Kwentong Kengkay

Enero 30, 2008

Guest si Kengkay sa Usapang Pinoy Radio Show

At dahil na insecure ako ever sa chismisang nangyari sa ere kina Reyna Elena at Dr. Joy at sa mga aliping sagigilid habang ako ay walang malay nag nag-aaruga ang aming special honorable guests sa bahay… pinagpilitan ko ang sarili ko na maging dakilang panauhin din sa sa Usapang Pinoy sa Future Radio UK. Habang nagpapainit ako ng tubig para ibuhos sa Lucky Me Bulalo Soup ko ay nagbobolahan kami ni Joy sa telepono at biglang meron akong karapatan biglang mag guest sa kanyang radio show, wohhhhhooo.

Kaya bilib ako sa aking motto e ‘dream the impossible coz impossible dreams do come true’ — well, hindi ako nananaginip; at hindi rin ako natutulog ng gising at hindi ako nang-ookray (wala lang, bagong salita na nakakakiliting isulat). That impossible dream would be coming true as I would be the guest at the pinakasikat ever na radio show sa buong Oyropa, Usapang Pinoy, this coming Saturday, 02 February at 3 pm UK time, 11 pm Manila time, 4 pm German time at kung ano man time meron kayo sa inyong sulok ng mundo, pwede paki kompyut-kompyut na lang, hehehe…

Basta i-click nyo lang itong Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question. Basta wag lang mahirap at walang kinalaman sa matematika ha, hahaha.

Oo, si Kengkay ang panauhin sa Usapang Pinoy eto nga ang konting chika:

Anyway, it’s official mga kabisyo! The Queen of Buckingham Palace had requested that the Queen of Vacklingham Palace be allowed on the Brit Airwaves once again, together one another for the second time around once more forever to make Prince Harry happy. And so, Future Radio UK has officially invited the stunning me and me alone, to guest the uber super ever ever Usapang Pinoy Show of the beautiful Dr. Joy Barredo who only beat me by one shower and one and half bath soap. Join us on February 16, 2008 at Future Radio UK, 96.5 FM.

Ooops, ayan, napansin tuloy na nangongopya lang ako, ahahahaha. Si Reyna Elena ang bulaklaking guest sa Feb. 16 at si kengkay naman ang makabagbagdamdaming makakapanayam ni Joy ngayong darating na Sabado, 02 February. Ano daw ang pag-uusapan natin? Ang buhay buhay ng mga Pinoy sa loob at labas ng Pinas at kung ano ang maitutulong natin para sa ating bansa… actually ako lang nagsabi nyang mga topics na yan para naman hindi ako masyadong mabulag-pipi-at bingi sa mga oras na yon, hahaha.

Okay, magshopping muna ako ng trahe de boda para sa Sabado (oops, radio nga pala yon, haha) at ihahanda ko muna ang kweba kung saan ko itatago ang mga little kengkays at si kengkoy sa Sabado. Kasi kung hindi, hiyawan lang ng mga anak ko at malulutong na halakhak lang ni kengkoy ang maririnig nyo :D Basta ha, kita kits tayo sa Sabado, ika-2 ng Pebrero at 3 pm UK time sa Future Radio UK . Sige na, makinig na kayo. Plis lang, pramis, kakaway-kawayan ko kayo habang nasa ere na ako.

Okay, alis muna ako. Mag-iipon muna ako ng maraming inglis at tagalog at medyo kakalimutan ko muna ang aking aleman.

Gubat, Sorsogon

Hay bohey. Alam nyo bang hanggang ngayon e umiikot pa rin ang pwet ko dahil hindi pa rin ako makapag desisyon kung saang dagat kami mamalagi nitong mga little kengkays ko habang asa Pinas kami?

Mahirap talaga ang may lahing sirena at siyokoy e… kailangan parati sa may malapit sa dagat. So ngayon naman, lalong nilito ako ng aking kapatid kasi daw meron daw magandang dagat sa Bicol at libre pa daw. Kasi meron daw silang summer housessssss — o andaming sss nyang bahay na yan kasi isang buong compound yan ng mga bahay kubo na pinagawa nung papa in law nya para sa buong pamilya. Para walang siksikan kapag holy week, kapag nagbalikan ang mga daga sa lungga. At sempre, libre ang beach. Sobrang ganda daw at lalo pa dahil natural na natural ang dating nya.

