Kwentong Kengkay

Nobyembre 3, 2007

Magaling talaga ang mga Pinoy

Isinalansan sa: Kaibigan,Magaling ang Pinoy,Pinas — kengkay @ 3:59 hapon

Habang ginagawa ko itong blog ko na ito ay nakikinig ako kay Joy, ang ating Pinoy Love Coach na may sariling radio magazine show sa futureradio.co.uk. Siya ang bida sa Usapang Pinoy na maririnig ninyo tuwing Sabado kahit na saang sulok ng mundo kayo. Punta lang kayo sa futureradio.co.uk. Kinukulit ko sya ng instant messenges kahit na medyo frustrating kasi sya nakakapag-salita samantalang ako nakikinig lang. Tawagan ko kaya sya minsan, huh!

Pero masaya na rin dahil enjoy akong nakikitawa, nakikikanta, nakikisayaw sa ‘Build Me up Butterfly (last week naman e mega kaway kaway talaga ako sa ‘Just Got Lucky’. Bagets na bagets ang dating talaga. At naku, nag emote ako dahil pinatugtog pa naman ang ‘Pasko na Sinta Ko’. Kakakilabot, arrrgh. At sempre, nakipagbatuhan ng kulitan kay Kiko sa pamamagitan ni Joy, hehe.. Ulit neks Saberday ha!

Bilib ako sa iyo, Joy. Bilib na bilib ako na Tagalog ang gamit mong salita sa halos buong radio show, na merong bibig ang mga Pinoy dyan sa lugar mo sa UK sa pamamagitan ng iyong social works at dahil na rin sa radio show mo, na musikang Pinoy at panlasang Pinoy musik ang tumataginting sa buong radio show mo. Ipagmalaki natin ang galing Pinoy!

At hanu ba yun, isusunod ko na si Marco Torres dito sa aking post sa magaling na Pinoy ng biglang binanggit din ni Joy sa kanyang radio show. Hmm, nagkabasahan ba kami ng isipan, huh. Si Marco Torres ang Proud Pinoy in 2008 China Olympics, huli na nung nabasa ko sya sa blog ni Ambo kaya di ako nakaboto pero maraming kababayan natin ang sumuporta sa kanya.

When I first published this campaign together with other bloggers, I was the 404th voter in the list and the Colombian National already gathered 4,475. A difference of more than 4000 votes. It seemed that miracle can only give Marco a chance to win.

Now, the miracle came true with the help of our Kababayans who supported Marco to pursue his endeavor and carry the torch with pride for our country. Indeed, the Filipinos made a tremendous support that Marco landing in No. 2 spot with a total votes of 13,342 headed by United States in No. 1 with 14,188!

marcos.jpg

Hindi lang si Marco ang magaling, magaling na pinoy rin si Ambo at ang buong pamilyang pinoy na tumulong para makasama si Marco para maging isa sa mga dayuhang torch bearer sa 2008 Olympics sa Tsina. Ipagmalaki natin ang galing Pinoy!

Eto pang isang magaling na Pinoy ay si Bluepanjeet. Ang slogan at logo nya ang nanalo sa pa-kontes ni Reyna Elena na nagbibigay pugay sa mga OFWs. Magaling ka talaga, BluePJ!

tagumpay-a2.jpg

Mga Puna »

  1. yikes, nakalimutan ko na naman makinig. grrr.

    pero pag nakakarinig ako ng mga ganitong kwento tungkol sa ating mga kababayan, nabubuhayan ako ng loob. ang galing. :)
    kengkay: neks taym, kinig ka na ha. kulitan tayo sa ere, hehe

    Comment ni Meeya — Nobyembre 3, 2007 @ 5:05 hapon | Tugon

  2. Wow Mommy Kengks i am really touched. Wala akong masabi kundi, Maraming maraming salamat sa pakikiisa mo sa mga adhikain ng ating lahi. Congrats din sa aking kapatid na si Bluepanjeet at sorry naman po kay Ms. Joy at di ako naka tune in tonight. Nagbadminton kasi ako hehehehe.
    kengkay: welkam, ambo. sabi ko nga, magkaisa tayo para sa lalong ikagaganda nating lahat, di ba? tama namang magaganda at pogi tayo e, tapos magagaling pa, ano pa bang gusto natin, hehehe, sa sabado ulit kita kits tayo sa ere.

