Kwentong Kengkay

Oktubre 21, 2007

Tamang Pagbisita sa mga ATMs

Isinalansan sa: Ano Nga Ulit Yon?,Kaibigan,Paki Lang,Tips — kengkay @ 11:37 umaga

Pssst, eto mga tipsy Kengkay, as promised dun sa blag ko tungkol sa Mag-Ingat sa Kaskasan:

Kapag bumibisita sa mga ATMs:

1. Tingnan mabuti ang kaskasan. Siyasating mabuti ang mga pads between the magnetic lines, kasi kapag retoke yon, am sure may magic na dun. Kalimutan na muna ang mag widthraw. Umalis ng pasipol sipol na parang walang nakita. Tapos tumawag ng pulis…actually sabi nung asawa ko, who is a banker, di mo raw talaga makikita kung professional yung gumawa ng kalokohan e. Kaya kung may woman’s intuition ka, kahit na hindi ka babae, iwas ka na lang. Eto ang sample photos:

camera01.jpg Normal na ATM?

camera02.jpg Siyasating mabuti. Ayan at may fake card slot na nakadikit dun sa original card slot. Kung titingnang mabuti, mas makapal yung card slot kapag may pekeng nakakabit. Pero sino naman sa atin ang magtiyagang mag-tingin tingin sa ganyan di ba? Madalas kasi nagmamadali na tayo e. Pero this time, let us be vigilant. Let us try to be extra vigilant, pera natin to.

camera03.jpg At eto pa. Minsan yung akala mong normal na brochure holder…

camera04.jpg Ay may secret weapon din pala na nakakabit. Andun yung hidden camera na angled to read the monitor and the key pads; at agad na transmitted ang mga data like wireless photos within 200 meters.

camera05.jpg Kasama dun sa brochure holder ay ang mismong battery at transmission antenna.Ganyan na ka-high tech ang mga manloloko ngayon. Kaya dapat maging high tech din ang end users, kasi pera natin ang ating pinag-tatanggol di ba? Basahin nyo dito.

2. Pero warningan din yung kasunod mo sa pila. Kung ayaw nila maniwala, bahala sila. At least malinis konsyensiya mo…

3. Kung okay naman sa tingin mo, at nakapaglabas na ng pera; bago magbilang ng pera, siguraduhing may resibo at hawak mo na ang iyong card.

4. Kung walang resibong iluluwa, maghanap ng ibang ATM. Pero kung kailangang-kailangan na at wala ng oras na maglakwatsa pa sa ibang ATMs, take note of the date, time, ATM place and the bank kung saan ka nag widthraw. Just in case lang…

5. Parating bilangin ang perang niluluwa ng ATM. But do it in a way na hindi makatawag pansin.

6. At uulitin ko, wag kalimutan ang iyong card.

At buksan ang mata sa mga ganitong sitwasyon:

1. Piliting tabingan ng iyong katawan o kaya ng mga palad mo, payong, libro, bag etc.. – basta, huwag mong ipangalantaran ang PIN mo. Be as discreet as possible kapag binibigay mo ang PIN mo.

2. Wag magtiwala sa mga ‘helpful strangers’ kasi di mo pa rin sila kilala ano. Ikaw at ikaw lang ang pagkatiwalaan mo kapag ang kaharap mo e ang ATM.

3. Kapag may makulit na silip ng silip sa likod mo habang ikaw ang nasa harap ng ATM, pagsabihan ng matino ang taong iyon. Maaring naiinip lang o kaya naman e makulit lang yung kasunod mo; pero maaari ding mandurugas yon, kaya hinay hinay ang pagsasalita sa mga ganitong tao. Kung ayaw tumigil, wag mo nang ituloy ang balak mong mag widthraw. Iwas pusoy na lang.

4. Kapag sa ATM transaction ka naman may napansin na kakaiba, katulad ng paulit ulit na pagtanong ng iyong PIN, o kaya ay may mga tanong na hindi naman dapat kasali sa transaction na gusto mo, i-cancel agad. Alam mo kung ano ang common na katanungan sa ATM, kaya kung may biglang magbago, magduda ka na.

5. Mas mabuting gumamit ng same ATM machine sa bawat transactions mo dahil kapag may biglang nag-iba ay malalaman mo agad.

Kapag nagka-aberya sa ATMs katulad ng nag-labas ng resibo pero walang pera, naglabas ng pera pero kulang, di niluwa ang iyong karda, at kung ano pang kakainis na bagay na pwedeng mangyari dahil lang sa Murphy’s Law:

1. Kung naglabas ng pera, at kulang, pagkataps mong bilangan ng dalawang daang beses; itago ang resibo. I-report agad ito.

