Dahil sa garapalang nangyayari sa pagiging commuter sa Pinas ay bigla kong na-alala ang isa sa mga naging highlights ko as commuter kengkay. Ang holdap! Oo, si kengkay ay naholdap kasama ang isa sa mga bespren nya at ang mga iba pang malas nung isang gabing kami ay sakay ng isang airconditioned na California Bus. Yun yung kulay dilaw na bus na ang biyahe ay Monumento-Baclaran.
Mga mid 90s nun, mag alas onse ng gabi. Ang lakwatserang si kengkay, imbes na umuwi sa bahay, dumaan lang sa bahay para kumuha ng damit dahil mag-overnight dun sa aking kaibigan na nakatira naman sa San Mateo. Take note, may opis kami sa Old MIA kinabukasan ha, pero ang overnight ko sa San Mateo. Parang walang logic kundi dahil lang sa lakwatsa di ba?
O ayan, dahil sa kati ng paa, sakay kami ng bus papuntang Cubao. At ang napala namin? Holdapan. Anak ng tokwa, naka short shorts pa naman si kengkay. At asa daliri ko ang kumikinang na singsing na bigay nung aking soulmate. Naalala ko, may dalawang dayuhan pa nga na naka-upo sa may bandang unahan. So ayan, halos puno din ang bus. Dapat na sa may Crossing ibabaw dumaan ang bus, pero biglang dumaan sya sa ilalim at dun nangyari ang karindi-rindi…
May tumayong mamang kasing liit ko (mga 4’11 yon ha) sa may bandang unahan ng bus. At nilabas ang kanyang mala uzi na sandata at sabay sabing ‘holdap to’. Kitang kita ko kasi asa harap ko si pogi e. Feeling ko e asa pelikula ako. Kasi parang ganun ba yung napanood ko. At sempre, nagtayuan na rin ang mga kasabwat nito. Aba, ang ganda ng mga posisyon nila sa buong bus. Talagang kami ay napapaligiran.
Ang holdaper na asa unahan ay tinutukan ng baril ang driver. Sa may bandang huli ay lumilibot na ang mga hunghang. May mga dalang bags at kung wala mang dalang bags ay nang-agaw sila ng bags na may bags. At sinabihan ang mga pasahero na ilagay dun ang mga wallets at mga alahas nila. Si pogi naman sa may bandang unahan, binigay ko agad ang singkwenta pesos ko na asa bulsa ng aking short shorts. Sabi ko, ‘o eto lang pera ko.’ Totoo namang yon lang pera ko, sa bulsa. Pero yung wallet kong dala ay naipit ko na sa ilalim ng legs ko at ang aking kaliwang kamay, kung saan dun nakasabit ang mga nangingintab na singsing at relos ko ay inipit ko na rin dun sa ilalim ng legs ko, kunyari ako ay giniginaw.
Ito namang kasama ko, nangatog talaga agad. Ibinigay ba naman ang wallet nyang mas mahal pa dun sa perang nakaipit dun. Hay, sa inis ko sa kanya eto ang nangyari:
‘Pogi, pwede bang hingin ko yung wallet nung kasama ko? Kunin mo na lang yung pera sa loob, ‘ sambit na pakyut ni kengkay. Aba si pogi, mukhang nasilaw sa short shorts ni kengkay (buti di nya nakitang kumikinang ang tenga ko dahil suot ko ang bagong bigay sa aking gintong earrings ng nanay ko) at ang sabi ay ‘o sige, eto (binigay yung bags na kung saan andun ang mga nakurakot nila) hanapin mo kung asan dito yung wallet ng kasama mo.’
