiko.

    Comment ni selvo — Setyembre 18, 2007 @ 10:10 hapon | Tugon

  4. awww wawa naman ang laptop! hehe. sabi kasi ng iba, once mag-laptop ka, di ka na babalik sa PC. at kung nag-iBook ka, lalong di ka na magp-PC. benta mo na yan! at bili ka na ng iPhone :)

    Kengkay: pwede, pwede *isip isip — bukas asa eBay na sya, hehe

    Comment ni ris — Setyembre 19, 2007 @ 1:27 umaga | Tugon

  5. *laway* pero dahil sa butas ng bulsa ko at barya lang ang laman, masaya na ako sa basic cellphone ko. :D wala rin naman tumatawag at text saken eh *sigh* ahahaha. :)

    pero masaya nga ang pasko mo kung meron niyan under the christmas tree. :)

    Kengkay: bigay mo sa kin cell number mo, textan tayong dalawa. ako din, walang nag te- text sa akin *sigh, sigh*

    Comment ni Nika Catbagan — Setyembre 19, 2007 @ 4:59 umaga | Tugon

  6. ate kengks, andito lang ako at naghihintay.. :lol:

    Kengkay: isa ka pa, hahaha

    Comment ni jojie — Setyembre 19, 2007 @ 6:14 umaga | Tugon

  7. Ate Kenkgs…ehem….nasa tabi-tabi lang din ako. *lols*

    Kengkay: ang layo ng tabi tabi na yan, huh ;D

    Comment ni Ambo — Setyembre 19, 2007 @ 7:04 umaga | Tugon

  8. ganda naman tlga ng iPhone.. pero i-Book sakin pwede na.. yung ang hahantayin ko.. ;) maagang pamasko.. LOL

    Kengkay: hmm, ano naman yang iBook…may type ko pa ring magbasa ng totoong libro, hehe

    Comment ni JeanGrey — Setyembre 19, 2007 @ 10:09 umaga | Tugon

  9. Kengkay, walang kinalaman to sa I-phone, pero tuwing bamabalik ako dito sa blogsite mo, nag-iiba ang hitsura. Akala ko yung psychotropic medications na iniinom ko. Mamaya, akala ko nasisiraan lang ako ng bait. Hmmm… ang ganda na ng blogsite mo! Kelangan ko na talagang magpaturo ng hi-tetch mong kaalaman sa pag develop ng blog. Mabuhay ka!

    Kengkay: ngayon lang sya nagbago, baka dun ka sa mommy blogs ko napupunta, hahaha. sa pasko, regaluhan kita ng ready made blog site, haha!

    Comment ni MegaMom — Setyembre 19, 2007 @ 3:27 hapon | Tugon

  10. P.S. Puwede bang palakihin ang text para sa aming mga presbyopic? (matang matanda – yung tipo bang 1 inch lang ang layo ng computer screen sa mukha ko kasi di ko na mabasa)

    Kengkay: uy, sorry, ako din nahihirapan basahin e. teka, magtatanong ako sa mga experts.

    Comment ni MegaMom — Setyembre 19, 2007 @ 3:29 hapon | Tugon

  11. personally, i still feel iPhones can’t do what pocket pcs can. hehe. kahit kups ang microsoft, mas bilib parin ako.

    Kengkay: pao, ayan ka na naman, speaking in alien tongues, hehe

    Comment ni pao — Setyembre 19, 2007 @ 6:44 hapon | Tugon

  12. Unlimited iPhone Downloads!

    The Top Site to Download iPhone Music, Movies and Games! Unlimited Free Downloads. Download everything you want! Includes all the tools, software, and support that you need. 300X Times Faster! Start Now!

    Click Here Right Now to Download!
    http://www.webnetads.com/iphone

    Kengkay: may bayad ads dito :D

    Comment ni JOSEPH — Setyembre 19, 2007 @ 8:45 hapon | Tugon

  13. OT: oo nga ang liit ng fonts. para sa mga hirap po makabasa hold CTRL key then SCROLL-DOWN sa mouse po para lumaki yung fonts. sana makatulong. ;)
    Kengkay: jean, pwede bang maging default na yung mas malaking font?

    Comment ni JeanGrey — Setyembre 20, 2007 @ 11:01 umaga | Tugon

  14. OT ult: other option hold CTRL key then + sa keyboard hanggang readable na sya. Hold CTRL key then – sa keyboard naman kung paliliitin. then hold CTRL key then 0 to go back to default setting.
    Kengkay: aha, tenks for this tip jean

    Comment ni JeanGrey — Setyembre 20, 2007 @ 11:05 umaga | Tugon

  15. pinapangara ko din yang iphone na yan. siguro makakabili ko nyan pag wala na sya sa mga suking tindahan. harharhar
    Kengkay: ay ako drama lang yun, masaya na ko kahit pager lang, hahaha

    Comment ni pazing — Setyembre 21, 2007 @ 7:37 umaga | Tugon

  16. [...] then last night we were watching TV and saw this launching of google’s version of iphone. And I told him, I want something like that. That would be great, to have a phone and a bling-bling [...]

    Pasa ni i want an iphone « Kwentong Kengkay — Setyembre 26, 2008 @ 5:33 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers