Kwentong Kengkay

Nobyembre 6, 2007

Salamat mga Kaibigan

Isinalansan sa: Hmmmm,Kaibigan,Mabait ang Pinoy,Paki Lang,Panlasa — kengkay @ 5:41 umaga

May sorpresa akong nakuha kay Mr. DHL kahapon. Muntik na akong magtitili talaga sa galak :D

img_0078.jpg img_0079.jpg img_0080.jpg

Galing kay defpotec, arrrgh! Sinoli nya ang mga laruan nung mga bata na inipit ko dun sa pinadala kong transformers nya at may dagdag na. Sabi ko sa Pinas na kami magtuos e pero…Haneps, may lab letter at dun nakalista ang lahat… pero def, yung family photos pipi sya, waaahhh. Excited pa naman akong pakingkan pero walang lumalabas kahit na hello man lang :( Baka kaya kasi aleman itong CD player namin, ano sa tingin mo? UPDATE: Tama ka nga def, eto at sarap na sarap na ako sa apo hiking societry… tsalamat ha.

img_0086.jpg img_0087.jpg

Ang mga anak ko talagang di nakatiis, nagtitili ahahaha. Mana sa nanay. Sempre bigay ko sa kanila lahat wag lang ang polvoron ni mamaru. Akin lang ang mga polvoron na yan! Pasko na talaga, sinta ko! Tenk yu beri mats, def! Mahahalikan talaga kita, mwahhhh.

Teka, may dumarating pang karton. Galing naman kay normal Mr. Postman. Ngayon naman ay galing kay Joy. Binalik nya ang CDs at may dagdag rin. Sempre, tilian na talaga kaming tatlo ng mga anak ko, hehehe! Salamat, Joy! Ang aga ng pasko…

img_0090.jpg img_0091.jpg img_0092.jpg

At eto naman ang huli man ay huli pa rin pero mag tenk yu ako. Kay Maru! Nung nagong salta ako sa wordpress ay nakigulo ako dun sa libro ni Wanda at binatohan nya agad ako. Nahiya nga ako kasi mas mahal pa ang selyo kesa sa libro. Sabi ko sa kanya, padalhan ko sya ng krismas kard. Sana natanggap mo na ang krismas kard na may kumukutitap, mamaru! Salamat gurlprend ha!

img_0105.jpg

Mga Puna »

  1. ate kengks padala ko din sana sayo ang curlers kong blue kaso… hindi ko na mahanap. waaaahhhh!

    imported na ang polvoron ni goddess a! ;)
    kengkay: naku, inaantay na nung mga anak ko ang curlers mo

    Comment ni jojie — Nobyembre 6, 2007 @ 6:21 umaga | Tugon

  2. Wow kakainggit naman yan. Pag yumaman ako Mommy kengks naku araw araw anjan ang postman nyo! Hahaha. Promise!
    kengkay: sana maging mayaman ka agad… pramis yan ha

    Comment ni Lavern — Nobyembre 6, 2007 @ 8:11 umaga | Tugon

  3. yeeeey! nakarating na ang polvoron ko sa Germany! alahu akbar!
    kengkay: dahan dahan ko syang kakainin… ang inuna ko yung rice crispies, grabe ang sarap!

    Comment ni MARU — Nobyembre 6, 2007 @ 8:29 umaga | Tugon

  4. ang sweet! parang polvoron! sana kaibigan ko na rin si maru!

    he he he,,

    oo ate, nominated ako, hindi ka bumoto no!?

    ha ha ha..

    everyday pede ka bumoto!
    kengkay: bumoto na ako. okay lang talaga araw araw ha, baka naman ma foul ka nun?
    ;)

    Comment ni kingdaddyrich — Nobyembre 6, 2007 @ 9:45 umaga | Tugon

  5. hahaha buti pa polvoron… uy ang aga ng exhange gips nyo ha. ayan mama kenks mas nauna ka pang makatikim sa sarap na dulot ng tamis ni mamaru hehehe

    Comment ni S3lv0 — Nobyembre 6, 2007 @ 12:17 hapon | Tugon

  6. ang ku-cute pala ng mga anak mo pren mukhang mga porendyer! yan din ang sabi ng es-mi ko :D . ala lang. napadaan. naintriga sa nakitang bagong post mo sa dashboard ko.
    kengkay: wala ka pa sa lungga, pangga :D salamat, kyut sila kasi kyut ako… yan ang sabi ko sempre, hehehe

    Comment ni homebodyhubby — Nobyembre 6, 2007 @ 1:36 hapon | Tugon

  7. ANg galing! Ang saya!
    kengkay: aga ng exchange gifts ano, hahah. tama ka, masaya nga.

    Comment ni Lenggai — Nobyembre 6, 2007 @ 5:30 hapon | Tugon

  8. ang sweet..
    kaya ko rin naman magpadala sayo ah! hmp!
    kengkay: dyon, saan mo ipapadala, sa loob or labas :D halika, bigay ko sa yo address ko, dali…..

    Comment ni Jon Cabron — Nobyembre 6, 2007 @ 9:16 hapon | Tugon

  9. mami kengks pahiram ako ng libro pagkatapos mo ha!! padlhan mo rin ako dito para masaya! saka pwede bang tirhan mo ko ng polvoron ni maru! gustong matikman yun e mukang ang sarap sarap!!!!

    sis maru lagot ka sakin ha huntingin kita pag balik ko sa pinas pag di mo ko pinadalah niyan nyahahahaha
    kengkay: tapos ko na libro, email mo sa akin address mo. pero balik mo sa akin ulit ha, labs ko yon e. pero pagdating sa polvoron, may pagkaswapang ako.. pagiisipan ko pa kung padadalhan kita ng isa, ahahaha

    xiao!

    Comment ni brath — Nobyembre 7, 2007 @ 1:54 umaga | Tugon

  10. Ilang posts o comments ba bago maging kasali sa exchange gip? hehehe!
    kengkay: depende yan, hehehe. kung makulit ka, meron ka agad ka exchange gips :D . sempre ako di makulit ha *wink

    Comment ni Lenggai — Nobyembre 7, 2007 @ 6:05 umaga | Tugon

  11. [...] Lasts Cigar – trip trip lang nung asa college ako, isang hitit Drink – kagabi, isang baso ng sparkling wine Car ride – kahapon ng umaga Phone call – kalipas lang ng 30 minuto, yung tita ni kengkoy Cd – nung Nobyemre nung nagpadala sa akin si defpotec ng CD mix [...]

    Pasa ni Walang Reklamo « — Disyembre 20, 2007 @ 4:31 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.