Hubo, hubad, hubong Pinay, hubad Pinay, p*k p*k Pinay, p*ki Pinay, yan ang mga nakakakiliting pumapasok sa search nitong blog ko nung mga unang buwan ko sa wordpress. Ako naman, shock na shock lang. E sabi ko pa sa sarili ko, teka, pampamilya itong blog ko ha; pwede rin pang isports pero pang-erotika… parang sa silid tulugan lang ang kwentong yon eheste ang mga pangyayaring iyon, ah basta kung ano man yon, dun yon.
Sa ka eng-engan ko, hindi ko alam na depende pala sa mga salitang ginagamit mo sa iyong blog ang mga taong sisilip din sa iyong ka-blagan. E nagkaron ba naman ako ng post na may titulong ‘Hubo‘. Tapos nga may pumasok pang mga salitang muntik na talaga akong mabilaukan. At dahil di ko sya ma-eksplika sa asawa ko, sempre nag-blog na naman ako. Kaya lalo dumami ang ganung salitang pumapasok sa blog ko. Basahin nyo dito kung anong salita yon.
Tapos ayan na. Dumating sa buhay ko ang seo contest ni kukote sa pinay scandal. Pinay scandal, iskandalosang Pinay, Pinay scandal sa Dubai, mga kwentong manyak… yan ang lumabas sa aking search engine nitong mga ilang araw. Nakakabaliw. Andami talagang mahilig sa iskandalo. E pati nga ako di maiwasang di ma intriga sa mga nakalistang pinay scandal sa google e. Nakakangati ng daliring buksan, kundi lang ako takot sa virus, waahhh. Bumigay bigla, intrigera rin pala.
Mabuti na lang ang aking pagiging hubo sa ‘A Topless Filipina in Europe‘ ay nananatiling top hit sa google, hehehe. Nagulat din ako ha. Akalain ko bang sa paglalaro ko sa nakakakiliting titulong yan ay nakatulong pala akong maiurong ang mga nagkakalat na mga iskandalosong litrato, video at kung ano mang kagimbal-gimbal na images ng mga pinay sa internet. Grabe talaga ang lakas ng hatak ng mga salitang ginagamit sa internet ano? Mabuti na lang maganda ang aking topless pose dun, waaahhhh
Meron din akong isang eksplanasyon tungkol sa bagong salitang ‘Queefing‘. Itong salitang ito ang talagang malaking scandal. Tungkol ito sa sinasambit ng parte ng katawan ng babae na nakakaintriga… na maaaring naririnig nyo na pero di nyo ma-explain; meron din kaya akong points sa google, hehehe. Basahin nyo kung gusto nyong may bagong namnamin na word of the day.
Kaya naman tuwang tuwa ako ng nung may naipit na ‘ganda pinay’ sa kagitnaan ng mga pinay scandals na search terms kahapon. Kasi naman maganda naman talaga ang Pinay di ba? O pwede ring compliment yan para sa akin talaga, ehem! Ah basta, maaliwalas ang dating ng ganda pinay kesa sa mga ibang pumapasok na salita.
Nakapahinga ang aking mga mata…at ang aking damdamin eklachuvavu.
Yesterday
| Search | Views |
|---|---|
| pinayscandal | 13 |
| PINAY SCANDAL | 4 |
| www.pinay scandal | 2 |
| pinoy scandal.com | 2 |
| ganda pinay | 2 |


hehe. hindi ba pwedeng maglagay ng ads dito? yung pinay scandal blog post ko, nilagyan ko ng lingerie ads from widgetbucks. patok! dami nagkiclick, kasi, mga sexy ang picture, di nila alam, pagclick nila, bebentahan sila ng lingerie. hehehe.
kengkay: waaahhh, di pwede ads dito ng kaseksihan dahil baka madokleng mga anak ko
Comment ni marhgil — Nobyembre 14, 2007 @ 6:38 umaga |
Aaaahhhh… ganun pala yun!!!! Hehehe… Kaya pala nung gumawa ako ng entry noon tungkol sa hook-up ng kaibigan kong bading, puro malibog na bakla, libog cubao, etc. ang lumabas…
Although on second thought, tungkol nga naman sa kahalayan yung entry na ‘yun… LOL!!!
kengkay: kita mo na, we are learning together. malay ko bang ganun pala ang drama sa internet, hehe
Comment ni Lenggai — Nobyembre 14, 2007 @ 9:12 umaga |
grabeh naman puro scandal hahahaha…. buti nalang sa akin wala pa kong nagagamit na mga hubo hubo hahahaa
kengkay: kaya mag ingat ka sa mga chika mo, kung chaka — ma chuva ka rin, hehehe
Comment ni Rhapsody — Nobyembre 15, 2007 @ 5:21 umaga |
Nice blog, is it a keyword contest? how can i registered my blog? Regards…
kengkay: i click mo lang yung link ni kukote tapos i link mo lahat nung kasali dun sa post mo, presto, join ka na rin
Comment ni Pinay Scandal Fanatic — Disyembre 18, 2007 @ 3:28 hapon |
aaahhh.. now i learned something. ganun pala yun? waw. at meron din akong bagong word for the day! salamat sa impormasyon… hehe.. queef queef. LOL. sori, masyado akong natuwa sa queefin’ e. nyehehe
kengkay: bakit ang layo ng narating mo para lang maghanap ng word of the day, hahahaha
Comment ni aKDa — Mayo 30, 2008 @ 1:29 umaga |
….yan ang nagagawa ng makabagong teknolohiya..
Comment ni barquera — Hulyo 24, 2008 @ 1:17 umaga |
gumawa kaya ako ng scandal ko no? bebenta kaya?
Comment ni taps — Agosto 16, 2008 @ 9:13 umaga |