Kwentong Kengkay

tagalog chenes

365 Ways to Make Love

Paalala: Ito ay hindi lamang binabasa kundi ginagawa.

O ayan, di ba sabi ko mag post ako tungkol sa sex? Ayaw ko namang maging KJ, pero dahil ayaw ko namang maging xerex itong akong pampamilyang blog, kaya naman medyo lambingan natin ang titulo… dyaran… kaya naman roughly translated a eto na angĀ 365 Paraan Para Gumawa ng Pag-Ibig, weeeee :D

Eto ang mga tumpak na paraan para sabihin na ‘mahal kita.’ Isang kakaibang kayamanan na uunatin talaga ang inyong imahinasyon sa abot ng inyong makakaya o maaaring masĀ hihigit pa sa walang hanggan. Ito ang magiging paalala para sa iyo at sa inyong mahal na marami talagang matitinding paraan para ipahiwatig ang inyong pagmamahal, eto nga at nakalista ang 365 na paraan. Isipin nyo na lang, isang lambing para sa buong taon! Aba, walang ulit yon ha. Pa iba-iba talaga. Wow! Kung pwede nga lang na bunutan ang mangyari, edi mas masarap di ba? May konting sorpresa…

Ang 365 Paraan Para Gumawa ng Pag-ibig ay pwede nyong gamitin depende sa inyong kondisyon, depende sa lugar, depende sa oras, depende kung tag araw o tag ulan, depende kung alin ang gusto nyo. At sempre, hindi lamang ito para sa saradong silid… kung saan-saan man sya pwede gawin ay malalaman nyo rin. Oo, nakakakiliting isipin di ba? Epektib yan, pramis.

At paa-lala lang ulit, hindi ito binabasa kundi ginagawa. Yan ang hirit nung kaibigan kong matalik na nagbigay ng hot tips na ito kay kengkay. Ready na ba kayo? Pwes, eto na sya:

books-001.jpg

Ayan… galeng di ba? Parang bago pa yan. At eto ang isang halimbawa ng asa pahina na kikiliti sa inyo, basta ko lang sya binuksan randomly ha, (halata bang ganun ang tamang pag-gamit sa librong eto, hehe)…

books-002.jpg

Okey, natapos din ang aking blog tungkol sa sex :D

P.S. Kung gusto nyong hiramin ang librong ito, magpadala lamang ng self addressed envelope na may nararapat na selyo. At kung gusto nyo naman ng kopya, magpadala lamang ng xerox machine, weeeee :D

Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Aruuuhh, Hmmmm, Kaibigan, Palaway, Patukso, Trabaho Lang

26 Responses

  1. alphasensei ay nagsabing:

    haha xerox machine. pakiblog na lang po ang pinakamalupet na paraan! :p
    kengkay: aha, ikaw unang bisita sa 365 ways, dahil dyan ay pagbibigyan kita :)

  2. megamomph ay nagsabing:

    uuuy… 2nd commenter pa lang ako… hoy! pa-lurk-lurk pa kayo diyan, kunyari pa kayo! hehe, ma-try nga yung mga sampol na nasa thumbnail na ‘yan.
    One more comment: my pren, kelangan mo ng manicure (ahahahah) :)
    kengkay: megamom, dahan dahan at baka maging universemom ka na, ahahaha… pssshh, wak ka maingay dun sa manicure, dalawang beses na ngang nalimutan ko yung appointment ko sa aking beauty consultant ekek e… napagalitan na nga ako e… alam mo naman si kengkay, mas fresh kapag natural, :) sa totoo lang, hindi pa ko na ka try magpa pedicure or manicure.. pramis yan!

  3. Rhapsody ay nagsabing:

    boss’ office? grabeh ha.. eh di nman 365 eh hehehehe… reklamo pa noh.. dapat may bagong bahay para lang jan hahahah.. joke lang… hiihiih
    kengkay: kung gusto mo buong 365 magpadala ka ng envelop na may selyo o kaya xerox machine… hehehehe. bagong bahay, errrmmm… tingnan natin. tulungan mo ako sa mga istorya? :D

  4. Maldito ay nagsabing:

    Akala ko may action figures na..wala pala…hmp!ayuiko yan!…lols.
    kengkay: action figures… talaga naman. kaya nga dapat gawin para yon na ang aksyon e, weee:D

  5. antuken ay nagsabing:

    ate kengks, pano ko malalaman kung ilan ang nararapat na selyo? hahaha. under an umbrella? pano yan? tapos ang background music yung umbrella ni rihanna? hahaha.
    kengkay: arrruuu, talaga naman. kelan ba ang kasalan, regaluhan na lang kita, hehehe

  6. ris ay nagsabing:

    tingnan mo ate kengks kung ilang hits itong post mo within 6 hours. hehehe
    kengkay: am sure maraming makikiliti… alam mo, dami ko pang nakalinyang ganyan, ahahaha

  7. lilmispasaway ay nagsabing:

    ms. kengkay, bakit parang wholesome pa din, nag-expect pa naman ako ng iba ahaha jk
    kengkay: aba, talagang pasaway ka nga, hehehe

  8. MisyeL ay nagsabing:

    so yun na yun ate kengks? hahaha, more!
    kengkay: antay ka lang dyan misyel :D

  9. Jon Cabron ay nagsabing:

    sana pag naglagay tayo ng “make love” na salita sa titulo ng entry natin, pangatawanan natin.. sana hindi makasira sa image ko to pero umaasa ako ng mga nagsasalpukang katawan pagbukas ko ng blog mo… tnxbye’
    kengkay: sana sana ka dyan, hehe. antay ka lang jon, marami pang darating. am sure makakasira na yon ng image mo :)

  10. bruhilda ay nagsabing:

    ate kenkay (feeling close) la bang demo pix yan mas madali pag may pix minsan kasi kakatamad magbasa. hahaha
    kengkay: hanak ng tipaklong, talaga namang nag request na talaga…. antay lang at sa sunod na. baka magsara pa itong blog ko bago magpasko dahil sa kalamanan, hehehe. asan na ang URL mo, di na kita mahanap, gusto pa naman kitang bisitahin ulit. hirap ng tumatanda e, panay seks lang ang asa isep, weee

  11. Rowjie ay nagsabing:

    hmmm, pretty interesting. hehehe
    kengkay: gusto mo rin kopya, huh :D

  12. toni ay nagsabing:

    ah bawal pa pala saken yan, nde pala ako dapat ngcocomment dito..
    kunwari.
    kengkay: kunwari di ko rin nabasa :D

  13. angelbert ay nagsabing:

    mas maganda sana kung may bidyo, mahirap magbasa lalo na kung walang pakner.
    kengkay: hmp, demanding… yung iba pictures lang ikaw naman video, hehehe

  14. cdy173 ay nagsabing:

    asan na?…asan na…? ha..ha… kala ko may makukuha ako ditong idea..kelangan pa pala magpadala ng envelop na may selyo o xerox machine..wahhhhh
    kengkay: aba, walang libreng masarap di ba, hehehe

  15. Julie ay nagsabing:

    Ay, maganda yan, Keng. Me nakita akong shirt dati na puro illustrations naman. My! Very graphic talaga, pero tanda ko hindi yata 365, kasi hindi na kasya. Isang buwan lang yata.

    First time ko yata dito. I-add ko ito sa blog roll ko, ok lang? :)
    kengkay: hi julie, naligaw ka yata, hehehe. nakow, kung 365 days am sure daming kasunod sa paglalakad nung magsusuot nung tshirt na yon. daming kukuyog, hahaha

  16. Ambo ay nagsabing:

    Uy maganto to para sa inosenteng tulad ko. harharhar
    kengkay: ambo, ikaw ba yan :)

  17. homebodyhubby ay nagsabing:

    mare OKEY yan a! hindi ka pala mauubusan — isang paraan kada ARAW sa loob ng isang TAON!!! :D
    pero teka… paano pagka LEAP year? :roll: ibig sabihin abstinence pag February 29? that’s unfair…
    padalhan mo nga ako ng kopya at nang matignan kung ano ang kulang. magdadagdag ako ng ISA pa. :lol:
    kengkay: aba, inaantay ko ang hirit mo talaga. hmm, padalhan kita ng kopya para madagdagan, talagang nakahanap ka ng paraan para di magpadala ng envelop na may selyo o kaya xerox machine, ha :) pengeng doll house, padalhan kita ng kopya, ahahaha- exchange gips!

  18. antuken ay nagsabing:

    january 2008 ate kengkay. regaluhan mo nga ako? hehe. :D
    kengkay: pramis yan, dir :) pero bigyan kita ng mas matindi… antay lang kasi sa bangkok ko pa mabibili yon e. sa pebrero na ang aking wedding gips, hokay. it is worth da wait… talaga.. hehe

  19. Ambo ay nagsabing:

    Nyay parang di kapani paniwala sinabi ko hahahaha. Sabi ko virgin pa kasi ako sa ilong bwahahahaha
    kengkay: kita mo di ka rin naniniwala sa sarili mo, hehe

  20. epam70 ay nagsabing:

    ngeeekkk… kala ko kung ano!
    kengkay: hmmm… anong ano? hehe. ano nga di ba :D

  21. epam70 ay nagsabing:

    kengkay add kita sa blogroll ko
    kengkay: tenks… i add din kita

  22. Lenggai ay nagsabing:

    nakow… di applicable na naman!!!! :(
    kengkay: alin alin alin ang di applicable :)

  23. Michelle ay nagsabing:

    gusto ko yan
    kengkay: antay ka, marami pang kwento

  24. [...] Marami akong libro about how to make love, how to satisfy yourself, kama sutra, 365 ways to make love, etc — hindi ko lang alam kung seseryosohin ko ang mga laman nitong mga librong ito. Ano sa [...]

  25. [...] Meron din ako ng 365 Ways to Make Love [...]

  26. Callcentergal ay nagsabing:

    Kulit ng post na to. =) No wonder hit sa mambabasa…=)

    kengkay: hahahah, yan ang mga post kapag walang matinong maisulat :D

Leave a Reply

Lumang Kwento