Kwentong Kengkay

Disyembre 17, 2007

Caroling

Sa Pinas basta pasok pa lang ng September ay may kumakanta na ng Christmas songs sa kalye at sa radyo at sa mga telebisyon. At sempre, paskong pasko na rin ang mga department stores…

Hindi dito kung asan ako ngayon. Nakapakinig lang ako ng unang unang Christmas song ko nung kalagitnaan na ng Disyembre; nung nag grocery ako. Ang boring di ba? Papano ako naka survive ng ganyon? Sempre limpak limpak na CD ng Christmas songs ang naipon ko na. Ang lungkot naman kung habang nag dedecorate kami ng Christmas tree o kaya nagpapalamuti sa bahay ay walang kantang pamasko, di ba?

Kaya naman daming beses umikot ang Jingle Bells at We Wish You a Merry Christmas at Feliz Navidad…yan kasi ang mga paboritong Christmas songs ng mga little kengkays. Paulit ulit, kakabaliw na rin minsan pero anong magagawa ko? Meron ang mga boss ano.

At sempre miss ko rin ang caroling. Yung mga batang kahit na wala sa tono pero dahil sa ingay ng mga bibit nilang sandok at palayok ay masaya na rin ang kantahan nila. Yung mga organized Christmas carolers na nagbibigay ng pasabi at ng envelope kung kailan sila darating sa bahay. Yung mga pamilyang organized talaga na may gitara at kung anong instrumentong bitbit at sempre may kanya kanyang himig sopranong nginig nginig pa ang ngala-ngala sa emote. At yung mga tumatawid sa kalye habang trapik na parating yung unang stanza lang ang kinakanta kasi aarangkada na yung sasakyan… mga ganun ba.

Sempre nung bata pa ako ay kumita rin kaming mga barkada ko dahil dyan sa caroling na yan. Bitbit namin kung anong sandok at palayok tapos iikot kami sa mga bahay bahay namin. Tapos kapag hatian na ng pera, takbo kami agad para bumili ng pan sakit ng ngipen, hehehe.

022.jpgDito ang caroling hindi uso ang magbahay bahay. Dito ang caroling nila sa mismong kalye kung saan andun ang mga shopping areas. Tatayo sila kasama ang kanilang instrumento at babanat ng tugtog. Tapos may latang nakalatag sa harap nila kung san mo ilalagay yung bigay mo sa kanila. Minsan naman may mga batang magiikot na may hawak na supot habang kumakanta o tumutugtog sila — dun mo ilalagay ang pera kapag nasiyahan ka sa kanta nila. Sempre dapat may palakpak pagkatapos ng show nila. O di ba!

Mga Puna »

  1. hahaha kuhang kuha… ” nginig nginig pa ang ngala-ngala sa emote”
    kani-kanina lang me nangaroling sa tapat namin, kala namin isang buong choir ang ganda ng boses, 2 batang babae lang pala! ganda boses nun mga bata na yun

    meron pa isang rumaraket d2 sa min … 5-7 sila all girls pos hihilera sila sa kalye at sasayaw nun mga kanta nun sx bomb dancers with matching kanta, tuwang tuwa un mga tao hanep sa raket lakas kumita nun mga bata na un hihihi sasama nga ko pag napadaan ulit sa amin
    kengkay: yan ang gusto ko sa mga pinoys e, daming gimik talaga. kapag sumali ko, picture ha, hehe

    Comment ni pusa — Disyembre 17, 2007 @ 1:40 hapon | Tugon

  2. Salamat at namulagat na naman ang mga natutulog na guniguni ko… bigla akong nakaalala ng pagkakaroling namin noong bata pa kami. Sobrang saya nga, at talagang nakakadagdag-kita kung may moves at di lamang nakatayong parang tuod habang kumakanta. :)
    kengkay: ay masarap talaga mag caroling, meron din kaming choreography, ahahaha

    Comment ni megamomph — Disyembre 17, 2007 @ 2:31 hapon | Tugon

  3. nakakamiss talaga ang pasko sa pinas ate. dito, pagtapos pa ng Thanksgiving saka sila nagpapatugtog ng Christmas songs. BORING! hhehehe..

    di rin uso ang karoling, sa mall sila andun at may show.

    waaaa.. ibalik nyo ko sa pinas!!!!
    kengkay: waaaahhhh ako din!

