Mga ka-blog, mga kaibigang walang blog pero naliligaw sa aking blog, mga kaibigang nakikichismis ng hindi man lang nag iiwan ng bakas, mga kaibigan kong hindi nag bo blog pero nauuto kong bisitahin ako sa blog kong ito — Maligayang Pasko! Eto ang pinaka kyut na pagbati para sa inyong lahat!
Disyembre 24, 2007
Pasko Na
Disyembre 23, 2007
Handa
Kayo anong handa nyo ngayong Pasko? Kasi kami ni kengkoy ang tagal naming nag-lista ng aming ihahanda ngayong Pasko. Alam nyo naman kasi dito, kapag holidays e nakasara ang mga tindahan. Mabuti nga at medyo naging late na yung bukas ng tindahan, dati dapat alas sais pa lang ng hapon e nakapamili ka na at kapag Sabado naman, dapat maaga gising mo kasi alas dos ng hapon sarado na rin lahat. Ngayon nag improve na sila, bukas na ang tindahan hanggang alas gis ng gabi, kahit na Sabado. Kaya lang, sarado pa rin sila kapag holidays.
Heniway, nag order kami ng aming pagkain para ngayong holidays dun sa aming meat shop. Kinuha namin yung aming order nitong Biyernes. Sempre yung mga normal na pang almusal kasama na dun katulad ng cold cuts at frankfurter, at yung meat loaf na ginawa naming cordon bleu kahapon. Mamaya ang ulam namin ay frankfurter na binalutan ng arina na may kapatid na mashed potatoes. Tapos bukas, sa media noche namin, pupunta kami sa isang local fish pond dahil isda ang aming handa! Oo, isda o kaya ay mga wild meat ang handa nila dito kapag Pasko. Waaahh, kakamiss ang ham, keso de bola na nakapalaman sa pandesal, at yung morcon ni nanay ko.
Pero kasi naman yong handang pagkain sa Pinas, normal na pagkain na dito, kaya naman dapat iba naman kapag Pasko. Sa totoo lang, nung nakaraang Pasko, nagluto itong aking sister in law ng reindeer meat, at nung nakaraan naman ay isang ‘hare meat’ — mabuti kamo sinabi nila sa akin bago yung araw ng handaan. Sabi ko talaga hindi ko kayang sikmurain yung ganung wild meat. Edi nagluto sila ng isda para sa akin at para dun sa isang pamangkin ko dito na vegetarian na ngayon ay kumakain na ulit ng karne.
Mabalik tayo sa handa namin sa media noche. Mangingisda kami bukas kahit na ang lamig lamig na dito. Pero hindi daw kami white Christmas, hmp. So ang katapat nitong isda ay buttered mais at peas; pero parang gusto kong magsaing ng kanin, hehehe.
Tapos sa araw ng Pasko, dun sa sister in law ko ang handaan. Dun ang aming exchange gifts. Kami ang taya sa green salad. Hindi ko alam kung ano ang main dish, di ko pa natatanong, pero sana hindi wild meat. Kundi magbabaon ako ng sinangag!
Kayo, ano handa nyo sa media noche at sa Pasko?
Disyembre 22, 2007
Beinte Lang
Ang gandang regalo ni cheh, jojie at pinilit ko rin si reyna elena na ibato ito sa akin, isang medyo mahaba-haba ring tag
Pero dahil regalo ito, buong puso kong sasagutin.
Remove 1 question from below, and add in your personal question, make it a total of 20 questions, then tag 8 people in your list, list them out at the end of this post. Notify them in their chat box that he/she has been tagged. Whoever does the tag will have blessings from all.
Handa na ba kayong magpabola kay kengkay, pwes…..
20 Questions Meme
1.) At what age do you wish to marry?
Gusto ko sana nung 18, kaya lang iba napangasawa nung aking pers lab e.
2.) What color do you like most?
Gandang ganda talaga ako sa gray, dark or light man sya. Pero hindi naman gray ang mundo ko ha.
3.) If you have the chance, what would you probably say to your beloved one?
Uuwi ako ng Pilipinas ng mag-isa, sana okay lang sa yo, darling kengkoy.
4.) Where is the place that you want to go the most?
Yung clue asa number 3.
5.) Which part of you that you hate the most?
Disyembre 20, 2007
85th berdey
Ano kaya hitsura ko kapag 85 years old na ako? Kyut pa rin kaya ako, hmp
Kasi bukas 85th berdey ng aking pinakamamahal na mother in law. Sya talaga ang da best na mother in law sa buong mundo. Bakit kanyo?
1. Kapag sinabi kong gusto kong kumain nung pagkain na hindi ko alam lutuin, imbitahin nya ako kasama ng mga little kengkays at ipagluluto nya kami
2. Kapag may tsokolate at kung ano pang minatamis sya sa bahay, tinatawagan nya agad kami para sumakit din ipen namin
3. Kapag sa landian, inggit ako kasi sa isang buwan ay mahigit kumulang na 200 euro ang nagagastos nya para lang sa mukha nya. Samantalang ako e oil of olay lang, masaya na huhuhhu. Pero teka, kapag pinansin ko naman yung kanyang lotion o yung kanyang cream, pwede ko na agad iuwi sa bahay, di ba. Kasali pala ako sa gastos na yon!
(may karugtong…)
Walang Reklamo
Talaga itong si batang ligaw, ni tag pa talaga ako. Pero sige na nga, kasi baka lalong maligaw kaya gawin ko na rin
Atsaka sabi kasi wala daw dapat reklamo kasi daw lucky daw ako… takot ko lang!
***Do the following without any complaints..
***Choose 5 Lucky people to do this after you have done it..
***Leave a tag at his/her tagboard if he/she has been tagged..
QUIZ starts!
Favorites
Color – Gray, Black, Brown, Blue
Food -Japanese, Filipino, Chinese, Thai, Indian
Song – Basta wag lang hiphop at metal
Sports – football, handball
Days of The Week – Sabado at Linggo
Ice Cream – Rocky Road, macapuno, pistaccio
Currents
Mood – masaya
Taste- matamis
Shirt – long sleeves
Desktop – picture ng mga bebi ko
Toe nail – natural
Time – 18:11
Surroundings – attic
Thoughts – nangangarap ng paskong Pinas
(may karugtong…)
