Hayyyy… isang buong araw akong hindi humarap sa blogging, grabe… what an accomplishment, hahahaha. Kasi naman punong puno pala ang araw ko kahapon. Kahit na hilo hilo pa rin si kengkay ay nagpumilit na bisitahin ang kanyang beauty parlor dito para sa kanyang ilang beses ng na cancel na pa facial. Hiya na kasi ako, imagine, ilang beses ko ng nakakalimutan. Pero mabuti naman at napunta ako sa kanya kasi naka kuha ako ng early Christmas gift
Kaya masaya mag ikot kapag Pasko!
So di ba darating nga si Santa Claus, hane. Umaga pa lang e may naka-hilig nang mga kahon ng tsokolate sa may pintuan namin para sa mga bata. Galing sa aming tenants yon. Tapos nung asa kindergarten naman sila, binigay sa kanila ni Santa yung kanilang medyas na punong puno rin ng regalo, may kasamang tsokolate ulit. Tapos may nag iwan ulit ng regalo sa harap ng bahay namin para sa kanila. Ang sarap maging bata ulit!
Hilong talilong si kengkay kasi nagtagal ako sa aking facial tapos may appointment ako dun sa aking bro in law. Dadalhin nya yung mga regalo habang wala ang mga bata. Secret nga e. Mabuti kamo naabutan ko pa syang nakatambay sa harap ng bahay namin. Tapos sundo ko mga bata. Nagluto at nag-ayos ng bahay. Dahil meron pa rin akong English lessons para sa mga pre schoolers. Hayyyyy… kakabaliw! Pero nagkantahan lang kami ng ‘We wish you a merry Christmas’ at ‘Jingle Bells’ tapos binigyan ko rin sila ng tig isang lollipop. Remember, si kengkay hindi pa fully recovered sa sakit nya nyan ha.
Mahirap talaga kapag walang kasama sa bahay e, waaaaahhh! Mabuti na lang umuwi ng maaga si kengkoy. Nung dumating sya, tinapos ko na lang yung lasagna at yung dinner table tapos pahinga na ang beauty ko. Pero ako pa rin ang sumundo sa mga bata galing sa kindergarten. Kasi masarap pa ring maglakad sa simoy ng sariwang hangin kahit na medyo masakit ulo e. Nakakatulong talaga. Pramis yan. Hindi ako yung tipong nakatihaya sa bahay kapag may sakit e.
Tapos dumating na ang aking in laws. At dumating na si Santa Claus! Daming regalo, ang daming tsokolate… ang saya pero kakasakit ng tiyan at ipen! Kahit masakit ulo ko, masaya naman kasi tuwang tuwa ang mga little kengkays.


ay ang saya tlaga dyan.. gusto ko ring makita si santa ng personal!!! kakaingit!
kengkay: punta ka sa SM o sa rustan’s hehehe
Comment ni repah — Disyembre 7, 2007 @ 10:13 umaga |
Hangkyot naman ng little Kengkays na iyan!
kengkay: mana sa big kengkay, ahahaha
Comment ni diwatang_byaning — Disyembre 7, 2007 @ 5:21 hapon |
wow dami namang gift ni santa…di ba sya mapapadpad dito sa pinas???
kengkay: kapag di na trapik, sigurado andyan si santa
Comment ni cdy173 — Disyembre 8, 2007 @ 1:34 umaga |
…aaaay? …uwi na pala ti Santa Klaus? tundan na lang kaya namin tya ta nort pol?
tita kengkay… hindi ka lang pala isang dakilang nanay. isa ka ring walang-pahingang nanay?
gut-to mo tantahan din kita ng “Diyingam bel”?
kengkay: sinabi mo, gusto mong mag babysit, hehe
Comment ni homebodyhubby — Disyembre 8, 2007 @ 3:04 umaga |
Siguro dito ang punta ni Santa, magsabit na nga ko ng medyas baka sakaling malagyan ng gip
Cutie naman ng mga kiddo mo ate.
kengkay: antayin mo na si santa, pagsabit ka na ng yellow ribbons, ooopsss
Comment ni MisyeL — Disyembre 8, 2007 @ 3:44 umaga |
ang saya saya ng mga kids.. matanong lang po.. englisera o german ba ang lenggwahe ng mga bata? o marunong din magtagalog.. hihihi
kengkay: marunong sila mag english at marami silang alam na salitang tagalog
Comment ni Rhapsody — Disyembre 9, 2007 @ 9:32 umaga |