Kwentong Kengkay

Disyembre 28, 2007

Kawawa ka naman, di ka proud sa lahi mo

Isinalansan sa: Ano Nga Ulit Yon?,Hmmp,Pasaway,Pinas,Seryus — kengkay @ 7:17 hapon

Merong pumasok na bagong comment dun sa aking maikling post tungkol sa pagbanggit ni Britney Spears sa Pilipinas dun sa kanyang bagong single na Pieces of Me. Eto ang iniwan nyang comment na hindi ko rin binura. Kasi gusto kong mabasa nyo, sayang naman kung hindi natin mapansin di ba? Pasko tapos bagong taon pa kaya naman pagbibigyan ko sya. Hihimayin ko ang kanyang komento dahil gusto ko lang.

for crying out loud, ‘philippines’ was used by the writers of the song because it sounds like ’scene’! it just really shows that you are insecure of your race. eh, bat naman kayo napunta sa issue na DH? lahat ng bagay o fact na involve ang filipino o philippines, ginagawang malaking issue at sabihing proud ka na sa lahi mo! ang tanong, talagang proud ba kayo sa walang kwentang government natin or insecure lang talaga kayo

for crying out loud: Hindi ako umiyak ng malakas, yan ang unang una. E bakit naman ako iiyak ng malakas e tipong tuwang tuwa nga ako dahil na ekstra ang Pinas sa kanta ni Britney. Baka ang gusto mong sabihin e napahalakhak ako ng tumataginting dahil naaliw ako sa balitang ito.

‘philippines’ was used by the writers of the song because it sounds like ’scene’!E manong o manang lp, kung sino ka man, sorry ha; hindi ko kasi alam na isa ka pala sa mga consultants nung kino-compose nila yung kantang Pieces of Me. Hindi ko alam na naghahanap lang pala sila ng ka tunog ng salitang ‘scene’ kaya napilitan silang ilagay ang ‘Philippines’ ; e bakit naman kaya hindi nila pinili ang bansang Saint Vincent and the Grenadines e katunog din naman yan ng ‘scene’?

it just really shows that you are insecure of your race: Erm, insecure of my race? Na insecure ako sa pagiging Pinoy ko dahil napaiyak ako ng malakas dahil katunog lang pala ng ‘scene’ ang ‘Philipines’ dahil yun nga ang napag usapan nyo ni Britney nung ginagawa nyo yung kanta? Okay, may logic nga akong nakikita rito.

eh, bat naman kayo napunta sa issue na DH?: E ikaw, bakit napunta sa isyu ng DH? Bakit ang tagal tagal ng isyu nito e ngayon ka lang naki usyoso at ngayon ka lang nagbibigay ng iyong mga komento? Ngayon ka lang ba nagising sa katotohan? Ewan ko kung sa anong katotohanan ka dapat magising, pero sana, hindi ka nagising lang dahil sa isyu lang ng DH na ito dahil ang labas nun, tinamaan ka rin ng isyu ng DH. Kung ano mang tinamaan sa yo.

lahat ng bagay o fact na involve ang filipino o philippines, ginagawang malaking issue at sabihing proud ka na sa lahi mo!: Kung ginagawa kong malaking isyu kapag tungkol sa Pinas ay kasi tumataba ang puso ko kapag may isyu tungkol sa Pinas na sa tingin ko ay maganda para sa aming bansa at para sa mga Pinoys; mas gusto ko kasi tumaba ang puso ko kesa madagdagan ang aking mga bilbil at sakit ng ulo dahil sa mga taong hindi makaintindi kung bakit ako dapat maging proud sa sarili kong lahi. Ginagawa kong malaking isyu ang mga mabangong balita tungkol sa Pinas dahil gusto kong malaman ng mga taong katulad mo na walang alam sa kagandahan ng Pinas, na walang pakialam sa kanyang lahi, na handang itakwil ang kanyang bayang sinilangan, na hindi marunong tumingin sa pinanggalingan, na masahol pa sa bilasang isda… Gusto kong ipagmalaki kung sino ako. Hindi ko ikinahihiya na isa akong Pinoy. Yan lang naman, simple lang di ba?

ang tanong, talagang proud ba kayo sa walang kwentang government natin: Ang tanong, sinabi ko bang yung gobyerno natin ang pinag uusapan dito? Sinabi ko ba kay Britney Spears na nung sinali nya ang Philippines sa lyrics e banggitin din nya na proud tayo sa gobyerno ng Pinas? Sinabi ko ba na may kwenta ang ating gobyerno, actually, kwento marami ang gobyerno at mga kwentahan sempre. Ang pinaguusapan natin ay yung kanta ni manay Britney at ang pagkaka-upo mo sa tabi nya nung napili nya ang ‘Philippines’ para itunog sa ‘scene.’

or insecure lang talaga kayo: Eherm, kayo? Meaning, ako at si Britney? Teka, di ba kayo ni Britney ang nagusap tungkol sa lyrics? Bakit ako tatanungin mo. Baka ikaw ang kulang sa pansin. Baka ikaw ang insecure. Baka ikaw ang naghahanap ng tunay na lahi mo. Pinoy ka nga ba, lp? Kasi nga ang tagal na ng isyu na ito. Tapos niyurak yurakan mo pa ang lahi ko. Hindi ako papayag na yurakan ng kahit sino pa man ang lahi kong Pinoy. Kung frustrated ka man sa mga hindi magandang nangyayari sa bansang Pilipinas, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mabaligtad ito? Kahit isa ka lang, sa ganda ng simulain mo, mahahawa na rin ang iba dyan. Pero kung poot sa lahing Pinoy at sa bansang Pinas ang iyong pinapalawak, nag iisa ka. Tandaan mo yan. Ikaw ang insecure kasi hindi mo alam kung sino ka talaga. Kung negative ka, positive ako.

Kung sino ka man, lp, mag-isip isip ka. Ang Pinas ay isa sa pinakamagandang bansa sa mundo. Aminin ko, may problema sa gobyerno. Pero kasi, may problema din sa mga taong katulad mo na panay dakdak lang pero wala namang magawang matino rin para sa bansa. Tingnan mo nga ang puso, isip, at kulay mo, anong lahi ka ba talaga? Sana masaya ang naging Pasko mo at sana maging masaya din ang Bagong Taon mo, kahit na hindi ka proud sa selebrasyon na ginagawa ng lahi mo.

Basta ako proud Pinoy! At mananatiling proud Pinoy.

Mga Puna »

  1. HOY LP!!! Kung sino ka man!!! Wala akong pake. Heheheh

    “hindi ko kasi alam na isa ka pala sa mga consultants nung kino-compose nila yung kantang Pieces of Me”

    AHAHAHHAHA
    kengkay: hay malen..mahirap magsalita

    Comment ni ymalen — Disyembre 28, 2007 @ 11:03 hapon | Tugon

  2. PINOY Aq! may agimat ang dugo q :D (bk xa ala)

    cguro ksma din xa nung writer ng Orinoco Flow ni Enya at ka rym din lng ng CEBU ang PERU ..
    pero kht ano p man, d mere fct na nabanggit yun, kundi ka kinilig, ibang dugo nga malamang ang nananalaytay jan sa ugat mo…
    kengkay: Pinoy din ako! HUGS

    Comment ni koreanmine — Disyembre 29, 2007 @ 12:42 umaga | Tugon

  3. sino ba yang LP na yan? kung mau katotohanan lahat ng pinagsasani niya, magpakita siya — BOGBOG aabutin niya! hahaha. taena, kaya lalong nawawala ang pagka-pilipino dahil sa mga taong kagaya niya. kamag-anak siguro yan ni malu..hahaha makitid ang utak.
    kengkay: hi jeckyll! hugs

    Comment ni jeckyll27 — Disyembre 29, 2007 @ 3:43 umaga | Tugon

  4. ..ive read ur blog and certain comments and i do agree in what uve said..kahit na medyo tagilid ang government naten im still proud to be pinoy..take a look at the amazing kid na na invite ni ellen..anong name ulit nun..basta ive seen her on u tube and she’s amazing pinay..si nicole ng pussycat dolls..si apol ng blackeyed peas..si lea..ung mga magagandang views sa pinas..di ba ang dame dameng dapat i appreciate..and im working in a callcenter and although there were americans who were racist..ung iba pag nalaman na pinoy ka at astig ka mag english sobrang bilib sila sau..kaya ba nila magtagalog or other languages ng ganon kadali?hehehe..so dun sa nag iinarte na kesyo di tau dapat proud maging pinoy..ang o.a mo ha…mahiya ka naman sa kaanak mo..basta ako proud din ako na maging Pinay..
    kengkay: grabe, andami talagang magaling na pinoy ano? HUGS