    Comment ni karmi — Disyembre 17, 2007 @ 4:13 hapon | Tugon

  4. ay oo namiss ko na yung mga batang kumakanta kahit wala sa tono eh nakakatuwa parin madalas ako lagi nagbibigay ng pamasko hehehe nga pala miss kengkay may tag ako sayo :)
    kengkay: hay ako din, uto uto ako sa ganyan e, hehe. tapos ko na tag ko ha

    Comment ni scart — Disyembre 17, 2007 @ 9:43 hapon | Tugon

  5. I so agree. Dito kahit tlagang mahirap ang buhay, pasko ay pasko. Nakakatuwa na nakaka loka ang pagmo mall dahil sobrang siksikan talaga. Sarap talaga ng pasko dito sa Pinas. Nung nakaraang 2 linggo nagcommute kami at nagulat sa mga Badyao na sumakay ng jeep at nagpatugtog ng makeshift na drumset ang lalaki at ang babae sumasayaw ng nakaupo tamang “pearly shells” na galaw ng kamay, habang sabay silang kumakanta ng katutubo nilang awitin. San ka pa! Shocked ako pero aliw na aliw din. Nanamnamin ko na kasi pinagdarasal ko ding makapag ibang bayan mga ilang taon mula ngayon. Maligayang Pasko, Miss Kengkay! :-)
    kengkay: tama ka, kung may balak lang umalis ng pinas, namnamin mo na kasi ma miss mo talaga ang tunay na kulay ng pinas…. maligayang pasko din! salamat sa dalaw…

    Comment ni Jennie — Disyembre 18, 2007 @ 12:50 umaga | Tugon

  6. meron kaming christmas tree na oktober pa lang eh nandoon na at nakadisplay…ngayon inaalikabok na sya wala pang pasko lol.
    alam nyo bang may auto shut off ang mga batang yan..kahit nasa kalagitnaan ng kanta pa sila oras na bigyan na ng pera eh naaactivate na yung susunod na “track”

    ♫ tenkyu, tengkyu, ambabait ninyo tengkyu ♪
    kengkay: hahaha, tama ka dyan

    Comment ni chillidobo — Disyembre 18, 2007 @ 12:53 umaga | Tugon

  7. Samen naman hindi uso karoling! Kainis! Kung saan kelangan ko nang ANDA kasi mahina ang PPP ko! hehehehe
    kengkay: aba bakit hindi mo simulan ang caroling dyan sa inyo, am sure kikita ka dyan ng brownie points, hehehe

    Comment ni reyna elena — Disyembre 18, 2007 @ 1:10 umaga | Tugon

  8. sana ako din mamiss ko ang nangangaroling… every 5mins kasi may nangangaroling sa bahay.
    kengkay: iba na ang malaki ang bahay at iba na ang sowsi, heheeh

    Comment ni jojie — Disyembre 18, 2007 @ 1:31 umaga | Tugon

  9. Naku dito ate wala pa akong nakitang nangangaroling, buti pa dyan kahit papano meron. Miss ko na nga yan eh, yung mga latang niyupi na kinakalembang nila at kutsarang pinag-uumpog sa saliw ng kantang pamasko, hayyz.
    kengkay: naku misyel, ganyang ganyan ang bitbit namin kapag caroling time na

    Comment ni MisyeL — Disyembre 18, 2007 @ 2:06 umaga | Tugon

  10. tita kengkay, pwede ba yung palayok? baka mabasag yun? baka kaldero? o kawali kaya? (andaming tanong e ‘no?)

    kami nun, LATA ng sardinas — yung korteng oblong pa? atsaka yung pinitpit na ISWAN na binutasan at isinuot isa-isa sa alambre. “iswan” — yung TANSAN kase hindi pa uso resilabol cap nuon. tapos sasabayan namin ng kantang:

    dyinggam-bel, dyinggam-bel, dyinggam-bel — OWEY! :P
    kengkay: ahahaha, kahit ano mabitbit namin kasi mabilisan na ang tawagan kaya basta anong mahaltak yun na ang aming instrumento. pero minsan may oras kaming magpitpit ng lata din… ganyan din tono namin, dyinggam bellls din

