Kwentong Kengkay

Oktubre 17, 2007

Mag-ingat sa Kaskasan

Isinalansan sa: Dito sa Amin,Duon sa Amin,Hmmp,Pasaway,Pinas — kengkay @ 8:41 hapon

Edi sempre alam nyo na nga na may bago akong credit card di ba? Feeling ko talaga goddess ako. Gusto ko agad mag hanap ng kaskasan. Pero dahil malapit na kaming umuwi sa Pinas, gusto kong i-save ang kanyang pagiging flawless muna. Baka ma-awardan ulit ako ng asawa ko ng unlimited access kapag good girl ako e :D

Kaya lang napadpad ako sa blog ni Ella at natiyempuhan ko yung sigaw nyang hold-up. Sempre ulit, nakiusyoso ako kung ano ang pinagkaka-guluhan nung mga komentors nya dun. At eto tumambad sa akin. Mga katakot-takot na listahan ng mga taong nalintikan dahil sa kaskasan, ibang kaskasan naman ito. Tungkol sa ATMs ng mga sari-saring kabangkohan sa Pinas.

E nakisali rin ako; kasi naman meron din kaming masamang karanasan sa ganyan e. Pero dahil ang aming karda e himported, iba naman ang naging emote nung aking chikalalu sa ATMs. Eto ang kwentong Kengkay talaga:

2001 – Nagpumilit umuwi ng Pinas si Kengkay kahit na jontis na sya. Sabi ko kay Kengkoy (asawa ni Kengkay) gusto kong ayusin mga papeles ko. Pero sa totoo lang, gusto kong ayusin ang puso ko, dami ko kasing kalandian sa Bangkok at Pinas na di ko man lang nasabihan ng babushhh. O ayun, pinauwi naman ako sa Asya.

Nagliwaliw ako sa Bangkok ng mga ilang araw bago umuwi ng Pinas. Oo, buntis pa rin ako, hehe. So dala ko ang credit card ni Kengkoy. Dun ako kuha ng pag-gas sa wallet ko. Halos araw at gabi e kaskas ako ng kaskas. Ibat ibang ATMs yon ha, ibat ibang bangko, ibat ibang sulok ng Pasay, Makati at Maynila. Aba, aba..pag-balik ko sa Alemanya; super duper doble yung bills na dumating sa amin! Exaggerated bills talaga.

Mabuti na lang at tinago ko mga resibo; at yung mga ATMs na walang resibo e talagang nilista ko kung saan ako nag-widthraw at kung anong oras at kung magkano ang lumabas na anda at kung anong kulay ng damit ko (okray na to sempre). Comparing chuva ang nangyari dun sa bills at dun sa ebidensyang hawak ko. Hanu pa nga ba kundi daming naki-widthraw.

Imagine, halos apat na ATMs na dinalaw ko para sa aking kaskas days e doble ang billings. Kunyari kaskas ako sa Bangko ng mga Choc-nuts ng isang milyong pesos (kunyari nga lang e, hmp); paglabas dun sa billing e dalawang milyong pesos ang perang kinaskas ko daw! Ibig sabihin, ang anino ko, nagka-kaskas din. Mga apat na beses nangyari yan.

E sempre reklamo si kengkoy ko. Dahil sa bangko sya nag-ta-trabaho e meron syang nagawa. Bumalik yung mga perang unaccounted for. Ang asawa ko kasi kapag nangulit yon, talagang bibigay at bibigay ka. Kaya nga nabuntis si kengkay e, hahaha.

Ang sabi nga nung kasamahan nya na kinulit nya talaga ng todo para ayusin yung reklamo nya, si Kengkoy daw ang may kasalanan dahil bakit daw pinagamit kay Kengkay yung credit card nya. Hmmp. Muntik ko na sugurin yung mamang yon, kundi lang ako buntis na jombag ko na yon, pramis!

2006 – Buong pamilya namin ang nasa Pinas ulit. Wiz na jontis si Kengkay. Sinigurado naming di mag-siping ng isang taon para matuloy ang bakasyon sa Pinas, (kung sino maniwala dito pogi at maganda talaga :D ). Heniway, nagkaron ng isang araw na nagka-ubusan ng datung. Arrrgh, nagpa-lasik treatment kasi si Kengkoy sa Pinas e. E sempre, malaki-laking cash ang kailangan, araw-araw kaming asa kaskasan. Haba, mabubuo na namin ang bilyones na pambayad sa lasik treatment nung asawa ko, bigla namang nung nagkaskas ako sa may Banko ng mga Choc-Nuts (bakit kaya naman itong bangkong ito ang peborit ng credit cards namin?); naglabas ng resibo perong walang datung!! Kahit na singkong duling, wala.

Nakow, nagpanic si Kengkay. Pasok agad ako sa loob ng bangko. Lintek, nalimutan kong bantayan yung sumunod na nag widthraw at baka akala nya e maaga ang Pasko nya. Buti na lang nag reklamo din yung mama. Sumunod sa akin. Sira na daw yung ATM. Hayy, akala ko magpapabuhat ako dun sa mamang macho na ang ganda ng tingin sa akin dahil feeling kong mag-fainting talaga ano.

Reklamo ako. Dun agad sa manager nung bangko. Kaya lang, wala daw silang magawa. Antay daw ng 24 hours. Nag file ako ng kung anong shit of peper na yon. Hanap ako ng computer. Punta agad ako sa online bank ko, nag print ng mga transactions. Ten na ten talaga ako nung mga oras na yon ano. Sayang din yung bilyones, pwedeng pang shopping sa tiangge. Kaya lang, wala kang magawa talaga. Calling calling ako sa bangko. Follow up ako ng mga sandamukal na beses sa isang araw. Di ako maka concentrate sa shopingan at sa kainan at sa kung ano pang gimikan. Mga 240 hours na ang nakaraan nun ha.

Arrrgh. Imbyerna talaga. Ang kinalabasan, mga isang araw bago kami lumipad pabalik ng Oyropa; nag-print lang yung resibo. Pero wala talagang lumabas na pera. Comparing chuva ulit sa online transactions, tumpak naman pala. Haysss… gusto ko agad bumalik sa Oyropa. Mababaliw akohhhhh! Upps, dito rin sa Oyropa sempre maraming ganyan, kaya ingat din kayo…

O neks yir balik ulit kami Pinas. Ewan ko kung anong drama naman ang mangyari. Sana matino na ang mga kaskasan sa Pinas. Kundi tatawagan ko talaga si Batman. Actually, tatawagan ko si Super Kengkay… pramis, sa sunod na post ko bigyan ko kayo ng tips kung anong dapat nyong gawin kapag kaharap nyo na ang kaskasan… Number one tip: Wag lumayas agad sa harapan ng ATM kapag may ganitong nangyari sa inyo. Magmasid-masid muna.

Abangan ang susunod na tipsy Kengkay….hikkk!

Mga Puna »

  1. naku kengkay ang hilig mo palang kumaskas? hayaan mo’t reregalohan kita ng guitara :)
    pero oy kidding aside noh, i am glad na hinbdi pa nangyari sa akin yan. kong saang sulok din ako ng maynila kumaskas. oh by the way, ec maestro card gamit ko and not credit card. mahal magcharge ang lintik na credit card na yan kong cash ang gusto mong ikaskas. i only use credit card kong type kong sampalin ang supladang tindira :) .
    kengkay: hay beng, may gitara na ako kaya lang wala akong makitang magtuturo sa akin na aleman na may konting alam na inglis.. huhuh. sayang naman kung sa oras ng turuan namin e maubos sa pag translate pa lang, heheh. alam mo, maestro din ang gamit ko dun sa 2006 na kwento. kaya mag-ingat ingat ka din dyan sa mga karda mo…

    Comment ni Beng — Oktubre 18, 2007 @ 6:48 umaga | Tugon

  2. naku buti nalang at na post mo ito tungkol sa mga ATMs na yan, may balak kasi ako kumuha nyan e… hintay ko pa mga sandamukal mong tips about dyn ah… cguro pag nabigay na sakin ung pangkaskas, hinay hinay ko lang ka2kasin ito… :)
    kengkay: tama ka dyan, hinay dapat ang kaskasan kasi mahirap na baka mawalan. teka, tapusin ko na ang mga tipsy ko :D

