Ito ang view kapag namintana ako dito sa amin. Sarap tingnan ano? Andyan din sa isang sulok ng bundok na iyan ang gulayan nung aking papa in law. Itong aming baryo ay tinaguriang isa sa mga local ‘vineyards’.

At ito naman ang view sa may likuran namin. Hindi sa mismong bakuran namin ha. Medyo maglalakad ka ng konting hakbang tapos eto na ang bubulaga sa yo. Dyan kami nag-gagala kapag tinatamad na mag-biyahe pero nangangati ang mga paa.
Inihanay sa:Dito sa Amin, Hmmmm


naimagine kong biglang tumatakbo ka diyan sa picture tapos sabay kanta ng “da hills are alayb with da sound of musiiiiiiiic…”
alam mo ba, dito di popular yang sound of music na movie, kasi siguro dahil sa story nya about the world war 2.
kengkay: arrgh, nabisto mo ako
lol @ pao….hahahahha
ang gandaaaa!!! vineyard? waaahh, naalala ko yun A WALK IN THE CLOUDS sa first pic….
naalala ko yung cartoons na Maria at Pamilya BonTrapp…..sa nguso ni HITLER!! lol
kengkay: naku, ganda talaga dito, sarap maligo sa grapes, ehehe… sabi ko nga, di uso yung sound of music dito, pero sempre ang mga anak ko sa karaoke ang peborit nila e yung DOREMI, ehehe. ayun, feeling maria talaga si nanay kengkay.
naalala ko ang mga bundok sa bukidnon kengks honest. parang ganyan din kaso di vineyard doon kung pineapple plantation. at malamig din doon lalo na pag summer ang sarap ng hangin.
kengkay: alam mo nakarating na ako sa DOLE plantation sa may cotabato; parang ganun ba? yung kalsada e daming humps…at malamig nga dun. pero sarap ng pagkain and linis ng hangin, yum!
bundok at tigang na lupa… hahaha hindi naman magkakantahan sa ganyan ang pamilya vontrapp
kengkay: maisan yang tigang na lupa. kaka-ani lang nila nung mga mais nung dumating kami e, kaya ganyan hitsura. pwede magtaguan dyan ang vontrapp family, hehe
Ansarap naman diyan sa bahay ninyo kengks! Ang ganda ng tanawin. Puwede bang ampunin mo na lang kaming mag-anak? Hehe!
kengkay: sige, ampunin ko na nga kayo, hehe. sana ganun lang kadali ano?
Nice. When can we pay you a visit?
kengkay: kapitbahay lang tayo e, kahit kailan, hahaha… kung walang visa papunta dyan sa UK, pwede rin kaya lang hassle yun e.
you’re place looks so conducive for rest and relaxation…
kengkay: tumpak ka dyan.
Hay. Yan ang dream place ko. Except sa mga rattle snakes and scorpions hahaha.
kengkay: walang ahas dito kasi nga malamig e..
Nice place and great view.
kengkay: salamat
aaaww… ganda naman….
kengkay: nakakahumaling talaga, awww
nabanggit nyo ang lamig, pagpasok ko kaninang umaga nanigas ang mga dulo ng daliri ko, ang sakit. pano ba naman umaambon kaya sobrang baba ng temperatura. patay na yung sigarilyo ko ayaw parin tumigil ng usok ng bibig ko… nag-iisnow ba jan? dito kase puro lamig lang, walang snow.
kengkay: arrrgh, tama ka, malamig na dito. sa sobrang tamad ko nga gamit ko na kotse para ihatid mga bata esp kung umuulan. kahit na malapit lang ang kindergarten nila. sarap lang magtago sa ilalim ng kumot. oo, may snow din dito pero di katulad sa ibang part ng germany na talagang snow kapag winter, dito mild lang ang winter kasi wala kami sa mataas na lugar e. ibig sabihin, kung may snow man, mga ilang araw lang kapag winter time.