pinalitan ko ang laman ng aking post . kaya kung medyo iba yung dating ng mga komento, yun na ang dahilan
![]()
anong ginawa ko nung bagong taon? marami.
busy dito, busy duon.
malalaman ninyo kung ano sa mga susunod na kabanta.
meanwhile — dumating ang mga nagdadala ng swerte: yung giant pretzel galing kay opa, meron kaming isang dosenang bilugan na prutas, meron kaming table fireworks at fireworks para sa kalsada, nakatanggap kami ng marzipan na baboy galing kay kengkoy, nag toast kami ng sekt, nanood kami ng countdown sa telebisyon, at kumain kami ng raclette.
at por da pers taym, meron kaming kasamang nag celebrate ng bagong taon. yung pamilyang italyano na may tatlong makukulit na boys. ang masarap dun, enjoy din sila magkaraoke! hehehe. sikat din pala ang karaoke party sa italya!
yan na muna at kanya kanyang linis dito ng harapan ng bahay kapag umaga, sa dami ba naman ng dumi na dala ng mga paputok ano!
sino ang inyong guardian angel? basta sabi ko nga maraming anghel na akong nakasalubong sa lupang ibabaw
yung iba pala naka-chat at naka blog hop ko pa lang
Manigong bagong taon.
Let’s dream the impossible for impossible dreams do come true!