    Comment ni Ambo — Nobyembre 3, 2007 @ 5:06 hapon | Tugon

  3. Magaling talaga mga pinoy kahit sang bagay nag eexel (tama ba spelling? :P ) kulang nga lang ng suporta ng gobyerno pero sanay na ata tayo don kaya nga independent tayo e :D

    Salamat sa mga kababayan nating nagbibigay ng karangalan para sa ating bansa. MABUHAY!
    kengkay: mabuhay talaga… tama na spelling basta nagkaintindihan tayo, hehe

    Comment ni joanjoyce — Nobyembre 4, 2007 @ 1:03 umaga | Tugon

  4. talaga! ever! i am just frustrated kasi ang pini-pik-ap nang madlang western press eh yong mga negative press about pinoys at di balanced. of course, sensational stories ang habol nila for readership dahil nga advertising dollars

    pero kahit na anong gawin nila, magaling talaga ang mga pinoy! nakuuu talaga pong pinoy lover ever ang lola nyooooo!!!!
    kengkay: pinoy lover, ampf :D kaya nga dapat gandahan nating ang pag-prisinta sa ating bansa, di ba? marami naman talagang maganda sa atin e.. tulad ko at tulad mo, ehem

    Comment ni reyna elena — Nobyembre 4, 2007 @ 1:13 umaga | Tugon

  5. gusto ko yung site ni lovecoach. ang sarap sa mata. peeeeenk!
    kengkay: gurl na gurl di ba?

    Comment ni alphasensei — Nobyembre 4, 2007 @ 5:06 umaga | Tugon

  6. Kengkay, whole day ba yang si Pinoy Love Coach kapag Sabado? Anong time zone ang mga ‘yan? Pano naman kase, nung una kong tiningnan yang site na’yan e pagkapangit ng presentation kaya hindi ako naengganyong hanapin kung saan ko iki-click para maging Pinoy Love Coach na.. Hopefully next time maabutan ko na.
    kengkay: baka naman ibang site ang nakita mo? kasi site ni love coach e pink kaya ayaw mo siguro… pero you need to click that futureradio site para makarating ka dun sa radio show nyang Usapang Pinoy. every saturday sya at 3 pm UK time, 4 pm german time at sa pinas e 8 pm sya. wag mo na ko pagbilangin kung anong oras sya sa tsina kasi mahina kukote ko sa matematika e. sige, magchikahan tayo dun next time ha

    Comment ni kotsengkuba — Nobyembre 4, 2007 @ 10:31 umaga | Tugon

  7. hehe ako rin nalimutan ko makinig. kailangan ng alert!
    kengkay: sige, kalabitin kita next saturday

    Comment ni ris — Nobyembre 4, 2007 @ 11:24 umaga | Tugon

  8. [...] sino sino ang gusto kong makilala: Maru, Jovi, Chuckie, Jim, Kengkay, JoanJoyce (btw, gusto ko ang tugtog sa blog mo), Bikoy (yes, gusto ko siyang makilala, punong puno [...]

    Pasa ni 7 Truths About Me | Isagani Rx, MA — Nobyembre 4, 2007 @ 1:42 hapon | Tugon

  9. Salamat talaga Raquel sa suporta! Enjoy ako at para bang nasa sala lang tayo na nag uusap ni kiko matsing yesterday.

    At kay kotsengkuba naman – I’m sure ang hindi niya type eh yung site ng Future Radio, dahil ang alam ko ang aking Your Love Coach design ay maganda! :)

    Paalala sa lahat, just go to Future Radio, click ang LISTEN ONLINE sa bandang itaas sa kanan. At para naman sumali sa chikahan tulad ni Raquel, Kiko at Ambo, click lang sa home page, upper right hand ulit, ang INSTANT MESSENGER.

    Pag dating sa oras, 3pm GMT, which means 8pm sa Pilipinas, 10am sa East Coast, 7am sa West Coast pati Vancouver, 4pm sa Germany (and rest of Western Europe), at 11pm naman sa Western Australia. Sa Indonesia, Malaysia at Thailand eh 10pm. :D

    Sa susunod na Saberday eh mag-asawang Len and James Lambert ang ating guest sa studio mismo. Alamin natin ang kanilang love story – syempre isang Pinay at Briton so kailangan maki chismis di ba?

    Yung naka miss ng first airing ng Usapang Pinoy nung 27 October, punta na lang sa The Goddess In You at basahin ang MAIDEN VOYAGE post. At the end of it, click on the link to where I uploaded the first show in its entirety.

    joy
    The Goddess In You
    kengkay: ay chismis ang next episode, sali ako dyan, hahaha… enjoy nga ako sa pakikinig at kakukulit…

    Comment ni joy — Nobyembre 4, 2007 @ 4:36 hapon | Tugon

  10. Korek – sali ka pag chinika natin kung pano nagsimula ang kanilang lab apeyr! :)

    joy
    The Goddess In You
    kengkay: hokey, maglista na ako ng phone in question. iba ibahin ko lang tono ng boses ko!

    Comment ni joy — Nobyembre 4, 2007 @ 10:26 hapon | Tugon

  11. ate keng dapat makikinig ako nyan nun saturday, 12:30 na ako dumating sa bahay di na ako nakaabot… magpapabati pa naman sana ako… i’ll promote Joy’s program sa site ko rin hehe.. naiintriga ako na nagtatagalog sya sa Radio Station sa UK…

    Mabuhay mga Pilipino!!!
    kengkay: sige, bluePJ, kita kits tayo sa sabado ha

    Comment ni bluepanjeet — Nobyembre 4, 2007 @ 10:59 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.