Wagi ang kengkay. Halunggkat ako at sa madaling panahon ay nakita ko ang wallet, kinuha ang pera, inabot kay pogi at balik ang wallet. Aba, sunuran na ang mga ibang kasama namin, sila din daw kunin nila yung wallets nila. Tumango naman si pogi, pati nga yung may ari nung sport bag na estudyante nagmaka-awa rin na ibalik yung bag nya kasi andun lahat ng libro nya e. Sempre medyo nagkagulo sa karapan, e hindi naman pala si pogi ang lider, kahit na sya ang may hawak ng uzi… biglang sumigaw yung asa likod ng… ‘itigil nyo yan’.
Ooops, edi tumigil kami. Natawa ako na medyo kumabog dibdib ko kasi ang feeling ko ng oras na yon e parang napagalitan pa si pogi. Aray, baka mag resbak kay kengkay. Mabuti na lang bumilis na ang takbo ng bus at umakyat na ito galing sa ilalim ng tulay. Ayun, dun na nagtakbuhan ang mga lintek. May sumunod na isang mama at habol naman ng isang babae… yun pala, may pulis pala kaming kasama. At nadali nung mga lintek ang kanyang baril. Ewan ko na kung anong nangyari sa habulang iyon.
At least dahil sa kakulitan ni kengkay ay may mga nabalik na wallets, di ko lang alam kung nakuha nung estudyante yung bag at mga libro nya. Hinatid kami ng bus sa may presinto sa may EDSA na malapit sa Cubao. Sa dami ng taong naholdap, limang tao lang kami na bumaba para mag report sa pulis. Kasama dito ang dalawang puti na minalas din. Yung iba, wala lang. Deadma. Ang sarap ialog ng mga lintek… sila na nga ang hinoldap, deadma pa rin.
Sempre describe namin ang mga hayup at ang numero unong napansin namin? May mga putok ang mga holdapers! Pagkatapos nun, mga ilang araw lang ang lumipas, nabiktima ulit ang isang kasamahan namin sa opisina. Kasama rin sya sa mga naholdap sa loob ng California Bus, at ang mga holdapers? May mga putok din.
Maganda ang ending nitong istorya ko kasi nahuli ang mga holdapers na ito na tinaguriang Putok Gang. Nahuli sila dahil sa tindi ng amoy nila. Nahuli sila dahil hindi sila naligo. Nahuli sila dahil masamang tao sila. At ang matindi ron, nahuli sila dahil sa hindi utak ang gumagana sa kanila, kundi ang kili-kili nila. Hambaho talaga. Habang sinusulat ko ito ay naamoy ko pa rin sila ano, hmp!
Notice: Ito ay totoong kwento, pero wag na wag ninyong gayahin ang ginawa ko na magpakyut sa holdaper.


ahahahahahhaa…anak ng mga PUTOK GANG YAN OH! tawa ako ng tawa. nung una akala ko ACTION eh…bandang huli…comedy! hahahahha
habang binabasa ko, na iimagine ko ang amoy ng mga holdaper na yan…hahhahaha! anobeh mami keng! ang kulit.
kengkay: sa totoo lang, kaya din siguro walang nagkaron ng iyakan or dramahan sa bus dahil halos lahat kami e na shock dahil sa amoy nung tinaas nya ang uzi nila at ang kilikili nila
Comment ni chuvaness — Nobyembre 16, 2007 @ 6:44 hapon |
ang baho ng putok gang, naimagine ko na. haha. naholdap din ako minsan sa aking buhay, ate kengks. kami ng bespren ko ay naglalakad sa University Avenue sa UP Diliman, 7PM palang yon. tinutukan kami ng malaking kitchen knife ng mamang holdaper. tapos sabay sabi na kamamatay lang ng lola niya at kailangan niya ng pera pampalibing. tapos binigyan ko siya ng P50 ata, yung kaibigan ko din nagbigay ng ilang tag-bebente. niyakap niya ang bespren ko. haha. afraid.
hindi ko napansin kung may putok ang holdapers namin. open air kasi.
kengkay: mas nakakatakot naman yon… imagine dalawa lang kayo. hayyyy… minsan pwede naman daanin sa pakiusap e babanatan ka pa ng itak o kutsilyo, hanu ba yun. mabuti kamo walang putok, kundi baka iba naging reaction nyo, weee
Comment ni pao — Nobyembre 16, 2007 @ 7:12 hapon |
nyahahahaha!! Kengkay ka talaga! biglang nawala lungkot ko, sa lahat ng hold-up-an ito ang wagi talag a, as in!
