Bakit kanyo? Hindi lang dahil sa Pasko kundi dahil kapag may sakit ka o hindi masyado maganda ang mga nararamdaman mo, parang gusto mong maghanap ng bagay na magbibigay ng kaligayan sa yo. At alam nyo kung ano ang mga hinahanap-hanap ko?
1. kalamansi juice – pwede mo siyang inumin ng malamig o ng mainit, at mas masarap ang lasa nya kesa sa mga lemon na nagkalat dito. Pwede kaya akong magtanim ng kalamansi dito? Kung yung pipino nga na galing sa Thailand nabuhay, e kalamansi pa kaya, hmmm…
2. suha, dalandan, dalanghita – yan ang mga paborito kong prutas kapag may sakit ako. Ihabol na rin natin ang mangosteen at lanzones. Ano katambal nyan dito? Oranges, nectarines at ubas. Yun lang
3. lugaw, goto, bulalo – ayan na. Tumutulo na talaga ang laway ko. Lugaw na gawa ni nanay na may konting manok na hinimay, goto na may laman-laman na sa kanto naman nabibili lalo na sa umaga at kapag mga alas dos ng hapon, o kaya ay mainit na bulalo na sa lambot ng karne na inilagak dito ay lalangoy na lang silang palayo sa mga buto buto. Ang sarap di ba?
4. puto, kutsinta, suman – kapag umaga, yan ang bitbit ni nanay kapag meron may sakit sa amin. Binili nya sa mamang naglalako. Sempre di pwedeng kainin ng may niyog kasi nga umaga at kasi ng may sakit ka, di ba. Pero ang suman masarap isawsaw sa asukal, yummmm!
5. vicks vaporub – kasali yan sa mga bagay na dapat meron parati sa bahay. Nagpabili rin ako kay kengkoy. Nakatulong talaga sya. Haplos ng pagmamahal.
6. mga makukulit na kaibigan – ay oo naman, kapag may nagpapatawa sa yo, ang bilis mawala ng sakit mo, di ba? Kasi nahawaan mo na rin sila, hehe.
7. si nanay – sempre, sya ang tagabili, tagaluto, taga- ispoiled, taga bigay ng haplos pagmamahal, at dahil sya ang nanay ko, waaaahhhh
Kayo, ano na mi-miss nyo sa Pinas kapag may sakit kayo?



…korak sa # 7..si nanay at isama pa si tatay na kada oras kung maglagay ng thermometer sa kilikili at tatabi pa sila pag matutulog na. haaay, kamiss! *hikbi!*
kengkay: naku, nahawa ka ba sa aking konting homesickness?
Comment ni sommer — Disyembre 13, 2007 @ 10:28 umaga |
# 3 at # 7.. iba talaga pag ang nanay mo ang mag luto nun, at iba talaga mag alaga ang ina pag may sakit ka..
kengkay: hayyyyyy… tumpak ka talaga dyan
Comment ni dhez — Disyembre 13, 2007 @ 10:34 umaga |
uy, mesakit pala ang kkk.. pagaling ka.. kelangan makauwi ka dito
may atraso paa ko sayo
kengkay: dahil dyan sa sinabi mo e magaling na ako, hehehe
Comment ni defpotec — Disyembre 13, 2007 @ 1:47 hapon |
Si Nanay ko din miss ko lalo na may sakit din si ako, kailangan ko ng hilot nya sa likod ko at yung luto niya na pampawala ng nararamdaman ko…
kengkay: nanays are the best
Comment ni MisyeL — Disyembre 13, 2007 @ 8:50 hapon |
yung hilot talaga ng nanay ang nakakaadik..walang sinabi yung mga nagmamasahe sa Spa kasi panandaliang aliw lang dulot nila.
kengkay: waahahahah… iba talaga ang spa massage, pang aliw lang yon
Comment ni gasti — Disyembre 14, 2007 @ 2:18 umaga |
I miss riding on a jeepney or trycicle. I miss going to my Lola to eat ginataang malunggay na may dried fish. I miss going to the beach na dala-dala lahat na familia para kumain at para hindi maligo. I miss the wet market at ingay ng mga tindera. Homesickness is a killer Kengkay, what you can do is buy or cook something Pinoy for dinner.
yung talagang homesickness di ko pa nararamdaman kasi i always look forward to the pinas vacation, it helps a lot
kengkay: hi K, naglilista lang ako
Comment ni K — Disyembre 14, 2007 @ 8:00 umaga |
miss ko nanay ko…syempre frends din..hay..nothing beat the motherhood talaga…wish i can go home na…
kengkay: mahirap talaga kapag malayo sa piling ng mga nanay at mga kaibigan ano
Comment ni Maldito — Disyembre 14, 2007 @ 8:57 umaga |
ako po andito lang kaya di ko miss ang pinas… pero pag may sakit ako, miss ko yung pinapakain saking royco chicken noodle soup na pinigaan ng kalamansi
gagawin ko din sana sa anak ko pero wala na kong makitang royco ngayon… saka masama sa bata yung sobrang msg. hehehe
kengkay: uy, alam ko yang royco chicken, wala na palang ganyan, huh
Comment ni taroogs — Disyembre 14, 2007 @ 9:29 umaga |
dibale lapit ka na naman bumalik eh.. hehe pag balik mo sa pinas, lubusin mo na syempre..
