Pag bata talaga, ang bilis remesbak kapag galing sa sakit. Itinulog lang nya halos ang buong Saberdey. Gigising para uminom ng tsaa at kumain ng biskwit. Tapos nung hapunan na, talagang naglatag kami sa sala para naman ganahan din sya kumain. Ayun, konting sopas na may noodles at hinaluan ng kanin…kumain naman kahit konti. Ang talagang nilantakan nya ang dalawang mansanas at mga ubas.
Antay nga ako kinagabihan kung bibigay ulit, pero wala na… tuloy tuloy ang tulog nya. Si nanay kengkay naman ang walang tulog kasi sempre, bawat balikwas nung anak ko e bantay ang drama ko. Pero okay na sya ulit. Salamat sa mga ka-blag ko na nagdagdag ng TLC. Ang saya talaga. Parang ang dami kong katu-katulong sa tabi ko kahit na asa malayo kayo.
Pati ang aking mga in laws, medyo okay na rin. Naghatid ako ng sopas sa kanila para sa hapunan. Pinagmaneho ako ng asawa ko papunta sa kanila. Mahirap naman bitbitin ang sopas na mainit ng halos sampung minuto lakbay di ba? Ang lamig pa naman dito ngayon. Sempre, sabi ko kay kengkoy e siguraduhin muna naming buhay pa ang mga matatanda bago nya ako iwan. Oo, diretso ang taktak ng dila ko… e kung kayo kaya ang asa lagay ko? Ay, pwede ba…
Natawa nga si kengkoy nung sinabi ko yun e. Sempre nung nakita naming buhay pa ang matatanda, balik agad sya sa bahay. Kasi naiwang magisa ang dalawang bulinggit. Yan ang hirap din kapag asa malayo e, walang mahatak na tagabantay agad. Mabuti kamo dumating na ang aming mga tenants na umuupa sa ibaba namin, kaya rin pwedeng iwan ang mga bata kahit na limang minuto na mag-isa. Actually, kung walang maiiwan sa kanila, kakalabit ako sa isa sa mga ka YM ko kung pwede i-babysit ang mga little kengkays per webcam
So anong ginawa namin ngayong maghapon? Eto…



waw snow!! ambilis naman… mag gegetwell palang ako kay bunsoy at papadalhan ko sana ng lollipop, magaling na agad…
kengkay: am sure kapag sinabi kong may lollipop e mag da-drama ulit yon, eheheeh. tenks por da tot
Comment ni defpotec — Nobyembre 19, 2007 @ 1:23 umaga |
waaa,, snow.. ^_^
buti magaling na po ung mga kiddos, nakapaglaro na rin tuloy sila sa snow..
kengkay: buti nga karmi mabilis syang gumaling… kundi tunaw agad yung snow, hehe
Comment ni karmi — Nobyembre 19, 2007 @ 1:26 umaga |
salamat naman at magaling na ang bunsong kengkay. pero ate kengks pwede ko magbaby sit ha. may I sit lang kami.
kengkay: hindi ko nga maintindihan kung bakit babysitting ang tawag sa isang trabahong walang kinalaman sa sit, hayyyy
Comment ni jojie — Nobyembre 19, 2007 @ 3:05 umaga |
Galing talaga ng Super Mommy Kengks! The best mommy in the world! Pero inggit ako sa snow. Huhuhuhu….Tsalap tsalap sa snow.
salamat ng maraming marami. wag ka na mainggit sa snow, just make sure na hindi illegal yung recruiter mo para makalipad ka na dito sa may isnow…
kengkay: pinataba mo naman ang puso ko sa iyong compliment, lav
Comment ni Ambo — Nobyembre 19, 2007 @ 4:05 umaga |
my white christmas! n pla s pinas hehehe!! buti magaling n ang bunsoy!!!! galing mo mommy.. sama ako sa snow!!!
kengkay: hi repah… paki bato naman sa akin ang iyong blog URL para mabisita kita.. pano kita masama sa snow nyan, hehehe
Comment ni repah — Nobyembre 19, 2007 @ 4:36 umaga |
mi kengs,hindi ka nagiisa! yung maldita ko rin dito may sipon at ubo.Buti naman ok na si bebe mo! purwesyo anoh? hayy
aga aga to monday pa,may tag ka! hahaha
have a lovely week kengs! sana sing lably natin acheechee:D
kengkay: lably na talaga, at kasing lably natin sempre… salamat sa tag, weeeee — natabunan na ako ng tags, hehe
Comment ni cheh — Nobyembre 19, 2007 @ 6:01 umaga |
magaling na ang baby kaya pagawa-gawa na lang ng snowman… kainggit naman
kengkay: lakwatsa time kasi linggo e
Comment ni Rhapsody — Nobyembre 19, 2007 @ 7:03 umaga |
sarap mag halo-halo diyan a:D
kengkay: mas masarap halo halo sa pinas. dito kasi may halong ebaks ng kung ano anong hayop ang yelo e, yikessss
Comment ni MARU — Nobyembre 19, 2007 @ 8:57 umaga |
I’m glad to hear everyone’s well on their way to recovery! Although mamu hindi man lang nabalitaan na nagkasakit sila. Sori ha at medyo na-busy ang friend mo. May webcam ka pala. Naku, chat tayo one time
By the way, please go to http://www.thegoddessinyou.co.uk/ and read the TWELVE MONTHS post. I have tagged you and that’s where you will find the rules. I look forward to reading your response to that meme. Do let me know please when you’ve done it. Have a good week!
joy
isang araw lang bumigay ang bunsoy ko… ngayon e makulit na naman… okay, may assignment ulit ako sa yo. gawin ko yan, pramis.
The Goddess In You
kengkay: huy, andyan ka na ba
Comment ni joy — Nobyembre 19, 2007 @ 10:07 umaga |
kengky… yaya… cook… nurse… pwede ako nyan kenks baka type mo akong iimport hehehe mabuti naman at ok na ang bubwit mo mas mabilis magrecover ang mga yan kesa mga matatanda.
kengkay: tama ka dyan, selvi dir. kapag bata mas mabilis mag-ipon ng lakas.. kung malapit lang kayo dito, am sure e import na kita, hehe
Comment ni S3lv0 — Nobyembre 19, 2007 @ 11:00 umaga |
yey!!! saya naman nun! isnowers!
glad ok na bebe mo te…
kengkay: salamat lenggai… naghanap kami talaga ng isnow ano, hehe..
Comment ni Lenggai — Nobyembre 19, 2007 @ 1:58 hapon |
waaaaaaaaaahhhhhhh..NIYEBEEEEEEEE
naiinggit ako. kahit minsan man lang sana sa lifetime ko eh maka experience ako nyan. hahahaha
glad your kid is ok na mami keng. lagnat laki yata yun ehehehhe
kengkay: am sure, dahil sa epektib social climbing skills na minana mo kay reyna ay makakakita ka rin ng isnow…
Comment ni chuvaness — Nobyembre 19, 2007 @ 8:58 hapon |
yikes, snow! isipin ko lang na kailangang mag shovel at mag de-ice, ayoko na. Glad bunso is better. Ingatan lang, baka mabinat.
kengkay: hehe megamom, mild winter lang dito sa amin. halos walang isnow, yang snow na yan e dinayo pa namin talaga sa bundok. bunsoy is ok, parang walang nangyari
Comment ni megamomph — Nobyembre 19, 2007 @ 11:33 hapon |
yey, magaling na si bunsoy! at yey, wala kaming snow dito hehe. di ko yan nami-miss kasi ako ang nagkakasakit pag may snow.
ako rin pwede magvolunteer magbabysit 
kengkay: uy mami meeya.. sige, kapag gawa na ang pc namin bigay ko sa yo YM ko, hehehe… virtual babysitter
Comment ni Meeya — Nobyembre 20, 2007 @ 4:41 hapon |
Tita baka lagnat-laki lang iyan
eniway, at least magaling na, ngayon ko lang nabalitaan. 
si kengkoy ba yun? bakit naka-sideview naman…
kengkay: naku, kumakalat ang sakit na stomache flu — ngayon naman e yung buong kasambahay ng aking sister in law ang bumigay, hayzzz… i hope walang tamaan ulit sa pamilya esp wag na ulit yung mga kids. si kengkoy parating naka side view kasi daw shy sya, weeee
Comment ni homebodyhubby — Nobyembre 21, 2007 @ 6:32 umaga |