Kwentong Kengkay

Oktubre 24, 2007

See Do Teach

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kaibigan,Paki Lang — kengkay @ 8:23 umaga

Kahit na nagyeyelo na dito sa amin e medyo pinagpawisan ako nung nabasa kong inimbitahan ako ni Isagani na sumagot sa isa sa kanyang mga challenges. Kasi naman di pa ako ready, actually, tamad lang ako mag-isip :D

Eto ang challenge: Subukan ninyong mag-isip ng isang bagay na sa inyong palagay ay mali. At subukan ninyong ipaliwanag sa inyong sarili o sa inyong blog kung saan nang-ugat ang kamalian na iyon. Dahil ba ito sa maling nakita, maling naituro, o sa maling nagawa?

Pero dahil masarap din kutingtingin ang aking utak na matagal-tagal na ring parelak-relaks lang; sasagutin ko ang ibinatong ito ni Isagani. Di ko lang alam na di ganun kabilis bibigay ang laman ng aking utak…talagang muntik ko na sya karir-in. Ayan, nagamit ko rin ang salitang yan na nababasa ko lang sa mga ka-bloggers ko. So, although ang pramis ko kay Isagani na bukas ay halos umabot ng isang Linggo, eto na po ang sagot ko.

Eto ang isang bagay na nakikita kong dapat bigyan ng puna sa pagitan ng magulang at anak…I love this phrase from Kahlil Gibran’s The Prophet. Nabasa ko sya nung asa unibersidad ako at tumino yang mga salitang yan sa utak ko.

your children are not your children. they are the sons and daughters of lifes longing for itself. they come thru you but not from you. and though the are with you yet they belong not to you.

you may give them your love but not your thoughts, for they have their own thoughts. you may house their bodies but not their souls, for their souls dwell in the house of tomorrow; which you cannot visit, not even in your dreams

Minsan kasi, akala ng mga nanay at tatay natin, sila ay tayo. E iba naman tayo sa kanila. Pilit nilang dinidikdik ang mga bagay na sa tingin nila ay tama, samantalang pwede namang bigyan nila tayo ng oras para gumawa ng ating sariling opinyon. Pilit nilang hinahain ang mga dapat nating gawin, samantalang iba naman ang ating kakayanan kesa sa kanilang kakayanan. Tinutulak tayo sa mga trabahong mas maganda sa akala nila; habang sarado ang mga mata nila sa mga magagandang bagay na iprinisinta na natin sa kanila.

Wag yan, etong gawin mo. Kalimutan mo yan, etong harapin mo. Gusto mo ba ng batong ipupukpok sa ulo mo? Hindi nila makita na ibang tao rin tayo. Hindi ko naman sinasabing bawal na silang magturo o kaya ay magbigay ng alalay para mapunta tayo sa tamang landas. Ang sinasabi ko ay mas mabuting matuto ang mga bata sa kanilang mga sariling experiences; sa mga naging desisyon nila; sa mga opinyon nila.

Ang mga anak ko ay 3 1/2 at 5 1/2; nasa edad pa sila na naghahanap ng guidance galing sa amin. Pero dahilan ba yon para gawin kong mabulaklak at simple ang buhay nila? Sempre hindi. Kailangan nilang malaman na may ibang buhay sila sa loob ng bahay at sa labas ng bahay. Na ako at ang tatay nila ay di maaring parating andyan para i-solve ang mga maliliit nilang problema. Kailangang matuto silang gumawa ng paraan; humingi ng tulong sa taong inaakala nilang makakatulong sa kanila.

At ang parati kong sinasabi sa kanila, kapag may natutunan silang maganda; I am always ready to learn with them. At kapag may natutunan silang alam nilang di dapat, iwasang ulitin iyon at pagsabihan ang taong gumawa ng hindi maganda. At sempre, kung ginaya nila ang masamang ugaling iyon, dapat ay ready sila to face na consequences. Ang importante, alam nila kung bakit sila pinapagalitan…hindi yung basta nasinghalan sila ng hindi nila alam. Communication is the key. Minsan kasi basta na lang napagalitan, di naman alam nung bata kung bakit. Iba sempre ang perception ng mga bata, kesa sa mga matatanda.

