Kwentong Kengkay

Nobyembre 14, 2007

Belat ka din

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Dito sa Amin,Hmmp — kengkay @ 4:52 hapon

Asar na nga si kengkay dahil mukhang bibigay na talaga itong aming computer na halos tatlong taon pa lang ang serbisyo sa amin tapos biglang may pumasok pa na nag search sa site ko at ‘belat’ daw? Harrrrummmmp!

Pwes, belat ka din. Waaahhh. Ka-asar, panay reboot na lang itong computer namin. Buti na lang bumili kagabi ng USB stick itong asawa ko at sa tulong ni def ay na save ko pa yung mga importanteng data bago tuluyang bumigay.

Tapos balak ko pa sanang mag-save ng photos dun sa facebook ko ng biglang umayaw na lang ang computer ko. Tigok ang chikahan namin ni jeangr3y. Babush ang asaran naming nung aking sisteraka. Wiz. Wala na. Babush.

mimi-teeth-092.jpgIniwan ko na sya sa kanyang huling hantungan. Bahala na si Batman. Pero sana may dumating na mag-aayos sa lalong madaling panahon. Kaya lang alam nyo naman dito, mas mahal pa minsan ang serbisyo at ang spare parts, kaya ang resulta: bili ng bago. Sabi ko nga kay jeangr3y, kung online ang diskarte, di lang ang service ang may bayad kundi bawat sekundo ng telepono ay tumatakbo rin. Kahit na ikaw na nga ang costumer, ikaw pa taya sa lahat. Hanu ba yan.

Ayaw ko ng buksan at baka sumabog pa – ang utak ko sa asar, hmp. Kaya eto, andito ko sa nokbuk. Imagine, kung di pala maaga ang pasko ko at ibinili ako ni kengkoy nitong nokbuk e ibig sabihin pipi ang kengkay sa isang sulok ng mundo ngayon. Walang computer, walang blogging, walang blog-hopping, walang online shopping, walang WPP-ing, walang PMNing, walang PMN:Home and Garden-ing…. ang saklap ng mundo. Hindi ko kayaaaaaa…

Kayo, kaya niyo kaya?

Mga Puna »

  1. Buti na lang may nokbuk! Malay mo, sorpresahin ka ulit ni Hubby mo, bumili na agad ng bago! :)
    kengkay: arrrgh, wait and see ang beauty ko kasi nag iipon na rin kami para sa pinas, tapos pasko pa sempre, haysss, daming gastos…

    Comment ni Kiko Matsing — Nobyembre 14, 2007 @ 11:34 hapon | Tugon

  2. ay nku wag gnun… bad yon…. mamimiss ko si kengkay nun pag ngyari un.. buti nlng naimbento ang nokbuk.. pag pray over natin kaya si kengkoy mo n bumili ulit ng bago? watchatink?
    kengkay: mag pray mo na manalo ako sa lotto kahit hindi tumataya, ahahaha… 14 milyon euro ang give away ngayon

    Comment ni dhez — Nobyembre 15, 2007 @ 4:28 umaga | Tugon

  3. buti na lang at maaga ang pasko mo ate kengks, nasense siguro ni hubby mo na may I die na ang puter niyo. ;)
    kengkay: sana mahimasmasan pa itong computer namin dahil andun ang mga topless photos ko e,hhehehe

    Comment ni jojie — Nobyembre 15, 2007 @ 4:38 umaga | Tugon

  4. waaahh sad ang life kapag wlang computer.. na-sense na yata ni mr. kengkoy ang mangyayari heheh.
    kengkay: kakabaliw talagang isipin ano? bigla nga akong mag search kung san may pinakamalapit na internet cafe dito sa amin e, hehe

    Comment ni Rhapsody — Nobyembre 15, 2007 @ 5:25 umaga | Tugon

  5. hahaha. that happened to me once, never had time to save my files
    Ganda nitong site nyo. add ko po kayo sa blogroll ko. (ang dami kong nailagay na PO. masyadong ipokrito ang dating hehehe.
    kengkay: salamat po sa mga popo, hehehe… alam mo, bakit di ako makapasok sa site mo? ibang site ang lumalabas na tungkol sa mga kabayo at prom dresses… hmmm