    Comment ni ice — Disyembre 29, 2007 @ 3:44 umaga | Tugon

  5. kakaiba yun LP na yan..masyadong papansin..he or she hates being a pinoy (obviously) e bakit dika na lang patiwakal?hahaha….adik pala yung LP na yan eh..thanks sa may ari ng blog na to sa pagtatanggol sa ating lahi…keep it up…(nag init ang ulo ko sa LP na yan…hmmp
    kengkay: kung lahat lang tayo proud sa ating lahi…

    Comment ni ice — Disyembre 29, 2007 @ 3:48 umaga | Tugon

  6. [...] Whether it is delivered with the ascerbic wit of an IT guy, or the humor of a newly-wed ex-law stude… or even the forever-swinging moods of a burnt-out broadcast executive… and the light sentiments of a homesick mom… [...]

    Pasa ni This time, in English… Please. « Ang Pinay Brodkaster — Disyembre 29, 2007 @ 3:50 umaga | Tugon

  7. Hahaha! Relaxed pa si Keng niyan. Pag bumanat yan ng todo, ewan ko na lang… :-D

    As for you LP… ‘Di naman masyadong delayed ang reaction mo ano? Ang tagal mo sigurong inisip yang comment mo tapos sablay pa… :-D

    At ito…

    “lahat ng bagay o fact na involve (sic) ang filipino o philippines, ginagawang malaking issue…” —> natural! Filipino tayo! Pag may issues tungkol sa Pinoy or sa Philippines, big deal yun para sa mga Pinoys! Unless wala kang pakelam…
    kengkay: hay jovi… matagal kong pinag aralan ang maging relaks ng ganyan, hindi sya simple

    Comment ni Jovi — Disyembre 29, 2007 @ 3:51 umaga | Tugon

  8. tsk tsk TSK!!! sinubayan…? :?
    kengkay: oks na pards, HUGS

    Comment ni homebodyhubby — Disyembre 29, 2007 @ 5:19 umaga | Tugon

  9. kung sino ka man lp ka..isa lang ang masasabi ko, malaki insecurities mo sa buhay. che!
    kengkay: hugs misyel

    Comment ni MisyeL — Disyembre 29, 2007 @ 5:38 umaga | Tugon

  10. ako pinoy ako… masasabi ko.. mglason ka na… hahaha
    kengkay: hugs, repah!

    Comment ni repah — Disyembre 29, 2007 @ 6:27 umaga | Tugon

  11. ei. do u rily think that britney wrote that song? magsearch ka nga sa net! ang dali mo naman ma flattered. before you go into the conclusion, look at the facts first.

    ‘pinatanggol tayo ni Britney Spears laban sa mga desperadang misis kahit na mukhang ang buhay nya e parang may simoy din ng kaguluhan sa DH’. lol. do u rily think she actually knows our country? she just sang a song that was given to her! go and say thank you to the writers of the song. they were the ones who put ‘the philippines’ because it perfectly fits in the rhythm of the song. try sing this..’or sneak away to saint vincent and the grenadines’. ang haba ng line kaya di bagay, di ba? lol. just like trinidad and tobago, you cannot separate the two names if you are talking bout countries.

    bout the dh, dont blame it to the stars. like britney, they were given with the script made by the writers. throw hate to the writers who were the ones responsible with. pero hindi naman fault ng writers why we are a joke to the world. it’s actually our fault why we look bad in the eyes of other countries (but not all of their people, ok?). just think of PRC..because they wanted to satisfy their greed, naging hindi honorable yung board exam ng nursing at ng engineering. people abroad cannot trust that much our medical professionals, etc because our government is not legitimate. akala mo ba hindi nakarating sa ibang bansa ang issue tungkol sa nursing board exam 2006? kaya nga nagiging joke tayo sa kanila. rememeber jay leno? noon pa tayo joke sa kanila dahil noon pa tayo kawawa.

    our country is rich but we are still poor because of many reasons. one is that we cannot help our own country. if lahat tayo ay proud ng country natin, eh hindi yan problema. pero if you are proud of your country, it means that you love her. so i will rephrase my question last time..do you really love your country, even though the government is not helping you and the other filipinos? if so, then you do not jaywalk, you throw garbage at proper places, and do other small but incredible things. if you are proud and love your country, then you simply respect and follow the rules and laws of your country. also, you do not leave her for greener pasture. it’s like you betrayed her and left for good.

