Oo naman, ang selebrasyon ng Pasko dito ay dalawang beses. Teka muna, linawin ko ha.
Sempre merong yung ika-24 ng Disyembre. Dyan yung mismong exchange gifts ng pamilya at sempre, handaan na agad yan. Tradisyonal dito na magkantaan mismo sa may harap ng krismas tree bago ibigay ang regalo. Kumbaga e, pahirapan muna, hehehe. Diyan ko na nilalabas yung mga regalo at nilalagay sa ilalim ng krismas tri. At ang nagdadala ng regalo dito, hindi na si Santa Claus, kasi nga dumating na sya nung ika 6 ng Disyembre di ba? Kaya ang nagdadala ng regalo dito ay ang Christkind, si Baby Jesus. Kasi nga second coming nya di ba?
Tapos kinabukasan, yun ang tunay na Pasko. Yun naman ang bigayan ng regalo sa mga iba pang kamag-anakan. At sempre, handaan ulit. E ano naman daw yung pangalawang araw ng Pasko? Yan ang ika 26 ng Disyembre. Holiday din yan dito. Kasi nga, tradisyonal na may selebrasyon sila ng second day of Christmas. Ang saya di ba? Ang haba ng Pasko nila dito. Pero wala ng bigayan ng regalo, pwera na lang kung hindi nyo naibigay nung unang Pasko. Ang meron na lang, handaan at konting drinks.
Ah basta ang alam ko, ang Pasko ay asa puso. Pwedeng araw araw Pasko di ba? Ang aming drama nung ika-24 ng Disyembre ayan sa mga pictures. Ano ginawa namin? Namingwit ng aming ihahandang isda sa isang palaisdaaan na kalayo layo, dalawang oras biyahe namin, whew! Tapos naglakwatsa ng konti sa kabundukan kahit na ang kyut ng suot namin
Tapos dinalaw ang lolo at lola, tapos nagsimba, tapos nag exchange gift, tapos nagluto si kengkoy ng dinner, tapos nag dinner kami, tapos nung tulog na ang mga bata, nanood kami ni kengkoy ng apocalypse, hehehe.
Click nyo lang yung view all images!






mami kengs,danke schoen sa karte!muaaah muaah sa imo:)
kengkay: huy, salamat din sa card mo, sabi nung bunso ko e para sa kanya daw yon, hehe
Comment ni cheh — Disyembre 29, 2007 @ 5:36 hapon |