Idol kita kengkay!
kengkay: mabuti naman at nawala ang iyong lungkot… pero sa totoo lang, hindi ko rin mawari kung papano ko nagawa yon. siguro naka-inom din ako ng konti, total calmness ang dating e. hehehe
Comment ni thess — Nobyembre 16, 2007 @ 8:15 hapon |
Hahahaha putok gang? Meron ba sa atin dati nyan? It’s weird, naholdap din kami sa may Cubao. Syempre pramdaprabins kami, we got so scared so bigay agad ng mga pera at relos (swatch lang yun na plastic napag interesan pa). Some of the women were crying sa takot. Niliko kami sa may bandang madilim. Akala namin nasiraan lang yun pala, TAAS ANG MGA KAMAY.
So totoo pala yung mga nakikita namin sa pinoy movies nun, may mga GANGSTER talaga sa atin na nakakainis. Buti kamo, yung mga libro ko di nakuha or else, multa ang abot ko sa Library.
kengkay: sa amin walang masyadong dramang nangyari.. kasi nga baka sa lakas ng putok, natahimik ang lahat. mabuti nga walang masamang nangyari sa inyo di ba
Comment ni K — Nobyembre 16, 2007 @ 8:39 hapon |
moral lesson, kailangan naka-short-shorts pag hinoholdap para effective ang pagpapa-cute?
grabe, sino ba naman sa atin ang hindi pa nabiktima ng holdaper, slasher, snatcher, at manyak sa pampublikong sasakyan sa pinas? haay talamak.
kengkay: talamak, tama ka dyan. pero sana magbago na ng pakonti konti, ang nangyari e lalong lumalala yata e
Comment ni Meeya — Nobyembre 16, 2007 @ 8:58 hapon |
grabe.. mapapanaginipan ko ata ito..nakakatakot *sob*
kengkay: oops. wag ka na matakot…*hawakan ko kamay mo… nahuli na ang mga putok gang
Comment ni rubygrace — Nobyembre 16, 2007 @ 9:00 hapon |
ano na kaya sila ngayon naligo na? hehehe
sa awa ng diyos eh snatch lang naman akin naranasan sa Pinas at laslas bag pa pala! mga bizit! pero pansin ko rin hindi rin naman nagtatagal mga pera hindi pinag paguran kaya til now mga hunghang na yun eh hunghang pa rin hahaha mga poor pa rin:)
kengkay: tama ka dyan mareng cheh… wala kasing patutunguhan kapag hindi galing sa matinong paraan ang pera di ba
Comment ni cheh — Nobyembre 16, 2007 @ 10:14 hapon |
Uy delikado nga yung ginawa mo, mabuti na lang medyo mabait yung holdaper at isinoli yung wallet ng kaibigan mo. Paano kaya sila nahanap ng mga pulis? Ipinaamoy siguro sa mga police dog kaya nahuli! Hehe!
kengkay: ay naku, kahit kamo hindi kamitan ng aso, amoy na amoy sila, hehehe
Comment ni Kiko Matsing — Nobyembre 16, 2007 @ 11:04 hapon |
KENGKS KNOWS HOW TO USE HER CHARM
dapat yan ang taytol nitong post mong ito ate kengks. hahahaha!