    this is to the readers of this blog. .
    do an evaluation of yourself. what does ‘proud of country or love of country’ mean to you? is it the deeper meaning of pride and love? or hanggang surface lang yang feeling mo sa country mo? ang dami natin problema sa politics, doon pa kayo umaksaya sa entertainment. you pay so much attention to international issues, yung local binabale wala. proud ba yan sa country? inaabangan ang mga may dugong pinoy sa labas at sabihing sobrang proud sila sa sikat na pinoy at gusto nilang malaman ng buong mundo na magaling talaga ang pinoy. it’s more like insecurity to me. think of the japanese, the thais, etc. they do not act like us. only we feel secure when we make a good international image. alam kasi natin di natin kaya masolve problema natin sa local. pero para sa akin, may hope pa. eh kayo? tingnan natin kung sinong mag abroad para sa kabutihan ng buhay niya at hindi sa kapwa pilipino niya.

    back to brit issue, which is actually the reason why i made a comment last time, you said this:
    Maraming salamat kay Britney Spears for speaking up for the Philippines.
    >>she did not. she does not know any issue of our country and she does not give a damn. she only gives shit to fame that is destroying her life, as what she has implied. so do not be too overwhelmed with it.
    kengkay: tungkol sa ibang lahi katulad ng thai at japanese, hindi lang natin alam kung papano sila mag react kapag inaapi ang lahi nila kasi hindi nila sa inglis sinasagot yung mga alipusta kundi sa sarili nilang salita. alam ko yan dahil nagtagal din ako sa thailand at nakita ko kung papano sila nagwawala kapag inaapi sila ng ibang lahi. ayaw ko ng himay himayin pa basta ang nabasa ko lang e proud pinoy ka rin pala e… http://kengkay.wordpress.com/2007/12/29/ayoko-ng-away/

    Comment ni lp — Disyembre 29, 2007 @ 8:50 umaga | Tugon

  12. for the record, im proud im pinoy and i love my country. it came to a point that i wanted to be the president so that i could fix the things. so never say that i hate my skin and my blood.

    oh well..let us all enjoy the rest of 2007 kahit bulok pa rin systema ng gobyerno! pinoy eh, palaging happy. hindi kasi sineseryoso. hahaha
    kengkay: tama ka, enjoy na lang natin ang bagong papasok na taon at ipagdasal na maging maganda ang 2008 para sa ating lahat

    Comment ni lp — Disyembre 29, 2007 @ 9:01 umaga | Tugon

  13. masaya ko kse hindi na ko nagtatae!!!
    at ipopost ko yun sa blog ko… dahil blog ko yun!

    ginagawa ko din dati yan, nangongontra ko sa blog ng may blog… pag gusto kong magpapansin’

    “DO NOT FEED THE TROLL”

    may sarili kang hinaing? iblog mo! magblog ka!
    hindi mo kaya? halika dito sa tabi ko…
    kengkay: mas delikado yata kung tatabi sa yo, dyon :)

    Comment ni Jon Cabron — Disyembre 29, 2007 @ 9:17 umaga | Tugon

  14. napunta ako sa pagiging proud ng bansa dahil sabi mo noon, ‘Heniway, sabi ko nga, let this be a challenge to us. Inform the world what greatness we’ve got.’ proud ka nga, di ba?

    what i meant in ‘insecure lang talaga kayo’ is not you and britney but you and the other filipinos who take a big issue out of small and unnecessary things. anong masasabi mo sa magdalo group o sa opposition ngayon. si arroyo? ang low-class society? education and poverty ngayon?i guess you do not care bout them. entertainment yata field mo. hindi na man ako kokontra if entertainment gusto mo..people can show their flip pride anywhere, anyhow. just do an evaluation of yourself, ok. let us realize that there is something big waiting for our participation and help.

