Na tripol trit si kengkay… mahirap ang mawala ng kahit isang araw lang sa mundong blog kasi matatabunan ka ng tags, hehe.
Uunahin ko muna itong galing kay chuvaness na may hiling na handwritten tag on three things you are addicted to… na dahil halos kamukha sya ng hirit naman na tag na galing kay bluePJ na ‘three things I wont let go,’ e pag-iisahin ko na lang at kaya nga sila naging tripol trit!
1. Paniniwala — Kahit na si kengkay ay mas madalas magsimba sa Protestanteng simbahan dito sa Alemanya, kahit na suma-ilalim din sya sa mga pagbisita sa mga Budismong templo sa Thailand at naki-meditate ng husto kasama ng mga monks… matatag pa rin ang kanyang paniniwala. Ito ang isang bagay na hindi mawawala sa utak ko. Ito ang isang bagay na asa puso ko. Asa isip ko. Asa bawat galaw ko. At nais kong ilagak itong paniniwalang ito sa mga anak ko… sana makita nila ang kabutihang ibinibigay nito.
2. Pamilya — Katulad ni bluePJ ay may pagka-kapit tuko rin ako basta tungkol sa pamilya ang usapan. Isa akong loyalista. Kahit anong gawin mo sa akin, basta inangkin na kitang ka-pamilya, ka-puso, ka-ibigan — hindi mo na ako maitataboy pa. Andito ako, minsan tahimik pero kadalasan ay maingay. Actually, ang ibig sabihin ng pamilya sa akin ay hindi lamang tungkol sa dugong umiikot sa aking katawan, kundi pati na rin ang mga taong nag bibigay ng saya, lakas ng loob, kasama na rin yung nagbibigay ng konting lungkot pero nagiging dahilan para makataba naman ng puso…
3. Mundong Ibabaw — Adik ako sa mundong ibabaw. I cannot let go of the ‘mundong ibabaw.’ Sya ang aking kinagalawan. Sya ang ginagalawan ng aking paniniwala, ng aking pamilya. Nais kong manatiling maganda at masaya pa rin ang buhay sa mundong ibabaw para sa magiging apo ko. Sa mga magiging apo ng mga kaibigan ko. Sa mga magiging apo ko sa tuhod. Sa mga magiging apo sa tuhod ng mga kaibigan ko.
Medyo ang lalim yata nitong sagot ko sa tag na ito, kaya ang sunod kong blog will be about SEX
Abangan….
Teka bago ko malimutan, i-tag ko si iceyelo, si lenggai at si selvi dir… Ano naman ang inyong tripol trit.



achecheh! ang smart mo mami, naging two in one tag itetch. hahaha
korekness, bawal um-absent sa blogosphere kundi sandamakmak ang pending mong tag…hehehehe
kengkay: hay… napansin mo rin yun, matatambakan ka talaga. pero minsan ok na rin kasi pwede mong haluin, hehehe
Comment ni chuvaness — Nobyembre 20, 2007 @ 3:12 hapon |
Wagi ang tripol trit na ito ate Kengks! Isa ka talagang mabuting tao
Yung about sa sex aabangan ko yan, nyahahha!
kengkay: naku at talagang napansin ang sex na isiningit ko lang, hehehe
Comment ni MisyeL — Nobyembre 20, 2007 @ 3:45 hapon |
buti na lang di mo ako ni-tag kasi ika-copy and paste ko lang yung sagot mo
game game, ano yung sex?
kengkay: hmp, isa ka pa dyan, hehehe… mamya na ang sek sek
Comment ni Meeya — Nobyembre 20, 2007 @ 4:38 hapon |
misis makamundo hehehe ako nga natabunan din ng tag habang hiatus ako for almost 4 weeks.
pero teka lang ano talaga religion mo, buddhist o evangelisch?
napansin mo ring sunod sunod ang gibs ko ng tag ngayon, whew!
kengkay: ako po ay isang katoliko
Comment ni Beng — Nobyembre 20, 2007 @ 10:35 hapon |
Naku! Ang galing nang sagot!!! Winner! Masyadong malalim ever!!! HAHAHA
“PRESENTING! THE NEW MISS UNIBREAST!!!”
Ba’t nga ang daming tag ngayon? Inaatake ba nang ADD ang blogworld?! HAHAHAHA
tagal kong pinag isipan yang sagot ko ha, mga tri sekunds
kengkay: ehem, si kengkay nag bow ng mahinhin para di malaglag ng korona
Comment ni reyna elena — Nobyembre 21, 2007 @ 3:57 umaga |
makikidaan lang. di sana ako magkokoment pero may nabasa ako.
aabangan ko ang post mo na tungkol sa SEX.
haha!
kengkay: hanep, talagang nabasa yung pramis kong next na post, huh
Comment ni angelbert — Nobyembre 21, 2007 @ 5:27 umaga |
Hat’s off ako kay kengkay: isang mabuting maybahay at ulirang nanay!
iyan ang PINAY!!!
kengkay: salamat po
Comment ni homebodyhubby — Nobyembre 21, 2007 @ 6:39 umaga |
balik na lang ako magbasa para sa sunod mong post ateng! mas eksayted ako doon nyahaha
happy wednesday kengs!
kengkay: aha, isa ka pa sa mga ililista ko, hehehe. happy happy days din
Comment ni cheh — Nobyembre 21, 2007 @ 8:36 umaga |
wow, buti ka pa ntapos na ang tag mo, ako paktay ako kay chuvaness d pa nagagawa!! nyahaha! pero, ang lalim nga ng post mo, pero hindi kaya mas malalim ung susunod mong post? hihihi…
kengkay: sa sobrang lalim di ko mahugot, waaaahhh
Comment ni dhez — Nobyembre 21, 2007 @ 11:02 umaga |
UY! accepted na yong excuse slip mo. ASAN NA YONG SEX POST? AYOKO NUNG GAYA nang URI MO HA? AYOKO NUN. GUSTO ko you know… ahhh… YOU KNOW!!! HAHAHAHA!!!
kengkay: kung ganun ang gusto mo, e kailangang magbukas ako ng anonymus na blog dahil dami kong kwentong ganun… naging tambay ba naman ako ng boystown sa pattaya at sempre yung gay beach din dun, weeeeee… alam mo naman dito, isa akong mahinhin na pilipina… sa mga magbabasa nitong comment ni reyna elena.. hindi si kengkay ang sumasagot sa comment na ito ha
Comment ni reyna elena — Nobyembre 21, 2007 @ 11:54 umaga |
hahaha may linkie dinkie daw dito from my dashboard.. aayan na pala haha. Nice ate kengs. That three “kapit-tuko” items are really worth having. makes sense really. Thanks for doing the tag kapatid. Now I’ll be back to my review mode. dumaan lang para magpasalamat at magbasa ng kaunti.
PS. Faith lies on the heart of the believer not on the religion he/she is attending to… I really admire you on the number #1part. you are a person who cannot be swayed easily and really has convictions in matters of faith (whatever it maybe). I heart you for that. Few people nowadays have faith… and I’m glad I met a person like you who has tons of it *wink
Pax Et Bonum!
kengkay: i admire you, too. naks, admiran na lang tayo. good luck sa review ha.
Comment ni bluepanjeet — Nobyembre 21, 2007 @ 12:05 hapon |
Pareho pala tayo Mommy Kengks. Basta usapang pamilya walang kokontra sa akin.
kengkay: aba, dapat lang naman di ba? buti na lang am on your side!
Comment ni Ambo — Nobyembre 21, 2007 @ 12:28 hapon |
te… pansin ko, andami mong malilibog na tagasubaybay!!! lol!!! uy ano na yung pinag-OJT-han mo? hehehe!!!
naku, sasagutin ko yung tag mo this weekend ha, pramis!!!! nasa twilight zone ako ngayon eh… hehehehe!!!

ahahaha — ibig mong sabihin until now pinagiisipan mo pa rin kung saan ako napadpad? sa sanel neun = channel nine at sempe dahil magkatabing sanel lang sila e pati na rin sa sanel dreizehn = 13 — pa- asis asis kami sa mga shows nila. dun ako nakatapak ng pagkarami raming paa ng mga sikat na artista dahil ako e dating shy girl
kengkay: ehem, kasali ka ba dun
Comment ni Lenggai — Nobyembre 21, 2007 @ 1:14 hapon |
hi blogger, first of all thank you for publishing a nice blog like %BLOGINTITLE%. i actually hate the fact that blog writers these days focus more on making cash and fill their blogs with irritating ads.. i liked the way in which you’ve arranged all of the content here. are you on facebook or any social networking site. i would enjoy to connect with you and know you well. cheers
Comment ni Phelan Rogers — Abril 27, 2011 @ 11:36 umaga |