Kwentong Kengkay

tagalog chenes

Mga Hindi Dapat Gawin Pagkatapos Kumain

img_0009.jpegAlam nyo bang may version din ng dinuguan dito sa Alemanya? Ayan, kitang kita nyo dyan sa malaking platong iyan. Ang dinuguan ay yung nasa maliit na bowl. Ang kwento tungkol sa pagkaing ito ay andito. Kaya dahil sa pagkain ang simulain ay dahil sa aking topic for today….

Pakibasa na nga lang at kayo ang humusga kung tama man o hindi. Kasi biglang kailangan yatang ibahin ang mga nakasanayan na, hindi naman sa lahat pero… basahin nyo na lang.

Mayroon daw pitong bagay na hindi natin dapat gawin pagkatapos kumain. At eto sila:

Huwag manigarilyo – Ang mga experimento dito ay nagpatunay na ang paghitit ng isang stick ng sigarilyo pagkatapos kumain ay pwede na nating ikumpara sa paghitit ng mga sampung sigarilyo. Ibig sabihin, mas malamang na mabutas ang iyong kalamnan ng cancer.

Don’t smoke – Experiment from experts proves that smoking a cigarette after meal is comparable to smoking 10 cigarettes (chances of cancer is higher.

Huwag kumain ng prutas agad agad – Kapag daw sinundan ng prutas ang pagkain ay papasukan ang iyong tiyan ng hangin, magparang butete ang feeling mo. Rekomendado na mag antay ng 1-2 oras bago mag prutas.

Don’t eat fruits immediately – Immediately eating fruits after meals will cause stomach to be bloated with air. Therefore take fruit 1-2 hr after meal or 1hr before meal.

Huwag iminom ng tsaa – Ang mga dahon ng tsaa ay may mataas na porsyento ng acid na magiging dahilan para ang protina na kinain natin na magiging matigas kaya mahirap sya tunawin.

Don’t drink tea – Because tea leaves contain a high content of acid.This substance will cause the Protein content in the food we consume to be hardened thus difficult to digest.

Huwag i-adjust ang ang sinturon o kaya naman, huwag buksan ang butones – Kapag ginawa raw ito ay maaaring mapilipit ang inyong mga bituka at ma-block.

Don’t loosen your belt -Loosening the belt after a meal will easily cause the intestine to be twisted &blocked.

Huwag maligo magbabad sa tubig - Kapag nagbabad daw sa tubig ay magiging dahilan para humina ang digestive system sa ating tiyan. Bakit daw? Kasi daw ay tumataas ang presyon ng dugo na pumupunta sa ating mga kamay, hita at katawan kung kaya humihina ang nasa tiyan.

Don’t bathe – Bathing will cause the increase of blood flow to the hands, legs & body thus the amount of blood around the stomach will therefore decrease.  This will weaken the digestive system in our stomach.                                                                                                                    

Huwag maglakad – Sabi nung iba, kapag daw humakbang tayo ng mga isang daang beses pagkatapos kumain ay maaari tayong mabuhay hanggang sa edad na 99. Pero hindi daw ito totoo. Kapag naglakad daw ay pwedeng hindi tayo matunawan.

People always say that after a meal walk a hundred steps and you will live till 99. In actual fact this is not true. Walking will cause the digestive system to be unable to absorb the nutrition from the food we intake.   

Huwag matulog agad – Hindi agad matutunaw ang ating kinain kung kaya’t pwedeng sumakit ang tiyan o kaya ay magkaron ng gastric at infection at magwala ang inyong mga bituka.                                                  

Don’t sleep immediately – The food we intake will not be able to digest properly. Thus will lead to gastric & infection in our intestine.

Para yatang lahat ng nakalista e ginagawa namin araw araw e. Kumbaga may mga nakasanayan na, kahit pa minsan e alam namang di tama. Katulad na lang ng pag-ligo, lalo na kapag asa swimingan kayo. Di ba kapag swimingan e kasabay din non e kainan? Pero yung iba e kagulat gulat tulad nung pag inom ng tsaa, yung sa sinturon at yung sa prutas. Ano sa tingin nyo?

Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Hmmmm, Kwentong Nanay, Paki Lang, Panlasa, Trabaho Lang

15 Responses

  1. homebodyhubby ay nagsabing:

    waw! dinuguan! maski walang puto, peborit namin ni misis yan! :D

    yung huling tip mo — pinakamasamang pwedeng mangyari lalo na kung sobrang busog ay ang BANGUNGOT o acute hemorrhagic pancreatitis(?). EWAN KO KUNG TUTUO pero sabi nung isang Doctor na kilala ko, ayon sa statistics, sa mga lalaki at mga Pinoy lang ang mga kasong ganito. 8O (ay bakit ganun? o baka naman Philippine stat lang ang binabasa nya? ahehe) worth researching…
    kengkay: grabe ka, tulo laway ko sa dinuguan with puto, tsalap tsalap… nabasa ko nga rin yan, bakit kaya pinoy lang ang prone sa bangungot kaya, huh

  2. YouAreYou ay nagsabing:

    very informative! may i relate ako sa mga post ah.. pwera lang yung paninigarilyo.. i dont smoke.. its bad for my health.. hehe!
    kengkay: tama ka, wak ka manigarilyo. di lang balun balunan mo mabubutas kundi pati bulsa mo, mahal yata ng yosi

  3. chaden ay nagsabing:

    may isang kakilala ko sabi 1 hour pa daw dapat bago uminom ng tubig..

    *nguya nguya*
    kengkay: ay too late na nung nabasa ko comment mo, nakainom na ako ng tubig. baka naman tamad lang yun pumunta sa balon at mag igib ng tubig, ahahaha. pero dito rin, sabi kapag kumain ng prutas, dapat wag iinom ng tubig

  4. MisyeL ay nagsabing:

    Nagulat ako sa tsaa, hmmm ganun pala yun? Basta ako pagtapos kumain di naupo agad para di maging bundat. :D
    kengkay: kakagulat nga e di ba? pwede ka tumayo pero watch your steps, hehehe

  5. Ambo ay nagsabing:

    Off-topic sorry mommy kengks. Congratulate kita kasi nanalo ka ng WordPress T-Shirt sa Filipina Writing contest sa entry mong A Topless Filipina in Europe! eto ang link http://w3o.blogspot.com/2007/11/winners-filipina-writing-project.html

    Yahoo!
    kengkay: ay, sarap ng pasko ko. baka mas mahal pa yung selyo kesa sa t shirt yata. pinuntahan ko na nga agad e, thanks ambo for letting me know. kasi nakaligtaan ko a yan e..at sempre di ko inaasahan na mananalo ang pagiging topless ko, hehe

  6. cheh ay nagsabing:

    hahaha hanu ba yan andaming regulasyones wag na nga lang kumain:)

    tag kita giliw!
    kengkay: ay cheh, wag mo pansinin yang mga regulasyones na yan, mas masarap kumain, hehe

  7. repah ay nagsabing:

    nakakatuwa! simula ngayun.. iisa-isahin ko ng iwasan ang mga gingawa ko pagkatapos kumain
    kengkay: naku, am sure malilimutan mo rin yan sa sarap ng kain, :)

  8. taroogs ay nagsabing:

    sa akin po, miss kengks, dapat ang batas ay “After eating… don’t eat again!” hehehe… medyo lumulobo na kasi ako eh :-(
    kengkay: pareho kayo ng batas nung asawa ko, hehe

  9. joy ay nagsabing:

    How interesting! Basta alam ko no sex after a meal :D

    Hey Raquel, please go to The Goddess In You to read my latest post where I have tagged you! It’s really easy to do. :D

    joy
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo
    Your Love Coach
    kengkay: pero kakapagod din minsan yun ha, pwede kahit prutas tulad ng ubas, hehe okay na, nag go na ako :)

  10. k3mbot ay nagsabing:

    buti na lang ala na ako pangkain kaya wala akong poproblemahin na ganyan :D
    kengkay: ganyan din ako dati…walang pambile kasi binigay na lahat sa balikbayan box, waahh

  11. antuken ay nagsabing:

    waah. parang 6 out of 7 nagagawa ko (yung tsaa lang hindi at hindi ako nainom ng tsaa). pano na ko nyan?!? buti na lang titigil na ko magyosi (dec 19 —> yan ang palugit ni fafa saken). pero naman. ibig sabihin lang prone to sakit/kamatayan ako dahil sa paglabag sa mga yan? waah! hehe. ah basta. masarap kumain. :)
    kengkay: tama ka, masarap kumain. tigil mo na yang yosi mo, tama si fafa

  12. rakatak ay nagsabing:

    nakup. kinakailangan ko nang baguhin ang mga nakasanayan ko. salamat sa entry mo kaibigan.
    kengkay: hinay hinay lang… ako din dami ring taliwas e :)

  13. alphasensei ay nagsabing:

    daming rules. break ‘em all!
    kengkay: rules are meant to be broken :D

  14. Lenggai ay nagsabing:

    ahhhhh… yun lang… lahat to te, ginagawa ko, as in lahat! ay… maliban pala sa paninigarilyo… hehehe… angh logic ko naman dun, babaho hininga mo.

    ibig sabihn ba nun te kenks, mamamatay na ako agad? pucha sana sinabi na lang nila wag tayo huminga pagkakain, baka kasi lumaki tyan pag napasukan ng hangin…
    kengkay: aba, mabuti naman at di ka nahawa dyan sa propesyon mo na halos lahat ay adik adek sa usok… hay ewan ko ba kung sino pasimuno nitong rules na ito, am sure di yon nag eenjoy sa buhay nya, hehe

  15. chuvaness ay nagsabing:

    uyy really? naku, gagwin ko yung wag muna maligo after kumain. araw araw ko ginagawa yan. heheheh. tenks mami keng for sharing this! ngayon ko lang to nalaman
    kengkay: ay ganyan din kami ano lalo na kapag asa beach, hehe

Leave a Reply

Lumang Kwento