kengkay: kaya panay na lang ang lista ko e, kasi in two months, andyan na kami, yipee
Comment ni angel — Disyembre 14, 2007 @ 10:15 umaga |
Ako namimiss ko ang max’s fried chicken pag may sakit ako dito. Hehe! Yun kasi lagi nirerequest ko sa nanay ko tuwing (nagsasakit-sakitan) may sakit ako sa pinas.
kengkay: ay pareho tayo, labs na labs ko ang max’s. dun kami sa baclaran parati nagpupunta
Comment ni Kiko Matsing — Disyembre 14, 2007 @ 1:54 hapon |
mami keng pag nag padala kaya ako ng isang bilaong sapin sapin jan? u want??
kengkay: sige nga, padala ka nga ng sapin sapin, hehehe
Comment ni chuvaness — Disyembre 14, 2007 @ 5:14 hapon |
ako nandito lang Pinas kaya okey lang…
pero pag maysakit ako, syempre una kong gamot ang mahigpit na YAKAP ng MISIS ko lalo na pag giniginaw ako.
kengkay: hay, sarap nga ng mainit na yakap. sabihin mo nga kay misis mo payakap din, wahahahaha
Comment ni homebodyhubby — Disyembre 15, 2007 @ 4:24 umaga |
miss ko yung mga lugawan sa ilalim ng mga LRT. yun bang mukhang nung isang araw pa, nilalagyan lang ng balde-baldeng tubig at hahaluin katalo na.
saka yung mga betamax, adidas sarap. ah lam ko na! binatog! yun wala nun dito.
kengkay: ahahaha, ako miss ko yung tokneneng na may lugaw at sawsawang suka
Comment ni BURAOT — Disyembre 15, 2007 @ 11:10 umaga |
Buti na lang, nasa Pinas ako. Hehe. :p
kengkay: ehem, malapit na andyan na rin kami
Comment ni Ederic — Disyembre 15, 2007 @ 2:25 hapon |
Hindi ako masyado doon sa mga maasim,mas miss ko puto at bulalo at dinuguan miss ko rin ang mga yun!! *tuloy laway* hahaha
happy weekend sexy mamuah! ingat lagi
kengkay: ang daming masarap sa pinas, tsalap tsalap. ingat din lagi
Comment ni cheh — Disyembre 15, 2007 @ 4:10 hapon |
kengkay, buti ka nga kabayan nakalayo ka na sa problemadong bansa natin… anyway, i understand the feeling… sana makauwi na kayo at makasama mo na ang family mo dito.
mahal ko ang pinas kahit ano pa man sya. kaya i pray na sana maging okay na tayong lahat.
kengkay: alam mo bang gusto naming dyan sa pinas mag retire
Comment ni jessie — Disyembre 16, 2007 @ 2:25 umaga |
ainabi mo pa.. nung nagkasakit ako dito ng matagal.. pati nga ung sofa namin na-miss ko hehehe kasi kpag masama pakiramdam ko at sawa na sa kama sa sofa ako humihiga.. eh dito wla kaming sofa. #7 tlga ang sobrang namiss ko.. walang sawa kasi kapag nag-asikaso di ka titigilan hanggat di ka gumagaling.
kengkay: iba talaga ang nasa bahay ka ano
Comment ni Rhapsody — Disyembre 16, 2007 @ 7:26 umaga |
na dagdagan yung homesick ko ng nabasa ko ‘to. k lang. ganoon talaga eh. yung vicks vaporub at makukulit na kaibigan lang ako mayroon dito.
kengkay: at least meron kang vicks at kulit na kasama
Comment ni charleskorner — Disyembre 16, 2007 @ 9:16 umaga |
teka andito ako sa pinas kaya wala akong mamimis hehehe. Ang namimiss namin kayong lahat na nanjan sa malayo! Umuwi na kayo! Mommy Kengks, nagmeet kami last night ni Doc Joy the Goddess. Ang saya! Kasama namin ung hubby nya, malen, pusa, si shing, mervin, jm na inivite naman ni ms joy. Napag usapan ka nga namin at si kiko na darating naman ng february. yahoo!
kengkay: grabe, inggit na inggit nga ako dun sa kodakan nyo e. di bale, malapit na ang pebrero, kita kits tayo ha
Comment ni Lavern — Disyembre 17, 2007 @ 9:52 umaga |
nakakamiss nga ang pilipinas kapag may sakit ka. nagkasipon ako dito at ilang araw din may lagnat. naghahanap ako ng lugaw o bulalo o kung anumang sabaw kaso puro instant noodles ang meron. mga buwisit. hahaha
kakalungkot talaga ano.
kengkay: i am not alone, wahahahaah
Comment ni Kotsengkuba — Disyembre 18, 2007 @ 10:45 umaga |