kengkay: weee, tama ka dyan
Comment ni jojie — Nobyembre 17, 2007 @ 12:25 umaga |
naku magaya nga,,,makapag suot lgi ng short short .nyahaha.hamisyu ate kengks
kengkay: baka mabatukan ka ng asawa mo, magtino ka, hehe. miss yah tu
Comment ni katherine — Nobyembre 17, 2007 @ 1:25 umaga |
mukhng ang putok gang ay di na kailangang magdala ng baril sa holdap. sasabihin lang nilang “pag di nyo ibigay ang mga wallet ninyo sa amin di kami bababa at itataas namin ang aming mga kamay”
kengkay: matindi talaga ang amoy.. buti kamo di kumapit, yakkkk
Comment ni S3lv0 — Nobyembre 17, 2007 @ 3:14 umaga |
ibang klase talaga si ate kengs! ang lakas ng loob mang-arbor ng wallet sa may hawak ng Uzi, hehe… buti na lang may putok sila kaya madaling nahuli, hehe. ambantot umabot dito!
kengkay: kitams, ang lakas talaga ng amoy.. hehe kaya naman lumakas din ang loob ko, am sure isang spray lang ng ax deo e tupok agad sila,
Comment ni MisyeL — Nobyembre 17, 2007 @ 4:25 umaga |
shucks! buti te kengks nilagyan mo ng disclaimer, kung hindi gagawin ko rin yung ginawa mo! haha! bobo ako sa ganyan eh. alam mo ba, dati, muntik na akong ma-isnatchan sa tulay dun sa palengke ng baguio, imbes na sumigaw, tiningnan ko lang yung snatcher habang dahan-dahan niyang bimubuksan bag ko, tapos sabi ko: “ay si manong, binubuksan bag ko…” kalmado pa yun ha… tapos dali-dali siyang umalis… shet. ganun ako kabobo sa ganyang sitwasyon!!!!
kengkay: ganun ka ka-kalmado, as in… para kang nanonood ng sine, hahahaha. gumising ka lenggai. gamitin ang pagiging kalmado sa mga ganitong sitwasyon at gawing daan para lutihin ang mga masasamang loob, ikaw si darna weeeee
Comment ni Lenggai — Nobyembre 17, 2007 @ 4:59 umaga |
sige ate kengs tatandaan ko lahat yan, ewan ko lang kung makapagsalita nga ako kung mangyari saken yan. tingin ko baka maging tuod ako, pero iisipin kita.
kengkay: hayan, sabi ko nang wag gayahin e, hehehehe
Comment ni toni — Nobyembre 17, 2007 @ 5:23 umaga |
waaaa naalala ko ang mga taxi drivers dito na lakas ang putok.
Astig ka ate kenks hehe..
kengkay: kasi sa pagkain yon di ba? pero naman, kung sa taksi tapos may putok, aray, mag lakad na lang ang beauty ko
Comment ni Banana — Nobyembre 17, 2007 @ 7:00 umaga |
kengkay, ‘got your email..fired na yung spammer ko, bago na bantay at hindi ka na bibigyan ng sama ng loob *lol*
‘will email you back as soon as i get the chance…happy weekend!
kengkay: hayy salamat naman, ilang beses ko pilit sinasagot yung tanong… wahhhh. sige antay ako sa chika mo
Comment ni thess — Nobyembre 17, 2007 @ 8:48 umaga |
warkwarkwarkwark. PUTOK GANG! hahahaha. Tyet.
kengkay: hambaho talaga
Comment ni Laarni — Nobyembre 17, 2007 @ 10:46 umaga |
haha ang kulet.. pero katakot ma hold-up ah.. Yun ngang nakakita ako ng maagawan ng phone sa harap ko eh sobrang kabado na ko at nanginginig sa takot yun pa kayang ma hold-up.. whoah.. buti na lang at hindi ko pa nararanasan yun..
kengkay: ingats lang angel… hindi simple ang ganyang karanasan
Comment ni angel — Nobyembre 17, 2007 @ 12:17 hapon |
sana pwede ring gawin sa cellphone ‘yun kapag hinoldap ka, ‘yung tipong sasabihin mong, “Kuya, akin na lang ‘yung sim card saka ‘yung palawit tapos sa ‘yo na ‘yung cellphone”.
kengkay: weeee, i try mo din… pero dapat gandahan mo pakiusap mo
Comment ni Joanne — Nobyembre 17, 2007 @ 12:53 hapon |
heheheh ate kengk! actually, in case nga na mangyari rin sa akin yan, na wag naman sana, ganyan din ang balak ko gawin…yun bang arborin na lang yung wallet ko or bag ko dahil andun lahat ng mga ids at mga pictures ng saints at mga personal kong gamit…e aanhin ba naman nila yun di ba?
pero bilib ako sa yo ate kengk! katapang na babaye!
i had a somewhat similar experience in 2005 naman along crossing in ortigas, sa tapat ng Megamall….nasnatch ang kwintas ko na nakatago naman sa haba ng hair ko! Teenager pa yung humablot while I was waiting for a bus….hayz! as usual, naging taong bato na naman ako…walang nagawa kundi mangatog sa takot at kaba…..
kengkay: i can relate naman sempre. imagine, sa dami ng tao tapos tago pa yung kwintas mo e napag initan pa talaga… ang mga amuyong talaga. ingat, tintin
Comment ni kristine sendy — Nobyembre 17, 2007 @ 6:01 hapon |
waaaahhh ang tapang mo naman hahahaha… nakuha mo pang hum,ingi ng favor hehehe
ayoko tlaga maranasan yang ganyan.. kaya noon sa Pinas lagi ako nakikiramdam.. paranoid ahaha… pero galing mo din magtago ng mga suot mong alahas hehehe..
kengkay: kasi naman mukhang sabog din yung mga mama e… hindi naman nila kita lahat nung galaw nung mga tao kasi kabado rin sila e… kaya siguro din ang lakas ng putok dahil sa kaba nila
Comment ni Rhapsody — Nobyembre 18, 2007 @ 7:08 umaga |
bwahahaha! grabeyshus to da maximum leveleshus ang holdap story na too! hahaha! panalo kilikili story ever! ansaya saya!!! ako? hinoholdap din ako, pero at least kilala ko lahat nang nanghoholdap saken. yun bang kukupitin na lang lahat nang laman nang wallet ko!
kengkay: wehehehehe, iba namang holdap yan… yan ang holdap na ibibigay ko sa yo ang puri ko pati na ang alindog ko basta akin kaaaaahhh
Comment ni reyna elena — Nobyembre 19, 2007 @ 6:07 umaga |
panalo ka talaga sa kuwento Keng! nakalimutan ko na yang holdapan nagyari sa inyo ni T. Naku dito sa mga subdivisions rampant ang snatchan ng cellphone, salisi gang, carnap and holdapan, everywhere you go kahit sa street namin.
sira ang pc kaya walang chat e.. neks wik baka tapos na. miss yah, prend! ingats
kengkay: hi der pader
Comment ni elaine — Nobyembre 20, 2007 @ 9:52 umaga |
hahaha naalala ko nung minsang nanigas sa jeep ang kaibigan ko at itinaas niya ang kanyang kamay sabay pikit ng mga mata sa takot sa isip isip sana hindi manakit ang holdaper. Matagal na nakataas ang kamay niya pero wala naman siya iyang naririnig na “commotion” kaya’t binuksan niya ang kanyang mata (nakataas pa rin ang kamay niya) pag tingin nya sa tabi niya kung saan akala niya nakatutok ang isan patalim. Dulo lang pala ng plastic envelope ang nakatutok sa kanya ng hindi sinasadya na estudyante. Maliban dun sa driver at sa estudyante na walang kamalay malay sa nangyayari…lahat ng tao sa jeep nakalingon sa kanya at nagtataka kung bakit siya pumikit at kung bakit niya itinaas ang kanyang kamay. hahaha hindi ko pa rin makalimutan yun!
kengkay: aray ko, panic naman yun, hahaha
Comment ni Enid — Oktubre 29, 2008 @ 12:06 umaga |
[...] ba nga nung naholdap si kengkay sa bus sa maynila e cool lang din ako? basahin si kengkay at ang holdaper dito. tularan ang mga cool na katulad namin, [...]