    Comment ni lp — Disyembre 29, 2007 @ 9:28 umaga | Tugon

  15. wow, teka, popcorn pls… mejo mainit-init na talakayan ata itong nabutan ko sa bahay mo ate kengs..

    hmmmm, wala akong ibang masabi kundi, gudlak.

    pinoy ako at kahit wala ako sa Pinas, proud pa rin ako sa pagiging pinoy. normal lang na maging proud ka kapag nababanggit ang pinas – mapa-TV, radyo, o babasahin pa yan. normal lang din na magreact ka sa mga negative na bagay na nababanggit tungkol sa pilipinas dahil pilipino ka.

    insecurity ba ung maging proud ka dahil naging sikat internationally ang isang Pinoy? insecurity ba ang tawag sa feeling na masaya ka dahil kilala ang Pilipinas sa ibang bansa?

    ewan ko lang ha. ewan ko lang.
    kengkay: ewan ko lang din, hugs to you

    Comment ni karmi — Disyembre 29, 2007 @ 1:03 hapon | Tugon

  16. Masysdo ka namang hayblood LP…ako cocoment na talaga ako ha…at papakita ko talaga tootong pagkamaldito ko…here it is…if u dont like the shit of kengkay dont go here. make ur own blog and spill all the pains you have with the philippines…indi kasalanan ng pinas na naging mahirap ka..ako galing ako sa mahirap….nagtiyaga ako, at kung sasabihin mo na naghihirap ang pinoy, think again!MAYAMAN NA AKO!wahahahhaa…naghihirap lang ang iba kasi indi sila marunong magbanat ng buto…

    2. You should be thankful na nabangit ang pinas.bakit?dadagsa ang visitors dito kasi macucurius kung bakit sinabi ni britney yun, may bombhan dito, sunugan, patayan. Ayush?

    3. Magkasouns? Pwde namang gawan ng lyrics yun sa huli na, BEANS, Planes, games, lames, fames sa salitang SCENE. Indi lang pinas ang may magkatunog ang “SCENE.

    4. Si britney ant topic?bakit napunta sa DH churbalo at goevrnment yun?nako….tatae na ako!

    5. SA mga mahihirap, maraming ways ang pwdeng gawin para yumaman…nagiging mahirap lang ang IBA kasi tamad sila. Sa squaters ako galing. SO wat now?lols

    6. what i meant in ‘insecure lang talaga kayo’ is not you and britney but you and the other filipinos who take a big issue out of small and unnecessary things. -sinali mo pakami?lols……oist!!!!i love you na! Sa susunod lagyan mo ng pangalan ang mga honorable mention.

    7. RULE sa BLOGGING: IF YOU DONT HAVE SOMETHING GOOD TO SAY SA KAPWA MO, LAGYAN MG ISTIPLER BUNGANGA MO. XMAS NGAYUN!!!MAG MEDITATE NAMAN KAYU.

    8. Wala akong paki sau….basta si britney ex-gf ko..want a piece of me?give me more!

    lols…payt ate kengks!!mamatay ang contra partido!lols

    7.
    kengkay: mahahalikan kita, maldito

    Comment ni Maldito — Disyembre 29, 2007 @ 1:05 hapon | Tugon

  17. alam ko kung sino si LP—–LORNA POLENTINO!!!ahahhaha..patayin sa sindak si barbara drama mo neng?lols..love you LP!!!akin ka lang pls!
    kengkay: huh :D

    Comment ni Maldito — Disyembre 29, 2007 @ 1:14 hapon | Tugon

  18. whoa.. may kaguluhan pala d2, pede makiusyuso ahehe.. sa opinyon ko lang, kaya ganyan ang naging comment nung lp kasi dinibdib nya masyado yung entry mo ate kengks. at sino ba sya para magsabi na mag self-evaluation kmi?!

    wag po naman kau magpaka-know it all, ate lp (kung ate ka man) ksi u don’t know it all. ang close-minded mo pakinggan sa mga sagot mo, sus kung mabasa mo lang ibang blogs baka atakehen ka sa puso kung ite-take mo nga seriously lahat. loosen up ka na lang! gawin mo suggestion nila na gumawa ng sariling blog (para malabas mo yan lahat ng tinatago mo, hahaba ng replies mo eh lolz), join ka pa sa WPP if u like haha at tsaka kumanta ka na lang ng “pieces of me”.. marerelaks ka talaga :D
    kengkay: tama ka, relaks lang

    Comment ni lilmiz — Disyembre 29, 2007 @ 2:01 hapon | Tugon

  19. oi maldito.. cge jan ka na sa lp mo, break na tau. bwahaha.
    kengkay: oops, ang lab tim

