Naligaw sa blog ni Ann kasi na miss ko na sya, ayun ang napala ko, na tag na naman, waahhh
Instructions: Each player starts with 7 random habits/facts about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don’t forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!
Pitong katutuhanan tungkol sa akin: uto-uto basta sa tamang lambing, matigas ulo kapag alam kong tama, nagsasabi ng totoo, may takot sa Diyos, maligaya sa piling ng mga taong totoo, kabado pa rin bago umupo sa manibela pero kapag nakaupo na e cool na rin, dating adik adik sa online shopping tulad ng eBay ngayon e natutok sa blogging at WPP
A – Age: 38
B - Band Listening To Right Now: Side A
C - Career: Stay at Home Wife and Mom
D - Drink or Smoke: Nope
E - Easiest Friends To Talk To: madali akong kausapin kaya madali rin silang kausapin
G - Gummy Bears or Gummy Worms: Gummi Bears
H - Have a Boyfriend: have a boyfriend turned kengkoy
I - In love: everyday na nga rin ![]()
J- Junk Food You Like: Chippy, Jumpies
K - Kids: IC 3 1/2 years old, MC 5 turning 6 this December
L - Longest Ride Ever: nung late 90s papunta kami ng Butuan from Cagayan de Oro, nag overnight pa kami sa bus station arrrgh buti na lang may for rent na folding bed, hehe.. siguro mga almost two days yon. e kasi nga overnight, hehe
N - Names For Your Future Kids: names of my kids now: Michaela and Isabela kung may lalaki sana e Bjorn Carlo
O - One Wish You Have Now: healthy and happy family and friends
P - Phobias: butiking nahuhulog mula sa bubong at papatak sa kung ano mang parte ng katawan ko, yaaaaakkk
Q - Favorite Quote: Dream the impossible for impossible dreams do come true
R - Reasons To Smile: mga blogs na nababasa ko, pagbisita sa WPP at kapag happy ang pamilya at prends ko sempre
S - Sleeping Time: between 10 pm-1 am depende sa kids at asawa ko
T - Time You Woke Up: 7:00am dahil sa kalabit ng mga anak ko
U - Unknown Fact About You: dati akong tambay ng Patpong at gay beach sa Pattaya dahil sa ibat ibang klaseng culture exposure chuva (Thailand itong mga lugar na tukoy ko ha)
V - Vegetable You Hate: radish at ampalaya
W - Worst Habit: eating binge, hehe
X - X-rays You’ve Had: mouth
Y - Yummy Foods: Thai and Indian at sempre ang Pinoy food
Z - Zodiac Sign: Gemini
Now I’m tagging: Misyel, homebuddyhubby, at si dhez. Sali na kayo!



ang sarap naman ng buhay ano natutulog ikaw sa kalabit ni kengkoy at nagigising sa kalabits ng little kengkays hahaha aba napadaan ka pala sa bayan ko ng cagayan de oro madalas din ako noon sa terminal ng bus dahil panay ang byahe ko noon sa iba’t ibang bahagi ng mindanao.
kengkay: makulit itong mga kasama ko sa bahay e. may pinsan ako sa cagayan de oro, gusto ko nga bumalik don kasi sarap mag shopping sa palengke, hehehe
Comment ni S3lv0 — Nobyembre 2, 2007 @ 12:23 hapon |
mommy kengks, grabe, parehong pareho tayo ng phobia! di lang ako nag-elaborate saken pero saktong yan ang ayoko! shrieking freak ang lola everytime may nakikita ako butiki na wala sa kisame ng bahay. hehe.
kengkay: yaaaakk, kwento pa nga lang minsan taas na balahibo ko ano…
Comment ni antuken — Nobyembre 2, 2007 @ 1:37 hapon |
radish yun ba un labanos? kung yun nga, pareho tayo…di ko mawari ang lasa…parang walang saysay angpagkain ng labanos eh…hahhaha
kengkay: tama ka, labanos nga. parang kumbaga e isa syang gulay na walang kasarian, hehehe
Comment ni chuvaness — Nobyembre 2, 2007 @ 5:22 hapon |
Ayy ni-tag pala aketch ni kengkay, di ko pa nga tapos tag ni kuya kiko and nalen waaaahhh! Sige gagawan ko yan ng paraan, sa abot ng aking makakaya, naks! as if! hahaha…
kengkay: hala, galingan mo, hehe. tenks for making kalabit sa YM kagabi.