    Comment ni dhez — Oktubre 18, 2007 @ 6:59 umaga | Tugon

  3. kala ko kung anong kaskasan na.. iba talaga pag masyadong malwak ang imahinasyon.. ;)

    hindi ako makarelayt.. hindi ako diyos eh.. wla ako niyan atm o credit card.. ha ha
    kengkay: maswerte ka, wag ka ng mag atm at credit card, mas mayaman ka kapag cash ang dala mo, pramis yan

    Comment ni kingdaddyrich — Oktubre 18, 2007 @ 10:53 umaga | Tugon

  4. Akala ko naman kung anong ikakaskas! Bwahahaha. Temptation talaga pag meron nyan. When i was in college naku ganyan ako. Super kaskas to the max! Same thing dumudoble ang ilang bills. Like my sister, naku ung kanyang card na kinakaskas sa hongkong, pagdating ng ilang araw, hayan na meron ng mga bills from europe! Nahack ang credit card! Na trace nila sa net ang origin. Yung pinalabas lately sa TV, meron ng modus operandi jan. Lalo na kung di mo titingnan kung san i swipe esp sa restos. Merong device na ginagmit to copy all your details from your card tapos gagamitin sa iba. Hay kaya kung ikakaskas yan, hinay hinay lang. Hehehehe. Btw, kacute talaga ng mga kids sa guestbook ko! Thanks Mommy Kengks. ;-)
    kengkay: kaya dapat sumama kayo sa cashier kapag magbabayad ng credit cards, dito nga pati sa pagbayad sa supermarket na kopya agad eh, ano ba yun

    Comment ni Lavern — Oktubre 18, 2007 @ 11:24 umaga | Tugon

  5. obyusli, di niyo pa nababalitaan ang mga problema ng isa pang bangkong internasyonal, ang shittybank, na nagkakalat din ng lagim sa Pinas…mas malala pa ang mga hiwagang nagyayari sa kanila kaysa sa BPI and Bank of the Choc-nuts…hahanapin ko yung link ng isang mahaba-habang rant tungkol sa shittybank na ito.
    kengkay: grabe ano, they should do something about it na, hanu ba yon

    Comment ni MegaMom — Oktubre 18, 2007 @ 2:52 hapon | Tugon

  6. Here’s the link from Market Manila’s blog, regarding shittybank: shittybank rant
    You really should worry about credit card and ATM transactions here in the Philippines.
    kengkay: thanks for the tip megamom, takot na nga ako, mas lalo pa akong nanginig

    Comment ni MegaMom — Oktubre 18, 2007 @ 3:05 hapon | Tugon

  7. Susmio! Bago ako nagcomment dito binasa ko muna yung link ng shittybank rant ni Megamom. Nakakatakot pala yung ibang mga bangko sa atin. Pag-uwi ko sa ‘pinas di na ako magkakaskas sa pamimili, yelo na lang panghalo-halo ang kakaskasin ko! :)
    kengkay: penge akong halo halo nga, at sempre wag kalimutan ang sisig

    Comment ni Kiko Matsing — Oktubre 18, 2007 @ 11:35 hapon | Tugon

  8. magkakaskas nalang ako ng kalyo sa paa.. hahaha :P nakakatakot naman yan, buti nalang matyaga kayong mag-follow up kahit nakakawalang gana makipag-areglo sa mga customer service agent nga mga bangko at utility services satin.
    kengkay: alam mo tama ka, panting talaga tenga ko sa ka-antay dun sa mga robotic service phones, buti na lang may speaker phone…magkaskas na lang din ako ng kalyo sa paa, at least kikinis pa sya, hmp :D

    Comment ni kotsengkuba — Oktubre 19, 2007 @ 1:37 umaga | Tugon

  9. [...] Tamang Pagbisita sa mga ATMs Pssst, eto mga tipsy Kengkay, as promised dun sa blag ko tungkol sa Mag-Ingat sa Kaskasan: [...]

    Pasa ni Tamang Pagbisita sa mga ATMs « — Oktubre 21, 2007 @ 11:37 umaga | Tugon

  10. [...] masamang karanasan ko tungkol sa pag-gamit sa credit card na mababasa nyo dito, ay tungkol lang sa mga transactions na nag-appear ng di ko alam. At mabuti rin na naibalik sa amin [...]

    Pasa ni Credit Cards Watch « — Oktubre 23, 2007 @ 8:55 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.