    Comment ni iceyelo — Nobyembre 15, 2007 @ 7:02 umaga | Tugon

  6. hmmm… kung mangyayari sa akin ngayon yan, mapapatakbo ako sa gate, mamanikluhod sa ilalim ng malakas ulan at sisigaw ng: “NOOOOOOOOOOOO!!!!!”
    kengkay: halam mo, isnowing ngayon ditech e, baka kapag naging ganyan drama ko e nadulas na si kengkay at nawalan ng malay tao… ahahahaha

    Comment ni Lenggai — Nobyembre 15, 2007 @ 8:01 umaga | Tugon

  7. akin na yang monitor mo kengks hehehe kakainggit :D e yung laptop nga namin bumigay na mag 3 years palang this december hahay… kakainis ang ibm grrrr…. monitor :D
    kengkay: anong klaseng mga quality ba yang mga lintek na computers na yan, hmp? imagine, tatlong taon pa lang e deadbol agad. at di yan chipipay or chop chop ha. mabuti nga kung chipipay at chop chop, di ka manghihinayang di ba… kainis, hmp. gusto nga ni def bitbitin ko daw sa pinas i pa repair, waaahhh… edi di na ko maka shopping nya sa divi, hehehe

    Comment ni S3lv0 — Nobyembre 15, 2007 @ 8:07 umaga | Tugon

  8. parang gusto ko ipakopya sa family carpenter yung table mo, ang ganda’
    kengkay: jon, chipipay lang yang table na yan. kaya yan ang napili namin kasi kasya sya sa corner, corner table baga, kung saan nakatambak ang aming computer ngayon :)

    Comment ni Jon Cabron — Nobyembre 15, 2007 @ 10:44 umaga | Tugon

  9. sayang naman pc mo ate kenks… buti na lang me nokbuk! akin na yung pc table moooo hehehe…
    kengkay: hmmmm *nagisip

    Comment ni Banana — Nobyembre 15, 2007 @ 1:57 hapon | Tugon

  10. sayang naman pc mo ate kenks… buti na lang me nokbuk! akin na yung pc table moooo hehehe…

    waaa mukhang Dell ang pc mo ah. tama ba? :D
    kengkay: di ko alam kung ano taktak nung pc ko e, hehe. yung table sige, basta puntahan mo dito, weeeee

    Comment ni Banana — Nobyembre 15, 2007 @ 1:58 hapon | Tugon

  11. uyy mahirap mawala sa sirkulasyon ang pinaka masugid na nanay blogger na nakilala ko..hehhehhe…buti na lang may nokbuk. sana ako mag ka nokbuk.

    hindi ko din keri ang mawalan ng computer at internet. nakaka init ng ulo yun. lol
    kengkay: mababaliw ako, pramis,kapag nawalan ako ng ka chika, eto yata ang aking social life, waaahhh. pathetic ba :)

    Comment ni chuvaness — Nobyembre 15, 2007 @ 5:11 hapon | Tugon

  12. ate di pa naman ata kalumaan pc nyo ah, eh family computer nga po namin 7 years na ok pa rin, paalala lang po palagi ng tatay ko eh hugutin sa plug sa gabi pra daw makapagpahinga naman.
    baka naman po meron lang piyesa na kailangan palitan/
    kengkay: toni, waaahh, yun na nga e. kung piyesa lang ang papalitan, minsan mas mahal pa ang isang piyesa kesa sa isang buong computer… ewan ko ba dito sa mga industrialized countries, sa sobrang pagiging industrialized nila, panay update ang gawa nila, kaya ayun, yung mga lumang gamit, wala ng mahanap na piyesa at kung meron man, milyones ang halaga na ang best choice e bumili na lang ng bago. samantalang sa atin sa lahat ng kanto may repair shop at daming spare parts, hayyy

    Comment ni toni — Nobyembre 16, 2007 @ 12:32 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers