Kwentong Kengkay

Oktubre 24, 2007

the most exciting mail i just received

Isinalansan sa: Aruuuhh,Dito sa Amin,Kaibigan,Paki Lang,Palaway — kengkay @ 6:52 hapon

O di sempre, sinundo ko mga anak ko kaninang tanghali. Nasa kanto pa lang kami maririnig na ng buong kapitbahay na dumarating ang pamilya ni kengkay, sa ingay ba naman nitong mga nagtitilian at nagtatakbuhan kong mga little kengkays e. At ayun, mega-waiting ang aming mr. postman. Sigurado akong narinig na nya ang tilian nitong mga anakis ko kaya hinantay na lang nya kami. Sa ganyan kami sikat dito sa aming munting baryo – sa ingay at kakulitan, hehe!

img_0164.jpg

Heniway, may I pirma ako sa kasulatan at may natanggap akong isang malaking envelope. Disappointment. Kasi akala ko yung order na ni Deflog, di pa pala. Kasi yung envelope may tatak Pinas e. Tapos ang sabi ni mr. postman, yung ibang letters daw ay naipasok na nya sa aming letter box. Di ko pinansin yon. Bahala ng asawa ko ang kumuha ng mga natirang letters mamyang gabi, sabi ko pa.

Kasi lampas ala-una ng tanghali na yon. Magsasaing pa ako. Aba nang biglang nag ring ang telepono. Sagot ko agad. Lintek, indiyanong accent ang dating, kala ko bebentahan ako ng kung ano. E biglang nasalita ng Inglis, sabi ko, Pinoy to. Sya daw si Romi. Sino? Sinong Romi? Arrgh, Swarmi pala. Nag-calling calling si Swarmi sa inyong lingkod. Akala ko naman huhulaan ako, yun pala, mangungulit. At kasama ang kanyang ka lab apir na si Maru na bigla ko na lang narinig na humahalakhak sa tenga ko. Bla-bla-bla-bla. Bwahahaha. Bla-bla-bla-bla. Bwahahaah. Ang saya, kahit na kakahilo ang koneksyon.

Salamat sa inyong dalawa, biglang nagkaron ako ng ka-ponpal na tagalog ang salita, kahit na 11 minutes and 45 seconds lang ang kulitan natin. Ulitin nyo ha, hehehe…

Makatapos ang kulitang yon e na-inspire akong puntahan yung letterbox namin.

img_0204.jpg

Dyaraaaaannnn… dumating na pala ang order ni Deflog. Sayang at hindi sya naka-online ngayong gabi. Kailangang planuhin namin ang susunod na kabanata. Sabi ko e gusto ko ng pulvoron ni Maru, kung di e i-hostage ko ang Transformers nya, ahahaha! Joks lang, sempre, ipapadala ko na sa iyo agad itong pinaka-aantay mo. Pero bukas na, pramis! Sleeping beauty muna ako :D

Mga Puna »

  1. yey! salamat ng marami… malakas tlga ang pang amuy ni swami.. naamuy nya na andyan na ang package, kahit di mo pa nachchek… di ko lang tlga alam sa lakas ng pang amuy nya, bat di nya naamuy ang sarili nyang putok.. langya.. hirap kaya kasama tong bumbay na to….

    sa uulitin… salamat ng marami…
    kengkay: welkam ng marami. lumipad na ang pack-package mo, hehe

    Comment ni defpotec — Oktubre 25, 2007 @ 1:15 umaga | Tugon

  2. awww ang sweet nila ;) )
    kengkay: ahahaha – switik kamo pareho :D

    Comment ni Banana — Oktubre 25, 2007 @ 12:51 hapon | Tugon

  3. [...] kay defpotec, arrrgh! Sinoli nya ang mga laruan nung mga bata na inipit ko dun sa pinadala kong transformers nya at may dagdag na. Sabi ko sa Pinas na kami magtuos e pero…Haneps, may lab letter at dun [...]

    Pasa ni Salamat mga Kaibigan « — Nobyembre 6, 2007 @ 5:44 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.