    Comment ni homebodyhubby — Disyembre 18, 2007 @ 3:02 umaga | Tugon

  11. ehem! *sa may bahay ng aming bati merry xmas na maluwalhati aNg pag ibig……..

    ahm wala lang gusto ko lang mangaroling sa balay mo hehehe hay miss you mami kengks!

    xiao!
    kengkay: hala sige, mangaroling ka nga dito

    Comment ni brath — Disyembre 18, 2007 @ 4:19 umaga | Tugon

  12. paano kaya ita-translate sa german ang walang kamatayang “samaybahay ang aming bati… merry krismas na mamalwati…” hehehe :-)
    kengkay: naku, pinagisip mo yata ako dyan…

    Comment ni taroogs — Disyembre 18, 2007 @ 6:22 umaga | Tugon

  13. eto na naman ako sa bahay mo kengkay.. tagal ko di napasyal dito kaya malamang mahaba haba ang lalakbayin ng mga pahina ko. hehehe. nakaproxy lang kase ako lagi kapag pumupunta sa mga wordress at blogspot na bahay.

    hindi ko naman masyadong miss ang mga nagkakaroling, ang nakakamiss talaga e yung pagpunta sa mall na hindi ka pa man pumapasok e dinig mo na ang sangkaterbang christmas carols.

    dito may christmas carols na nga sa malls, linsyak. chinese naman.
    kengkay: huy na miss din kita. ako padalaw dalaw din sa bahay mo pero minsan ayaw tanggapin yung comments ko e. hay pareho tayo ng na miss… dito daming carols din pero german naman, baket kaya, huh :D

    Comment ni Kotsengkuba — Disyembre 18, 2007 @ 10:29 umaga | Tugon

  14. Naalala ko nung nasa pasay pa kami nakatira, meron isang bata nangaroling sa amin july pa lang nun! Haha! Pero same reply pa rin kami, patawad! :)
    kengkay: hay ano ba yun, super aga naman non. bibigyan ko ng calendaryo kapag ganun, hehe

    Comment ni Kiko Matsing — Disyembre 18, 2007 @ 10:58 hapon | Tugon

  15. naku sa amin.. parang kelangan ko na ng tape recorder at spy cam kc paulit-ulit clang nangangaroling.. tapos sasabhin nila hindi sila ung kanina.. iba cla.. sarap tampl tapalin.. lokohin b naman kmi.. nauubos na nga kendi namin kakapamigay sa knila psalamt cla magpapasko..hehehe
    kengkay: kanya kanyang gimik talaga ano, hahaha

    Comment ni repah — Disyembre 19, 2007 @ 4:55 umaga | Tugon

  16. nalu dito ang daming nangangaroling. pabalik balik paulit ulit. kaya nga minsan kahit gusto mong magbigay naiisip mo tuloy huwag na lang. kasi naman inuutakan na kami. hmmmm…..
    kengkay: bigyan mo na lang ng kendis, masaya na yon.

    Comment ni Ambo — Disyembre 19, 2007 @ 11:14 umaga | Tugon

  17. Salamat din po! Nakaka aliw ang mga entries mo sis! It makes me really just sit back and appreciate more what we have here despite our circumstance. Mahirap tlaga dito sa Pinas kahit pa sabihing tumataas value ng peso. Tama ka kung matuloy alis ko dapat ng namnamin at iba tlaga ang pasko dito. God bless you po! Thank you for your kind words, really appreciate you. Merry Christmas! :-)
    kengkay: hi jennie, salamat ha. inaaliw ko lang din sarili ko kasi naman wala akong matinong makausap dito ng tagalog e, lahat sila german salita, hehehe… bilib nga din ako sa yo dahil sa devotion ninyong mag asawa. maligayang pasko!

    Comment ni Jennie — Disyembre 20, 2007 @ 12:24 umaga | Tugon

  18. howdy admin. i have to say that you have a really nice blog(Caroling Kwentong Kengkay) and i was genuinely impressed with it.i am new to blogs and i would want to know other blog writers and learn from them. My blog(http://www.delicious.com/mitchelldolores78) is quite new and i’m still figuring out to work with it. i hope i will get to know a lot from bloggers like you. cheers for this well-written post.

    Comment ni Noah Valenzuela — Abril 27, 2011 @ 11:35 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers