Oo, i-welcome ko ulit kayo. Kasi baka akala nyo e naligaw kayo. Bahay blog pa rin ito ni Kengkay. Kaya lang renovated na sya. Imported ang bago kong decor ha, galing pa yan sa bansang Oman. Tama ang sabi ni AZRAEL- ‘binibihisan daw nya si Kengkay’. At ito ang resulta, ganda ng bagong bihis ko di ba? Salamat talaga, Az. Isa kang butihing kaibigan. Di ko sasabihin na may kapalit ito.
Iniba ko rin ang titulo, kasi hirap isulat ng dati e; sobrang haba. Pati mga daliri ko nabubulol kapag tinatype ko sya. Short and easy na lang sya ngayon: Kwentong Kengkay. Mas bagay, di ba? Unang tumango e itong mga daliri ko, hehe.
At Tagalog chenes kasi chenes, chenes, chuva, chuva, chiendichitas. Yun lang. Gusto ko lang talaga mag-praktis ng Tagalog. Ayoko namang malimutan ang sarili nating wika; baka mabatukan ako di Jose Rizal, magkapitbahay pa naman kami nung estatwa nya dito sa Oy-ro-pa. Pero nawili naman ako kasi nakahanap ako dito ng barkadahan, ng kakulitan. Sabi ko nga, easy to get naman ako, kaya join lang ng join
Kahit na sobrang mahiyain talaga ako (echosss).
Tuloy ang ligaya!

talentado talaga itong si pards o!
ay lab it ate kengks..
Kengkay: bilib talaga ako, hmm.
ang ganda ng bagong theme mo ngayon ate kengks! ang linis at di masakit sa mata. sana ako din gawan ni brother! *lols*
Kengkay: hirit ka pa dyan, hehe
hi keng! uyy ganda nga. i bet mas maganda pag kita face mo
Kengkay: salamat trish