    Comment ni lilmiz — Disyembre 29, 2007 @ 2:04 hapon | Tugon

  20. sori bhe ko..indi kita pagpapalit kay LP…..mas maganda kapa..ayoko sa mapangasawa ko ang anti britney..maka britney kasi tayu bhe..di ba pag nanganak ka ulit pangalan niya ang britney din?britney tyson….love u bhe ko…kaw lang sa puso ko…si LP nasa puson ko..ahrhhrr
    kengkay: at sumagot ang ka lab tim :D

    Comment ni Maldito — Disyembre 29, 2007 @ 2:24 hapon | Tugon

  21. NAKIKINIG LANG AKO SA MGA USAPAN NINYO, but one is VERRRRY CLEAR, walang bayag si LP. Sana pakilala ko para credible yong sinasabi mo.

    No matter how totally fucked up the government, the government officials has got nothing to do with being proud as a Pinoy. So that point is completely irrelevant that you are bringing up LP. No point of discussion.

    Now, INSECURITY? What’s to be insecure about being a Filipino? Filipinos are one of the most, uber-ever ever nationalistic people in the world.

    Use the rule for LP. It’s called deadmatology. I think he/she/it trying to create some ruffles baka me binebenta? Ano kaya ang merchandise nya?
    kengkay: mahal na reyna, bagsak ako sa deadmatology e pero etong malaking hugabugs para sa yo

    Comment ni reyna elena — Disyembre 29, 2007 @ 4:14 hapon | Tugon

  22. maldito…hanggang dito dinadala mo ang pag ka praning mo…hahhaa

    love it! eh lalake yata si LP eh….LITO PAPID??? Ahahahahhaha

    @ reynaelena, korekted by ka jan kabisyooo! DEADMATOLOGY 101, 102, 103
    kengkay: i repeat, bagsak ako sa subject na yan, hehe HUGS

    Comment ni chuvaness — Disyembre 29, 2007 @ 5:08 hapon | Tugon

  23. take it from the Queen!…nakana mo tol, pag ganyang nangangamoy politika, si rheynz ang bida! para sa akin, filipinos are far far more superior. ang swit nyo talaga lilmiz and maldito, musta na korea mo?…..hapi new year kenks and the rest! magpapaputok ba kayo???
    kengkay: napansin mo rin ang mag ka lab tim ha

    Comment ni partofyou — Disyembre 29, 2007 @ 5:20 hapon | Tugon

  24. Si britney talaga oo ! kasalanan nya lahat to!hahaha
    kengkay: kasalanan lahat ni kevin federline

    Comment ni cheh — Disyembre 29, 2007 @ 5:33 hapon | Tugon

  25. I second the ‘mention’ Cheh. Ok na nga at nasali, nagreklamo pa. PANIS!

    Kenks, ang puso.
    kengkay: okay pa ang pusko ko, K hugs

    Comment ni K — Disyembre 29, 2007 @ 6:40 hapon | Tugon

  26. hay naku lp, o sya ayan sikat ka na … ilabas mo na ang tinda mo hahaha =)
    kengkay: hugs to you pusa!

    Comment ni pusa — Disyembre 30, 2007 @ 12:22 umaga | Tugon

  27. ahh eto pala ung kaguluhan hehehe.. sino kaya si LP??? bakit walang link papunta sa blog niya?
    kengkay: wala syang blog, yata

    Comment ni Rhapsody — Disyembre 30, 2007 @ 5:27 umaga | Tugon

  28. im a britney fan kaya nga napunta ako dito.

    since you cannot see my point and i dont want to explain again, then im done in this space. sa bagay, iba2 naman opinions natin. kaya nga may wordpress para at least may exercise pa rin para sa brains natin kahit unti-unting nauubos brain cells natin sa pag-iinom.

    by the way, di dahil christmas magpakabait ka. sa totoo lang, everyday should be christmas. debate lang gusto ko, di naman gulo. hahaha.

    at least we made this blog busy.

    guilty ang nagagalit.

    whapaak!

    kengkay: basahin mo muna to http://kengkay.wordpress.com/2007/12/29/ayoko-ng-away/ at hugs din to you