Pasa ni itatanong ko sa boss ko « Kwentong Kengkay — Pebrero 9, 2009 @ 10:44 umaga |
Ganyan dapat lagi tayo habang hinoholdap. May presence of mind at laging nagpapacute sa mga holdappers. Anong malay mo mabalatohan ka pa. Pero sa totoo lang dapat ay maging maingat tayo kapag nasa akto tayo ng holdapan dahil karamihan sa mga iyan ay bangag at walang kiyeming pumatay ng tao. Pero kung talagang gipit na, ipitin mo siya ng iyong arm doon malapit sa kilikil nang di na siya makahinga, hehehe.
kengkay: hahaha, pero minsan kasi depende na rin kung anong sitwasyon ka talaga napunta e. kung yung holdapers maligalig sempre ibang drama na non
Comment ni Colegiala girl — Pebrero 9, 2009 @ 10:57 umaga |
ms.kengks short shorts talaga hehehe. ang cute mo siguro nung time na inutakan mo yung holdaper hehe. buti nga sa kanila!
kengkay: feeling pakyut talaga ako, at ewan ko ba kung ano pumasok sa isip ko at ginawa ko yun, at least meron akong makwento di ba, hahaha
Comment ni dencio — Pebrero 9, 2009 @ 11:17 umaga |
hahaha ngayon ko lang nabasa to…hindi ako makarekober. Bwahahaha.
Parng sitcom lang o comedy movie..totoo ba to mami kengks?! Asteeg ka talaga!
kengkay: tunay na buhay to, dear. naka-log yan sa presinto sa QC, hahaha. ikukwento ko yan pati sa mga apo ko, hahaha
Comment ni Heleyna — Pebrero 9, 2009 @ 8:49 hapon |
grabe noh?! ang sasama tlga mga taong ganyan! wala silang mga kwenta!
kaya dapat, mag ingat ingat na..hirap na ngayon..
kengkay: alam mo kinilabutan ako dun sa istorya mo, mabuti na lang may kasama ka na naging suporta mo din
Comment ni mayyang — Pebrero 9, 2009 @ 11:43 hapon |
ang kulet nga ako hindi hold up nang yari sakin first nalaslasan ako ng bag celphone ang nakuha skin second nanakaw din celphone ko hehe…hays..
kengkay: hay ako nalaslasan din ng bag pero nahuli ko bago ko nya nakuha ang gusto nya
Comment ni anakngpating — Pebrero 10, 2009 @ 3:37 umaga |
ha ha kengkay tawa tawa ako ng tawa while reading your blog,alam ko naikuwento mo na ‘to sa amin pero naaliw talaga uli ako when i read it again. nakuha na ba ni MC yung padala kong Valentine’s card?
kengkay: hi ninang elaine, alam mo rin siguro kung sino kasama ko nung naholdap kami ano, hehehe. uy tenks, kahapon lang dumating yung card. tuwang tuwa si MC. sa sunod daw ulit, hahaha
Comment ni elaine — Pebrero 12, 2009 @ 7:58 umaga |
ang tapang ni mami kenkgs! mabuti na lang nothing violent happened inside the bus ‘no. yung cousin ko kc na babae binaril nung holdaper yung katabi niya sa jeep at sa kanya natumba yung mama. umuwi siya na pulos dugo ang damit. buti hindi na-trauma e kakaluwas lang niya sa manila for college.
Comment ni Bem — Pebrero 15, 2009 @ 4:44 umaga |
grabe… kengkay ang kulet ng istorya mo pero peste… ayokong makaranas ng ganito… Kahit sino naman sigurong tao eh ayaw na ganito..
Mga pesteng holdaper yan…
Comment ni edikenkoy — Hulyo 15, 2010 @ 10:08 umaga |