Kwentong Kengkay

Oktubre 10, 2007

Bagong BMW

Filed under: Aruuuhh,Dito sa Amin,Palaway — kengkay @ 5:00 hapon

Hindi, wala kaming bagong BMW. Feel na feel pa rin namin yung aming Peugot 407. Pero may balak si labs na bumili ng bagong kotse, kasi daw luma na yung Peugot combi namin (binili nung 2001); hay alam nyo naman dito sa Oyropa, daming ek-ek pagdating sa mga lumang kotse. Mas mabuti pang bumili ng bago kesa magbayad ng kung ano anong multa dahil sa kalumaan ng kakotsehan. E teka, di ako mag-ranting; mag papatakam lang ako konti.

Basta classified secret to ha, kahit na nabasa ko sya sa Yahoo Autos Deutschland, hehe.

Ako e tuwang tuwa kapag may napapanood ako o kaya nababasang ganito e: yung mga bagong modelong kotse ba na during the test driving phase e biglang bumibigay. Kung may paparazzi sa mga celebrities, meron ding karururazzi, yan na lang itawag natin sa mga tanong mahilig mag watching at mag kodaking ng mga bagong kotse na tine-test drive dito sa Oyropa. Kakatuwang habulan ang nangyayari talaga. Pero sempre, mas mabilis ang kamera. Huli agad!


Katulad nitong nangyari sa bangong ilalabas pa lang na BMW. Ay, sa totoo lang, sa 2009 pa sya dapat ipagmamalaki ng BMW kaya lang, huling huli yung bagong modelong kotse nung inikot sya for a test drive.Ang kotseng ito daw e may ‘intelligent functionality’ at may ‘operational readiness level of a sedan’. Paki-ko kung anong gamit nilang commercializing words, basta ang alam ko, bago sya. Para sa US daw itong modelong ito e. Sa picture, makikita nyo na para syang long sedan pero mas mataas sya ng di hamak, for more space. E kung sa 4’11 na katulad ko ibig sabihin, pwede akong mag-trampolin :D At yung roof line nya glides over the trunk lid ekek, kung ano man ibig sabihin non. Hirap kasi, nag babelfish ko, katamad mag translate kapag tungkol sa mga motor e. Malamang daw na 4 o 5 seater sya, kung anong cylinder man sya, wiz ko din alam. Kasi nga dapat secret di ba? At sempre, wa pa rin syang name kasi nga secret pa nga sya dapat di ba?

Heniway, dahil secret nga natin to, ipakita ko rin ang mga ka sikretan na kapiktyuran.

1196427588.jpeg 3569159873.jpeg 2842951561.jpeg 

Imagine, pati loob ng kotse nakodakan. Hanep talaga ang mga karururazzi oo.

O ayan. Basta secret ha :)

Mga Puna »

  1. I appreciate beautiful car, vintage and mostly BMW’s. In HK, there are people who invest cars just because they love to show it off (I don’t demand since they are rich), not because it’s a necessity here (eh ang liit ng lugar na to everything is accessible by foot or public transport).

    But since si hubby mo ang bibili, eh aatras ka pa ba? GO GET NA!

    On the contrary, I don’t drive and I will never be. I hate being controlled by machines, so in case I get in your new car, I’d be safe at the backseats (with free french fries).
    kengkay: i also love looking at vintage things – cars, clothes, etc — pero sayang naman kung i park mo lang di ba? dito daming lumang sasakyan sa kalye, minsan kala mo asa lumang panahon ka, esp kapag summer. naku, ayokong palitan yung peugot namin kasi kapang kapa ko na sya sa pag drive e. kahit na ayaw ko pa ring mag drive sa mga autobahns dito, wala kasing speed limit, takot akuuu. type mo sa backseat? you’ll get squeezed between the kids’ car seats, hahaha.

    Comment ni K — Oktubre 10, 2007 @ 5:14 hapon | Tugon

  2. 2009 bmw yan? bakit ganyan ang body, parang ngetz? :D buti na lang wala akong pambili niyan hehe. sabagay, masarap din kasi magkaroon ng magandang kotse, kahit hindi masyadong kagandahan or kagwapuhan ang driver bigla na lang gumaganda or nagiging pogi, di b? buti na lang gumaganda ang ford namin pag ako ang driver, nyahaha!
    kengkay: di pa kasi talaga sya tapos e, kumbaga, tapal tapal pa lang yang BMW na yan. am sure sa 2009 pogi na sya. at agree ako, basta tayo driver, ganda na rin ng kotse, ehehehe.

    Comment ni Meeya — Oktubre 10, 2007 @ 6:11 hapon | Tugon

  3. Sige nah! Bili nah! Sakay ako pag vwisit ko sa ‘yo sa De. :)
    kengkay: arrrgh, wiz kami datung. mas gusto ko pang ilagak ang datung sa ibang bagay, tulad ng online shopping, ehehehe

    Comment ni MegaMom — Oktubre 10, 2007 @ 11:10 hapon | Tugon

  4. Rich!
    kengkay: hmm, *si kengkay napalingon sa likod – who me? wah kami balak bumili ng BMW, ang pera lang namin pambili ng kotseng french, hehe…

    Comment ni Vampire Avenue — Oktubre 11, 2007 @ 3:53 umaga | Tugon

  5. Moi? Ang gusto kong kotse yong lang tumatakbo from point A to point B. Ganun.

    Nga pala, kundi pa ako napunta sa lugar nyo, di pa ako makakita nang mga kotseng pagkaliit-liit like Mercedes Benz at shock ang beauty ko dahil sa Prague, taksi lang sia! Sosyal talaga kayong mga Oropeyans. Kahit saan.
    kengkay: hay parehas lang tayo. basta hindi ako iwan ng kotse sa liblib na lugar, panalo na sya. pero mas type ko maliit na kotse kasi eng eng pa ako sa parking e, hahaha. meron nga kaming bisita from pinas, sabi ko itawag ko sila ng taksi papunta airport – sempre chedeng ang taksi, ang mga hitad, muntik ma late sa flight nila kasi naman posing ng posing sa harap ng taksi nilang chedeng :D

    Comment ni reyna elena — Oktubre 11, 2007 @ 6:50 umaga | Tugon

  6. Dream car ko yan. Hay makabili nga bukas. hahahahaha
    kengkay: sige, eto may barya pa ako, i sponsor kita konti, ehehe

    Comment ni Ambo — Oktubre 12, 2007 @ 1:11 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers