UPDATE: I got an offline message from Jovi late this afternoon saying that Lex‘s condition is unstable. Let’s pray for him, dear readers.
Namasyal-masyal kagabi si Kengkay. Bumisita ng mga ka-grupo sa ere. Nag check ba ng attendance
Minsan naki-chika, minsan nakibasa, minsan naki-daan lang…Di ko kasi alam kung kelan ako hihilahin ni Kengkoy sa kwarto e, hehe.
Ang mga tsikiting e tulog na, dapat lang pagkatapos nilang magsalitan ng iyakan, hmp. Super duper ang back to back concert nitong dalawang bulinggit ko kagabi kaya hyper pa rin si Kengkay kahit na halos alas dose na ng gabi.
Eniway, sa pamamasyal ko sa mga ka-grupo; sempre yung mga maiingay narinig ko agad, iwas ako dun sa mga naglalambutsingan, at kaway kaway ako sa mga gising pa. Na-intriga ako dun sa mga tahimik. At dun na biglang sumaglit sa isip ko si Brokenman who’s promised to soon be the Betterman. Punta ako sa blog nya. Napansin kong ang last post nya e nung October 6 pa. Tapos halos more than 60 comments na ang andun. Nag pramis sya na kung di man nya ma update ang blog nya ay merong kukutingting daw sa Blood Chart nya na asa blog nya rin. Ang huling update dun e October 12 pa.
Labs ko yong taong yon e. Kasi nag pramis sya na bibili sya ng webcam para makita namin yung GAP green boxer shorts nya na pinagmamaki nya isang araw na nagkakagulo sa YM conference
At isa pang pramis nya e mag-ba-blag sya na purong Tagalog. Kakalimutan nyang isa syang Inglesero para naman medyo maaliw sya sa sarili nya. At medyo malimutan nya ang kanyang kalagayan… Sigurado akong he would enjoy playing with the Tagalog words.
Nangalabit ako ng mga taong nakita kong naka-online pa rin. Wala rin silang alam. Wala ng mapagtanungan kaya kayo na lang tanungin ko. Alam nyo ba kung kumusta na si lex, the brokenman soon to be betterman? Paki-bulong naman sa akin, ha.
Kani-kanina lang ay tinanong ko na rin yung ka-lab tim nya sa ere na si Jovi; pero wala ring balita sa kanya e. Walang sagot sa telepono at kahit na sa text man lang daw.
Lex, kung asan ka man, andito kami para sa yo. Praying and hoping…


alam mo ate kengks, naiisip ko din siya lately. kamusta na kaya ang kanyang treatment?
kengkay: i dont really know pao…
Comment ni pao — Oktubre 25, 2007 @ 9:42 umaga |
[...] ako magsusulat tungkol sa yo kasi I really don’t know what to write about you. Kaso nag PM si Kengkay kanina. Kinukumusta ka. Wala naman ako maisagot kasi di ko rin alam ang lagay mo ngayon. Alam ko [...]
Pasa ni Green Apples and Bagoong « GIRL, INTERRUPTED — Oktubre 25, 2007 @ 12:31 hapon |
Don’t know the guy, but followed all the links and discovered some really heart-tugging stories… I’ll pray for him and all those who love him, including you Keng.
kengkay: tenks, di ka lang megamom, megaheart pa
Comment ni MegaMom — Oktubre 25, 2007 @ 3:49 hapon |
kengks you have a good heart and it shows, sana ok lang si lex at suot pa rin ang kanyang boxers
kengkay: hi selvi, jovi’s PM said he’s in an unstable condition now…i hope he’s not in pain though
Comment ni S3lv0 — Oktubre 25, 2007 @ 10:46 hapon |
Ok siya.. nararamdaman ko. Baka hinahanda lang ang boxer shorts at ang pagtatagalog.
kengkay: sana nga jojie
Comment ni jojie — Oktubre 26, 2007 @ 2:05 umaga |
I hope din na ok cia. I haven’t been able to bloghop kasi busy these past few weeks kaya hindi ko agad napansin.
kengkay: nika, i hope na okay din sya…
Comment ni Nika — Oktubre 26, 2007 @ 2:16 umaga |
Lex will be ok. Kelangan ng mundo natin ang kagwapuhan ni Lex. Sana nga makabalik na sya agad.
kengkay: sana nga makabalik agad sya, positive thinking
Comment ni MARU — Oktubre 26, 2007 @ 4:29 umaga |
I read his posts and though I don’t really know him, strangely, I felt heart broken. I’ll throw in a prayer for him and hope he is doing well.
kengkay: salamat, am sure he and his family would be happy to know that
Comment ni Jayme — Oktubre 26, 2007 @ 6:04 umaga |
I used to write about Lex too, let’s pray for him http://pinoyambisyoso.com/?p=236
I am waiting nga din Mommy Kengks kasi tagal ng walang update ang blog nya. Sana may makapagbigay ng updates about him.
kengkay: oo nga, nabasa ko rin yung blog mo. pero walang sumasagot na may nakaka-alam talaga e. i’ve been returning to his blog din e.
Comment ni Ambo — Oktubre 26, 2007 @ 12:29 hapon |
i don’t know him personally pero i left some words of support on his blog na rin. he sounds like a great guy and maraming nagmamahal sa kanya. with all the support he is getting he will be ok, for sure.
kengkay: salamat, am sure matutuwa si lex
Comment ni Meeya — Oktubre 26, 2007 @ 7:43 hapon |
[...] ko na si Lex (the [...]
Pasa ni Lex Text « — Nobyembre 8, 2007 @ 11:24 umaga |