Kwentong Kengkay

Oktubre 28, 2007

Mga Minatamis ng Pinoy

Pramis ko di ba mag-blog ako ng maganda tungkol sa Pinas? Pwes, etong unang nakita ko, mas madali kasi, hehe. Isa sa mga sinulat ko dun sa Pinoy Mom’s Network. Kung saan e natutok ako sa mga minatamis na tunay na panlasang Pinoy. Ang Pinoy desserts ay kasama sa mga tinatawag kong comfort food.

Tulo laway ko kapag naisip ko sila. Buhay ang katawan ko kapag nalasahan ko sila. Asa langit ako kapag napapaligiran ako ng Pinoy desserts. Di baleng maglabasan ang mga bilbil ko… Pasensya na, mag-inglis si Kengkay ng konti ha. Pag gusto nyo ng translation, sabihan nyo lang si kumpareng babelfish :D

Let’s check out the cold varieties first:

Halo-halo is a cold dessert made of sweetened fruits, gelatin cubes, sweet beans, nata de coco, kaong (seeds of sugar palm trees), jalea ube (made from purple yam), etc; usually served in a tall glass filled with with shaved ice and topped with ice cream and macapuno, and leche flan.

Mais con Hielo or Saba con Hielo has shaved ice again, but flavored with corn or chopped saba (a native banana) and mixed with milk and a bit of sugar.

Brazo de Mercedes is of Spanish origin. It is a meringue roll with a butter sauce filling.

Buko Pandan Salad appeals not only to the palate but the smell is a great enticement, too. It combines buko (young coconut), green gelatin, pandan flavor, nata de coco, cream and milk.

Leche Flan is a composed of eggs, milk, sugar and sometimes with a taste of lemon, and topped with caramelized sugar.

Sans Rival is a rich buttery cake made up of eggs, milk, butter and toasted cashew nuts.

And don’t forget the exotic ice cream flavors we have such as ube, mango, and calamansi. You can get your mango ice cream, firmly packed for a long journey, at the departure lounge of the NAIA international airport.

ice cream

Ice cream collage is from the personal files of Connie Veneracion.

The array of hot desserts:

Bibingka is a rice cake that is usually cooked in a clay pot between live coals above and below it. It is often topped with native cheese, salted egg and sprinkled with grated coconut ; though interesting topping variations are also common now. It was a Christmas tradition that has become a daily dessert option.

Ensaimada, meanwhile, is a buttered sweet roll, dusted with sugar and topped with cheese.

Egg pie is a Filipino custard pie that is made of egg yolks or eggs with milk and sugar.

Maruya, Banana Cue, Camote Cue and Turon are delicacies mostly bought from street vendors but are becoming party favorites. Maruya is sliced bananas dipped in batter and deep fried. Banana cues like, camote (sweet potato) cue, are skewered and deep fried in oil and brown sugar. Turon are bananas wrapped in a spring roll wrapper and fried with sugar, sometimes stripped jackfruit are added to taste.

‘Kakanin’ is a generic term for sticky rice cakes that include cuchinta, puto, palitao, pichi-pichi, suman, latik, maja blanca, malagkit or sapin-sapin.

Sweet finger licking goodies such as pastillas de leche, yema, and polvoron.

Taho is a soybean milk cake that are thinly sliced and served in a syrup as refreshment; they usually come with sweetened sago. Flavored taho became a real hit, which such offers as vanilla, ube, chocolate, etc.

Finally, if you’re into regional delicacies, try the broas (ladyfingers) and peanut kisses from Bohol; Jalea Ube and Peanut Brittle from Baguio; Dried Mangoes, Otap, and Galletas from Cebu; and Buko pie from Laguna.

O ayan, sarap di ba? Sigurado ako meron akong hindi na-isama sa listahan na peborit nyo rin. Kung meron man, kalabitin ako. Masarap tumikim ng bagong lasang Pinoy, kahit man lang sa panaginip!

Kaya dito, kapag may natitisod akong Pinoy dessert sa mga Asia shops sa paligid-ligid ng aking bahay kubo, nako, talagang hoarding ginagawa ko. Sempre yun yung delata o kaya naman e naka bote na; pero pagtiyagaan na lang. Mas malinamnam talaga yung habang binibili mo e naaamoy ang sarap nya…

P.S. At para sa Pasko, masarap na give-away ang Pinoy dessert tulad nitong ibat ibang flavor na Polvoron ni Maru. Oo naman, di lang seksi mom yang si mamaru kundi seksi cook pa :D Hay, sana may magbato sa akin ng kanyang polvorn (naks, parinig pa si Kengkay!).

16.jpg 6_1.jpg 14_1.jpg

Mga Puna »

  1. Naku ang sarap ng polvoron. Peborit ko yan lalo na kung sisipol ka hahahaha. I’m sure lalo mong mamimiss ang Pinas dyan Mommy kengks!
    kengkay: ay oo nga ano, magandang game yan. pero sayang naman kung gagawin ko lang laruan esp kung konting konti lang supply ko dito, e wala nga kahit na supot lang ano, waaahh

    Comment ni Lavern — Oktubre 29, 2007 @ 5:13 umaga | Tugon

  2. HUWAW!!! Bakit ba lagi nalang may reference sa Pasko. Kung kelan pilit mong kinakalimutan dahil nakakalungkot lang at malayo ka sa mga mahal mo. Halloween muna tayo aba!

    Ang Crema de Fruta (refrigerator cake saw sabi ng iba) ba e maisasali din sa mga ‘yan. Expert kase ko dun at dun ko napa-ibig ang aking asawa :P Variation lang din siguro ‘yun ng sans rival at tiramisu kung saan pinaghahalo mo ang condensed milk at all purpose cream at inilalayer sa pinaghati-hating graham crackers. tapos nilalagyan mo sa ibabaw ng preserved fruit kung saan the best kapag peach at manggang hinog ang gagamitin at di kasarapan kapag fruit cocktail.

    Isang sikreto dito ay ngatngatin ang mga lampas na sides ng graham crackers para magayuma mo ang iyong iniirog. Ito siguro ang nagpatibok ng puso ng aking mahal na may-bahay. LOL!

    Isang kinaiinis ko dito sa China e walang tindang all purpose cream. Puro yogurt ang tinda ng mga linsyak!!!
    kengkay: naku naman, ininggit pa talaga ako. peborit ko rin yang crema de fruta. kung ikaw walang all purpose cream dyan, ako naman dito walang matinong kondensada. ang condensed milk nila mas malabnaw pa sa evaporated, arrrgh. i tried yema with their condensed milk, wala lang, tinapon ko lang. tapos sempre, di uso dito si graham crackers, hmp ulit.

    naks, para ka palang daga, kaya mo nahuli si misis e may i ngatngat ka. hahaha. alam ba ni misis na yun ang secret gayuma mo :D

    Comment ni Kotsengkuba — Oktubre 29, 2007 @ 8:47 umaga | Tugon

  3. Kengs, i love crema de fruta… kaya tuloy ako tumataba. ikawba si Rag-gold dun sa pinoy mom’s network? wow versatile ka madame ha, di ka lang pampamilya, pang-isports pa! lol. you really surprise me. Thumbs up.

    PS. Pwede ka po di na gumising ng philippine sunrise hehe, di naman mawawala yun sa blog ko ng buong taon lol. Basta wag ka lang kukurap! :wink:
    kengkay: labs ko din crema de fruta, uulitin ko pa, arrgh. nakakamiss ang lasa. ssshhh, wak ka maingay, kakambal ko si raqgold, hehehe. ok, di na ako kukurap, tutal tulog ako sa mga oras na yon e :D

    Comment ni bluepanjeet — Oktubre 29, 2007 @ 9:52 umaga | Tugon

  4. waaah! parang nagutom ako bigla!
    kengkay: pareho tayo, at least ikaw andyan lang sa tabi tabi mo, ako andyan lang sya sa layo layo, huhuhu :)

    Comment ni antuken — Oktubre 29, 2007 @ 1:09 hapon | Tugon

  5. mommy keng, maraming salamat sa libreng promotion ng polvoron ko. spitsless ako sa totoo lang. kala ko makapal na talaga ang fez ko pero marunong pa rin pala ako mahiya. parang nahihiya na yata ako sa sobrang bait mo sa akin. waaaaah… drama ko.
    kengkay: hanu ba yun, pramis ko naman sa yo na tatakamin ko sila sa polvoron mo di ba, kaso mo ang nangyari ako ang natakam, hehe

    Comment ni MARU — Oktubre 30, 2007 @ 5:42 umaga | Tugon

  6. hahaha, di nya pa ko nahuhuli at baka pag nahuli ako e makipaghiwalay :P bakit ganun no, laging may kulang.. walang patis, walang toyong hindi lasang betsin, walang sukang puti. kahit na ayos na ko sa mga seasonings nila, hinahanap ko parin yung meron satin na dati naman e hindi ko binibigyan ng ganung atensyon.
    kengkay: tama ka dyan, mas masarap talaga ang sariling atin… hinahanap-hanap…kakatulo tuloy ng laway

    Comment ni Kotsengkuba — Oktubre 30, 2007 @ 6:24 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.