    Comment ni lp — Disyembre 30, 2007 @ 6:59 umaga | Tugon

  29. eeer? cnu ba si LP? at bakit dna lang sya gumawa ng sarili blog to speak up? buti naman natagil na toh…
    kengkay: hindi ko rin sya kilala e

    Comment ni dhez — Disyembre 30, 2007 @ 9:08 umaga | Tugon

  30. shheess.. sana nga nag blog na lang sya….
    kengkay: sana nga

    Comment ni angel — Disyembre 30, 2007 @ 9:56 umaga | Tugon

  31. hanep ka LP. you made an issue out of nothing.
    ate kengks, i got your point in your previous entry. yun lang. period. :) ang haba ng litanya kasi ng ibang hindi maka-appreciate ng humor mo. haha. at sang-ayon ako kay joncabron.
    kengkay: hugs ris!

    Comment ni ris — Disyembre 30, 2007 @ 12:29 hapon | Tugon

  32. Grabe sis! Nalowka ako sa mga pangyayari sa kabakuran mo. Ang kulit ni Maldito.

    Just reminded me of a previous disbelief on an uncalled for comment http://www.marriageandbeyond.com/2006/12/16/thoughts-on-little-girls-and-priests/

    Challenge tlaga sa atin mga ganitong personalities. Mukang back off na naman siya. Malamang nga nais lang makipagbaliktaktakan, mali lang timing at hirit. Hehe. Happy Holidays po sa ating lahat! :-)
    kengkay: hugs to you, too. happy new year din!

    Comment ni jenaspacio — Disyembre 30, 2007 @ 3:16 hapon | Tugon

  33. nagcomment po xa ate kengkay (pero yung sagot mo lang binasa ko hehe), parang bati na po kau.

    ah, ito pala ang kantang sinasabi ng cousin ko na may salitang “Philippines”, di ko pa kc narinig eh.. hehe. *punta sa youtube*

    happy new year din po! :-D
    kengkay: hala weng, i update mo sarili mo. actually ako din di ko pa naririnig yang kantang yan e, hahaha

    Comment ni weng — Disyembre 31, 2007 @ 2:55 umaga | Tugon

  34. haysus, nagc-compose ako ng comment ko dito sa post at balitaktakan dito nang biglang namatay ang laftaf… kasuya naman.
    eniwei, mommy kengks, ganto ang mga gusto ko mabasa… major ranting. hehehe.
    agree ako with reyna & malen – deadmatology ito! although ansarap naman din talagang magbigyan ng 1 ang mga taong kung maka-comment eh mas mahaba pa sa blog post mo (err, maldito, baka isipin mo ikaw, di ikaw ha, hehe) at kung maka-comment pa eh akala mo gustong magsimula ng gulo.
    tapos ic-credit pa sa sarili nila kaya naging busy ang blog na ito. duh.
    hugs to you mommy kengks, kever ba nya kung ano gusto mo i-comment/post dito? kaya nga blog mo to eh diba? sus.
    kengkay: salamat dear :D malaki at mahigpit na hugs para sa yo

    Comment ni antuken — Disyembre 31, 2007 @ 4:20 umaga | Tugon

  35. May comment na pala ako dito nuon. Ang iksi yata nung comment ko — akin nga ba yun? (joke)
    Eherm… tita kengkay, ngayon ko lang napansin unclickable pala yang si “lp”… walang link. (anpeyr!)

    Comment ni homebodyhubby — Agosto 10, 2008 @ 1:17 umaga | Tugon

  36. Yan si mommy kengkaY.

    Napa standing ovation ako mam.

    BRAVO.

    hoy LP kung asan ka man, wag ka nang lalabas. Papa-rape kita sa first gentleman! At papasampal kita sa maldita kong pamangking si Buffy!

    Comment ni themiseducationofzapped — Agosto 12, 2008 @ 10:23 hapon | Tugon

  37. Ahehehehehe…daming mga komento di ko na binasa ung iba..tinatamad na ako..hehe..

    aa..basta ako PROUD talaga ako na PINOY ako…
    at kahit kailan HINDING-HINDI ko TATALIKURAN ang PILIPINAS …hehe

    ee baka si lp may problema yan..kaya nagkakaganyan …?
    kung sino ka naman po..wala lang..hehe..

    Go ate kengkay! pinapahanga mo po ako !!! muah! :p

    Comment ni sakitnglikod — Abril 7, 2010 @ 4:16 hapon | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.