Comment ni misyel628 — Nobyembre 2, 2007 @ 5:46 hapon |
at ano naman ang napapala sa pagtambay sa gay beach ate kengkay?
kengkay: nung unang punta namin, taka kami bakit walang kumukulit sa amin kahit na daming lalaki. yun pala gay beach nga. edi dun na kami tambay kasi we get peace and quiete under the sun, hahahah
Comment ni ris — Nobyembre 3, 2007 @ 5:56 umaga |
Aynakooow…! naalala ko yang cagayan de oro. galing kaming manila domestic non at papunta sanang butuan kaso mo me ibinalitang papalapit na bagyo ang PAG-ASA, kaya napilitan kaming magfly-fly na lang papuntang CDO. e ang ulangyang kaopisina ko naman dito sa Luzon hindi naitimbre agad sa susundo samin sa butuan na nasa CDO kame. hindi naman kami makapagcommute lang dahil kulang ang aming pamasahe at hindi namin maiwan ang dalawang malakabaong na crate na bagahe namin. hindi pa uso ang selpon nun, wala pa ring talepano ang sadya namin sa RTR, kaya ang nangyare, maghapon kaming naghintay sa Lumbia airport at sa PASCOM barracks na kami natulog. talagang bad trip. mantakin mo yung magbilang ka maghapon ng papadating at papaalis na eroplano? pero miski papano nakapag-istrol-istrol kami sa city. ang hinayupak na bagyo? hindi dumating!
kengkay: kawawa naman pala kayo… lintek na bagyo yan, pinahamak pa kayo. pero at least meron kang ma ikwento sa mga daga mo, hehe
Comment ni homebodyhubby — Nobyembre 3, 2007 @ 4:06 hapon |
Ayun na kengks, yari na rin ABECEDE ko, pede nang puntahan.
…bakit ba ngayon ka lang dumating sa buhay ko!?
mare,
kengkay: pasalamat ka at ngayon lang tayo nagkadaupang palad, kundi dami mo ng tags, ahahaha.. salamat for being a good isport
Comment ni homebodyhubby — Nobyembre 4, 2007 @ 12:09 umaga |
wala na akong mai-tag, waaaaaahhhhhhh!
… ikaw na avatar dyan sa itaas, anung itinatawa-tawa mo, ha? gusto mo suntukan na lang tayo 
kengkay: humunos dili ka, pati kakambal mo inaaway mo na,
Comment ni homebodyhubby — Nobyembre 4, 2007 @ 12:13 umaga |
Naku, peborit ko yang ampalaya with veggie egg and tomatoes, lalo na pag luto ng Tatay ko. Labs ako nun kaya pag nasa Manila ako eh pinagluluto ako ng paborito ko – ginisang ampalaya, crispy tilapia at syempre munggo with alukbati na super lapot. Ayoko ng runny munggo.
joy
pero munggo gusto ko yan, lalo na pag may chicharong halo, yum!!
The Goddess In You
kengkay: ako pala gusto ko yang ampalaya na may itlog at kamatis, pero ang kinakain ko lang e yung itlog at kamatis,
Comment ni joy — Nobyembre 4, 2007 @ 10:32 hapon |
[...] si ris, alam ko na kung bakit mo naitapon sa akin yang tanong na yan, dahil sa pagtatambay ko sa gay beach sa Pattaya ano, hehehe! Gusto mo ng matinding kwento? Pwes, hindi mo rito mababasa yon. Makipagkita ka sa EB [...]
Pasa ni How can you tell if a guy is gay? « — Nobyembre 6, 2007 @ 8:05 hapon |