Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Si Kengkoy ni Kengkay

Ayan, na tag si Kengkoy ko ni Scart

This tag is simple. If you feel comfortable and your better half does too, you can post a picture of him in your blog ( but if not a description will do). May it be a baby picture anything that you like with the following:

1. First name: if he doesn’t like his name plastered all over the internet, a pet name will do.
2. How and where did you meet?
3. Characteristics
4. Your plans 20 to 30 years from now.

Di na ako magpapaligoy-ligoy, dahil ako naman ang boss dito sa bahay namin, at hindi naman maintindihan ng asawa ko itong isusulat ko…

img_0047.jpg1. Mein Schatz – Yan ang aming tawagan. Ang literal translation nyan ay ‘my treasure’. Hindi ko sya tinatawag ng pangalan nya, at di rin nya ako tinatawag ng pangalan ko. Ang lambing namin, di ba? Kaya pati mga anak namin, ang tagal bago nila nalaman ang pangalan ng nanay at tatay nila, hehe.

2. Naku, mahabang kwento to. Mistaken identity kasi drama namin e. Akala ko sya yung mamang nakasayaw ko nung minsang tumambay ako sa diskuhan nung resort hotel sa Thailand kung saan ako nagta-trabaho. Palitan pa kami ng email hanggang sa humantong ang muling pagkikita. Sa airport ko na namalayan na hindi pala sya yung mamang nakasayaw ko, waaahhh. Pero kahit na hindi pala sya yun, ay naging kami dahil meron akong narinig na music sa ere ba (interrupted nga lang ng mga announcements ng flights, hehehe). Kaya ayun, sya nga naman pala. Yun lang, eheheh…

3. Malambing. Mahal na mahal ang kanyang pamilya. Magaling magluto. Magaling sa hardin. At sempre magaling sa…dyaraannnn… kaaaa — mayan, ehehehe. Ay oo, marunong na sya magkamay at nasanay sa pistahang pinoy e. Dating car racer kaya ang galing magmaneho pero takot magmaneho sa Asya, ehehehe. Galante pero kapag tungkol sa kanya ay kuripot naman. Medyo makulit pero sensitive naman. Joker at higit sa lahat, sya ay aking-akin…eheste, aming-amin pala. Kasi super tatay itong asawa ko e.

4. Balak naming mag-retiro sa Pinas. Sa harap ng dagat. Walang masyadong lamok. Sariwang simoy ng hangin. Sariwang pagkain. May internet at tig-isang computer sa bahay. At sempre, healthy and aging gracefully…

Hmm, kanino ko naman kaya ibato itong tag na ito? Kay Meeya, kay Pao, kay Megamom at kay JoanJoyce. At kasi labs ko sya, itag ko ng todo todo ang aking kaibigang mayaman pa sa daga!

Inihanay sa:Aruuuhh, Kaibigan, Patukso, Tinag-a

23 Responses

  1. Rhapsody ay nagsabing:

    ang gwapo naman ni papuch mo… kamukha nya ung ex ni Kim delos Santos.. konti pero mas gwapo pa rin siya…

    i bet ang gwapo at ganda ng mga inakay niyo…
    kengkay: tenks ha. magaganda ang mga little kengkays, sempre. wa kaming boy e :D

  2. pao ay nagsabing:

    wee! ang cute naman ng tag na itech, ate kengks. sige i’ll work on it. hanep sa pichur, retrong-retro. :)
    kengkay: sige pao, kalabit bit ha kapag tapos ka na :D

  3. antuken ay nagsabing:

    parang picture pa nung 50s/60s era ah. cute naman ng tag na to. :)
    kengkay: ibalik ang retro, hehehe

  4. [...] will be starting the week off with this tag from Kengkay. Sometimes, I’m unfair because I tend to write (well, second-nature na halos) about Ninna all [...]

  5. Meeya ay nagsabing:

    done. :D thanks for the tag!

    meron kayong somthing in common ng asawa ko… pareho kayong nagtrabaho sa thailand. :)
    kengkay: sinilip ko nga ulit picture ni hubs mo e. kasi may kilala ako sa bangkok na allan tapos engineer din sya, hehehe

  6. MARU ay nagsabing:

    waaah! ampogi ni papa kengkoy. papabol na papabol. imperness, mas gwapo sya ng milya-milya kesa kay prince william ha!
    kengkay: sempre, sya ang aking prince wilyam op da alemanya, hehehe

  7. gasti ay nagsabing:

    ibang klase ang hairdo ni kengkoy ah…magastos sa gel yan hehe! grad pic ba yan? kelangan talaga hindi nakatingin sa camera para suplado epeks..hehe!

    wow car racer astig! sabi nga nila basta driver sweet lover…
    kengkay: waaahh, natawa ako ‘basta driver, sweet lover’ ahahaha. hot shot dating ng hair do di ba