Hindi naman kailangang pabayaan mo na ng husto ang iyong mga anak. Kailangan rin nila ng mga boses at haplos na nagsasabing; sige anak, kung ano man ang iyong nais gawin, andito lang kami. O kaya naman, sige anak, pag-aralan nating mabuti kung ano yang gusto mong pasukin at ikaw ang bahalang mag desisyon sa huli. O kaya naman, halika dito anak, minsan talaga hindi talaga para sa iyo; pero siguradong may darating na para sa iyo talaga. At eto pa, masakit ang mabigo pero sa mga kabiguang yan lalabas ang iyong tunay na lakas. Take time to listen.

Nung wala pa akong anak, di ko akalain na di talaga simple ang maging magulang. Akala ko basta andyan ka lang sa tabi nila ay okay na. Kasi you need to let them fly, too. At ako bilang isang magulang, needs to fly too.

Namulat ang aking mga mata sa mga bagay na iyan hindi lang dahil sa nitong naging nanay na ako. Siya ang matagal ko ng kinimkim, inimbestigahan, hinimay-himay at pinag-aralan habang ako ay isang anak. Kung meron mang maling naituro ang aking mga magulang; naituwid na rin iyon dahil I am living a life of my own. The life I chose. I admit some mistakes done, kahit na sa tingin nila ay hindi yon pagkakamali. Ngayon I am trying to correct those mistakes. Minsan ay nadadapa pa rin ako, pero ang importante, nakikita kong mali iyon. At hindi ako takot sa mga taong nagbabato ng sarili nilang opinyon; aba, malay ko kung may matutunan din ako sa kanila, di ba?

Mahirap kasi talaga kapag asa sistema na e. At dahil na rin sa maling nakita, maling naituro, o sa maling nagawa at sa maling pagko-korekt ng kamalian, idagdag ko na rin. Pero kung gusto mong baguhin, kayang kaya natin to. Sana nasagot ko ang challenge ni Isagani

Mga Puna »

  1. Ang hirap na challenge nga yan hahaha. Ang hirap isipin ng challenge. Nakakadrain ng utak. Pero tama ka Mommy Kengks. Madami kasi sa ating mga magulang e gusto yung sundan ang mga yapak nila kaya todo protekta. Ang hirap kasi di naman pwedeng mangyari ang gay-on. Kasi iba na ang panahon ngayon. Although, we try to understand them as we grow old. Sometimes we realize they are right when it’s too late. Hays that’s life. Akala lang natin mahirap, kung gagawin nating mahirap. Pero ang totoo, make it simple and you will have a simple life.

    Cheers,

    Ambo
    kengkay: wow, bigla ka ring napag-isip isip huh? sa totoo lang, di lang dahil yon sa panahon kundi sa katauhan na rin. errm, ang lalim. ah basta, yun na yun :D

    Comment ni Ambo — Oktubre 24, 2007 @ 2:15 hapon | Tugon

  2. yung parents ko before had expected too much from me but were disappointed. but, in my own way i managed to stand up and prove to them that i am not a disappointment to them. di ba ang hirap nun? i sacrificed half of my life now away from everybody i love most (my family). sana naman maintindihan din ng anak ko yun dahil wala akong hinangad sa kanya kundi respetuhin niya ang responsibility ko sa kanya, sa mga kapatid ko at sa mga magulang ko..

    tama na parang emo na ang dating tsk tsk..
    kengkay: as long as you give enough attention and love sa anak mo, am sure, maintindihan ka rin non…good luck sa ting mga nanay!

    Comment ni Banana — Oktubre 24, 2007 @ 5:57 hapon | Tugon

  3. wow peyborit mo rin pala si kahlil gibran. ako din, hihi.

    tama ka mommy kengks, ang ating mga anak ay pahiram lang sa atin. stewards lang tayo, ika nga. may responsibilidad tayong alagaan sila, bigyan ng walang hanggang pagmamahal, haayan silang umusbong ng ukol sa tinbok ng kanilang sariling puso, at isoli sila sa Diyos at sa mundo pagdating ng takdang panahon.

    madaling sabihin pero mahirap gawin especially sa isang tulad kong may pagka-anabel rama, hehe.
    kengkay: hello anabel rama, eheste, meeya :D labs ko yan si kahlil e kasi tumpak halos lahat nung sinasabi nya. inspirational. minsan mahirap talagang di mag-ala anabel rama, minsan nga naomi campbell pa e, pero kaya natin to, hehe

    Comment ni Meeya — Oktubre 26, 2007 @ 7:51 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers