Merong pumasok na bagong comment dun sa aking maikling post tungkol sa pagbanggit ni Britney Spears sa Pilipinas dun sa kanyang bagong single na Pieces of Me. Eto ang iniwan nyang comment na hindi ko rin binura. Kasi gusto kong mabasa nyo, sayang naman kung hindi natin mapansin di ba? Pasko tapos bagong taon pa kaya naman pagbibigyan ko sya. Hihimayin ko ang kanyang komento dahil gusto ko lang.
for crying out loud, ‘philippines’ was used by the writers of the song because it sounds like ’scene’! it just really shows that you are insecure of your race. eh, bat naman kayo napunta sa issue na DH? lahat ng bagay o fact na involve ang filipino o philippines, ginagawang malaking issue at sabihing proud ka na sa lahi mo! ang tanong, talagang proud ba kayo sa walang kwentang government natin or insecure lang talaga kayo
for crying out loud: Hindi ako umiyak ng malakas, yan ang unang una. E bakit naman ako iiyak ng malakas e tipong tuwang tuwa nga ako dahil na ekstra ang Pinas sa kanta ni Britney. Baka ang gusto mong sabihin e napahalakhak ako ng tumataginting dahil naaliw ako sa balitang ito.
‘philippines’ was used by the writers of the song because it sounds like ’scene’!E manong o manang lp, kung sino ka man, sorry ha; hindi ko kasi alam na isa ka pala sa mga consultants nung kino-compose nila yung kantang Pieces of Me. Hindi ko alam na naghahanap lang pala sila ng ka tunog ng salitang ‘scene’ kaya napilitan silang ilagay ang ‘Philippines’ ; e bakit naman kaya hindi nila pinili ang bansang Saint Vincent and the Grenadines e katunog din naman yan ng ‘scene’?
it just really shows that you are insecure of your race: Erm, insecure of my race? Na insecure ako sa pagiging Pinoy ko dahil napaiyak ako ng malakas dahil katunog lang pala ng ‘scene’ ang ‘Philipines’ dahil yun nga ang napag usapan nyo ni Britney nung ginagawa nyo yung kanta? Okay, may logic nga akong nakikita rito.
eh, bat naman kayo napunta sa issue na DH?: E ikaw, bakit napunta sa isyu ng DH? Bakit ang tagal tagal ng isyu nito e ngayon ka lang naki usyoso at ngayon ka lang nagbibigay ng iyong mga komento? Ngayon ka lang ba nagising sa katotohan? Ewan ko kung sa anong katotohanan ka dapat magising, pero sana, hindi ka nagising lang dahil sa isyu lang ng DH na ito dahil ang labas nun, tinamaan ka rin ng isyu ng DH. Kung ano mang tinamaan sa yo.
lahat ng bagay o fact na involve ang filipino o philippines, ginagawang malaking issue at sabihing proud ka na sa lahi mo!: Kung ginagawa kong malaking isyu kapag tungkol sa Pinas ay kasi tumataba ang puso ko kapag may isyu tungkol sa Pinas na sa tingin ko ay maganda para sa aming bansa at para sa mga Pinoys; mas gusto ko kasi tumaba ang puso ko kesa madagdagan ang aking mga bilbil at sakit ng ulo dahil sa mga taong hindi makaintindi kung bakit ako dapat maging proud sa sarili kong lahi. Ginagawa kong malaking isyu ang mga mabangong balita tungkol sa Pinas dahil gusto kong malaman ng mga taong katulad mo na walang alam sa kagandahan ng Pinas, na walang pakialam sa kanyang lahi, na handang itakwil ang kanyang bayang sinilangan, na hindi marunong tumingin sa pinanggalingan, na masahol pa sa bilasang isda… Gusto kong ipagmalaki kung sino ako. Hindi ko ikinahihiya na isa akong Pinoy. Yan lang naman, simple lang di ba?
ang tanong, talagang proud ba kayo sa walang kwentang government natin: Ang tanong, sinabi ko bang yung gobyerno natin ang pinag uusapan dito? Sinabi ko ba kay Britney Spears na nung sinali nya ang Philippines sa lyrics e banggitin din nya na proud tayo sa gobyerno ng Pinas? Sinabi ko ba na may kwenta ang ating gobyerno, actually, kwento marami ang gobyerno at mga kwentahan sempre. Ang pinaguusapan natin ay yung kanta ni manay Britney at ang pagkaka-upo mo sa tabi nya nung napili nya ang ‘Philippines’ para itunog sa ‘scene.’
or insecure lang talaga kayo: Eherm, kayo? Meaning, ako at si Britney? Teka, di ba kayo ni Britney ang nagusap tungkol sa lyrics? Bakit ako tatanungin mo. Baka ikaw ang kulang sa pansin. Baka ikaw ang insecure. Baka ikaw ang naghahanap ng tunay na lahi mo. Pinoy ka nga ba, lp? Kasi nga ang tagal na ng isyu na ito. Tapos niyurak yurakan mo pa ang lahi ko. Hindi ako papayag na yurakan ng kahit sino pa man ang lahi kong Pinoy. Kung frustrated ka man sa mga hindi magandang nangyayari sa bansang Pilipinas, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mabaligtad ito? Kahit isa ka lang, sa ganda ng simulain mo, mahahawa na rin ang iba dyan. Pero kung poot sa lahing Pinoy at sa bansang Pinas ang iyong pinapalawak, nag iisa ka. Tandaan mo yan. Ikaw ang insecure kasi hindi mo alam kung sino ka talaga. Kung negative ka, positive ako.
Kung sino ka man, lp, mag-isip isip ka. Ang Pinas ay isa sa pinakamagandang bansa sa mundo. Aminin ko, may problema sa gobyerno. Pero kasi, may problema din sa mga taong katulad mo na panay dakdak lang pero wala namang magawang matino rin para sa bansa. Tingnan mo nga ang puso, isip, at kulay mo, anong lahi ka ba talaga? Sana masaya ang naging Pasko mo at sana maging masaya din ang Bagong Taon mo, kahit na hindi ka proud sa selebrasyon na ginagawa ng lahi mo.
Basta ako proud Pinoy! At mananatiling proud Pinoy.