  8. Ederic ay nagsabing:

    Answeet nyo naman. :)
    kengkay: uy napadalaw ka habang ka switan ang usapan, huh :D

  9. toni ay nagsabing:

    ate totoo gwapo nga pero importante don eh mahal nya pamilya nya.
    sana makahanap din ako ng mabait at maalaga sa pamilya balang araw noh?

    ung #4 pinakagusto ko sa lahat, kahit noon pa paborito ko ang tabing dagat at maraming puno at mga halaman sa paligid. hayyyyy kelan kaya ako makakapagbakasyon?
    kengkay: hay toni, sarap relak relak kapag ganun di ba? bakasyon ka na… baka magkita pa tayo, hehe

  10. jojie ay nagsabing:

    ate kengks!!!! pwede gawing movie ang inyong lab story.. :D
    kengkay: sikret yan ha, ayaw ipa-alam nung asawa ko kung pano kami nagkita e… nahihiya, hehe

  11. Lavern ay nagsabing:

    Gusto kong malaman kung ano talaga yung dyaraaannnn!!! Hahahaha. Parang si Jaime dela Rosa yung pic ni labs mo mommy ah! No wonder kaya pala ang kukyut ng mga chikiting!
    kengkay: am sure alam mo din kung ano yung dyaaaaraaan :D o tanong mo kay renya, ahahaha

  12. cdy173 ay nagsabing:

    ” My treasure”- how romantic naman.
    you are so blessed having such a husband na mapagmahal sa pamilya at good looking pa!
    kengkay: tenks ha… salamat din sa pagdaan :)

  13. earthlotus ay nagsabing:

    “my treasure”??? amsweet naman. haha. @_@ ayos ayos ayos, galing!

    hmm.. pano naman tawagan nyo pag medyo nag-aaway? hehe.. tanong lang po..
    kengkay: pag nagaaway kami? ganun pa rin pero mas malakas lang ang dating, hehehe

  14. chuvaness ay nagsabing:

    ang shweeeet nyo at ang wafo ni kengkoy. very lovely couple.
    kengkay: wala pa ring tatalo sa triple V lab tim nyo ni reyna at ambo, wahhhh :)

  15. joy ay nagsabing:

    Wala bang wedding photo? :D Chance encounters are always the best! And dapat nga – dali at kumuha ng Ever After DVD! You won’t be sorry. At yung iba ko pang nilista, mamu, matutuwa ka talaga diyan.

    joy
    The Goddess In You
    kengkay: inis nga ako kasi ang gusto kong i upload e yung wedding photo kaso mo ayaw naman… kaya ayan ang lumabas, hehe..maglilista ako nung DVDs suggest mo, pramis

  16. dhez ay nagsabing:

    wow nmn… ang sweet nmn ng inyong istorya kengks… at gwapo ah! kompletos rekados ika nga nila! ang saya! ;) ung wedding photo ah.. aabangan namin yan.. :)
    kengkay: wah na wedding photos, andun ang mga photos sa sirang computer, waahhh

  17. MegaMom ay nagsabing:

    Great story Kengkay! Mahirap pantayan, papano ba yan? Na-tag na naman ako, waaaahhhhh!
    kengkay: yan ang tag na pang welkam ko sa yo dito sa wordpress, hehe

  18. [...] Ate Kengkay tagged me. The instructions of this game are simple. It’s a blog post about your significant other (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post: [...]

  19. scart ay nagsabing:

    hindi pala pinoy ang asawa mo Miss kengkay? ang sweet naman pala ng naging drama ng pag-ibig nyo hehehe saka nakakatuwa marunong magkamay kung hindi man sya pinoy :D

    salamat nga pala sa pagsagot ng tag nato. ingat dyan sa Germany!
    kengkay: ayan, lumabas ang katotohanang alien si kengkoy, hehe. nahawa syang magkamay nung asa pinas kami, mas masarap daw pala ng ganun. ingat din dyan sa merika

  20. megamomph ay nagsabing:

    OK, my pren. You can now view my response to this tag. :) Tenks, kenks. Andito.
    kengkay: salamat dear megamom. nabasa ko na ang iyong istoryang kaka-inlababo rin :)

  21. homebodyhubby ay nagsabing:

    kagwapo namang kenkoy nyan. kaya pala anak ng kengkay puro mga tisay.
    kengkay: tenks ha :) di simple yang pagkakahuli ko dyan, hehe

  22. joanjoyce ay nagsabing:

    meron pala ko dito hehe ask ko muna kasi kamera shy yun e ;) tnx
    kengkay: ooops, di ko ba nasabi sa blog mo. ang una ko kasi nabasa sa blog mo yung shopping kaya nalimutan ko agad lahat e, hehehe

  23. Tag Day | joanjoyce ay nagsabing:

    [...] My Good Half tagged by sis kenkay [...]

Leave a Reply

Lumang Kwento