2. Kung ang pera e di nalibas pero may resibong nakalagay na pumasok ang iyong transaction, wag basta basta iwan ang ATM machine. Lalo na kung may kasunod na kukuha din ng pera. Mag-antay at mag-masid muna. Just make sure na sinabihan mo yung kasunod na tao tungkol sa nangyari para walang awayan at agawang mangyari. At kapag wala talaga, i-report agad.

Mabuti kung ang ATM e asa loob mismo nung bangko at bukas pa ang bangko, i-reklamo agad. Siguradong mayron kang kopya nung mga pipirmahan mong papeles. At siguraduhing na-ilista mo yung pangalan nung tanong nakausap mo. Mas mabuting hanapin mo yung pinaka-boss nila.

Kaya eto pang payo ko, I make sure within banking hours at sa mismong bangko ako pumapasok para mag widthraw ng pera. Ilag ako sa mga stand alone ATMs talaga e. At ayokong magpindot kapag gabi.

Ako sa totoo lang, di ako pumupunta sa ATMs ng mag-isa. Parati akong may bodyguards. Di bale nang mag-ala Whitney Houston ako sa kaputian, mas feel ko naman na safe ang beauty ko talaga. At isa pa, di ko lahat nilalagay pera sa wallet ko. Hiwalay-hiwalay ang takal na ginagawa ko. Ewan ko lang, nakagawian ko lang talaga.

At eto pang isang panloloko sa ATMs na ang tawag naman e Lebanese Loop. Kung saan maraming tao ang involve na panlilito sa iyo. Kung mag-widthraw ka sa isang ATM at may mag sabi sa yong, sira yung ATM. Umalis ka na lang. Kasi baka mabiktima ka pa.

Kasi ang drama nila, sabihing sira yung ATM. Tapos may darating na isang tao na sasabihing ganito dapat ang gawin mo. Dahil ganun kuno ang ginawa nya kahapon at nakakuha sya ng pera. E sempre kung mag-papa uto ka dahil kailangan mo ang pera, gagawin mo naman. Kaya nga ang sabi ko e umalis ka agad kapag may nagsabi sa iyong sira yung ATM.

Iwas pusoy na lang. Dahil karamihan ng ganyan, ipapasok mo yung ATM card mo at kakainin nung machine yung card mo. Sempre wala ka ng magawa. Pero sa totoo lang, may fake slot na yung machine at kuha na nung mga lokong scammers ang card mo; at sempre, pati ang perang pinaghirapan mo.

Sigurado ko mas maraming paraan ng panloloko pa ang maiimbento ng mga lintek na walang magawa. Kaya alerto na lang tayo.

Mga Puna »

  1. I don’t like the idea of using an ATM machine outside the bank. People would even stand so close to you and peek-a-book kung magkano laman ng account mo, o magkano ang balancepayment, at kung magkano na withdraw mo.

    In HK there are different ATM machines, for withdrawal/transfer/cheque deposits, at meron din for CASH deposits.

    Speaking of cash, I need one.
    kengkay: dito rin, iba iba machines for different needs. pero sempre kapag you need cash, pareho yung lokohang nangyayari. and speaking of cash, i need two, hehehe

    Comment ni K — Oktubre 21, 2007 @ 8:26 hapon | Tugon

  2. grabe talaga mga manloloko ngayon no? masyado n silang haytek! whew!

    xiao!
    kengkay: kaya ikaw ms amerika, mag ingat ka din dyan :D

    Comment ni brath — Oktubre 22, 2007 @ 1:53 umaga | Tugon

  3. sana di makaabot dito sa uae ang mga yan tsk tsk.. so far walang probs dito with with cases like that.

    Comment ni Banana — Oktubre 22, 2007 @ 12:23 hapon | Tugon

  4. sana di makaabot dito sa uae ang mga yan tsk tsk.. so far walang probs dito with with cases like that. pero ika nga ingat pa rin.
    kengkay: kahit saan, mag ingat dear ani banani

    Comment ni Banana — Oktubre 22, 2007 @ 12:23 hapon | Tugon

  5. ay sorry na send twice ang kulet! :lol:
    kengkay: ganyan talaga mga banana, hahaha, makulet!

    Comment ni Banana — Oktubre 22, 2007 @ 12:25 hapon | Tugon

  6. very useful information. thanks
    kengkay: ako po ay masaya at napaglingkuran ko kayo :D

    Comment ni pinoyjetsetter — Oktubre 23, 2007 @ 1:07 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.