Edi naghalunggkat naman ako sa internet agad. O ayun, naloka na naman ako sa mga sobrang updated na local websites sa Pinas. Sobrang dami kong nalaman, yun nga lang, hindi yung dapat at nais kong malaman… Kaka frustrate talaga. Halos walang government website at mangilan ngilan lang ang tourist websites sa Pinas na updated, hayyy ulit. Pero mukhang maganda daw itong Gubat, Sorsogon e. Ayon dun sa mga sites na nagbanggit dito. At sempre yung mga litrato na nakita ko..kaya lang halos panay kaway kaway ang mga tao kaya hindi ko maaninag yung ganda ng beach e. Tapos may Rizal Beach pa at sempre maraming pwedeng ikutin dun. Talagang okay dun magbakasyon.

Ngayon lang, kailangan kong kumbinsihin si kengkoy. Kasi kahit libre yung bahay at yung beach; merong hindi gusto dun si kengkoy ko e. Kasi kapag bakasyon daw, dapat bakasyon. Walang dapat magluto, maglinis ng bahay, magwalis, maglaba, magplantsa, at kung ano pang normal na ginagawa kapag asa balay tayo. In short, dapat magpa reyna at haring tagigilid ang drama namin. E sabi ko sempre kapag asa bahay dapat may magluto — ay, biglang wag na daw. Bawal daw magluto kahit si nanay at tatay ko. E sabi ko maganda yung beach tapos libre yung bahay… hindi kumbinsido. Sa tingin ko natatakot sya na biglang sya ang magluto; katulad ng nangyayari sa bahay namin, hahaha… E dapat nga syang matakot kung ganon :D

Pero maganda nga ba sa Rizal Beach sa Sorsogon?

Enero 29, 2008

Paki Basa, Plis

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Duon sa Amin,Kaibigan,Paki Lang,Pinas,Seryus — kengkay @ 2:22 hapon

I got this from Jovi who said,

This was sent to me via email last January 17 but I was only able to open it today. I’m not sure if the kid has already been found. I sure hope so…

A faculty member of the Philippine Center for Creative Imaging (PCCI), Mr. HENRY LOPEZ, has sent an appeal for help in locating his daughter ANGELICA, missing since December 29, 2007.

angel.jpg

From Kengkay: I checked the internet for updates and landed on this site. Hindi ko alam kung natagpuan na nila ang batang si Angel; wala akong mahanap na updates. But still, I am offering prayers to her family and friends and giving this space for her on my blog; just in case.

—-

Bigyan rin natin ng konting pansin itong si Kathy Griffin. Ako hindi ko kilala kung sino itong artista na ito, hindi ko rin alam kung anong show meron sya. Pero lalo siyang sumikat hindi lang dahil sa Emmy nya kundi dahil sa acceptance speech nya:

“At the Emmy awards, Kathy Griffin’s acceptance speech said, ‘A lot of people come up here and thank Jesus for this award. I
want you to know that no one had less to do with this award than Jesus. Suck it, Jesus. This is my God now!’ referring to the Emmy. Read more.

Kung joke man itong mga iniwan nyang pananalita, bad taste. Very, very bad taste. Anong reaction ng mga tao? I boycott ang lahat ng shows, magazines, videos, music, suking tindahan at kung ano mang may kinalaman sa kanya. E ako dahil hindi ko naman sya kilala, kakalimutan ko na lang sya ulit.

Enero 28, 2008

Pinoy Care Giver

Si kengkoy nagbibilang na ng araw, kasi nga malapit na kami umuwi ng Pinas di ba? Itong mga anak ko hindi na makatulog. Tanong na rin ng tanong. Si kengkay lang yata ang cool e, wag nyo na lang tanungin kung anong pinag-nanasaan kong kainin halos araw-araw (lucky me, fita, pansit, sinangag, nilaga, at may balak pa akong magputo ha).

Eniway, ang tunay na istorya nito ay ang aking mga balae. Kasi nga matatanda na sila e, otsenta’y singko at otsenta’y sais. Ngayon, halos dalawang taon ang inabot bago sila pumayag na tumanggap ng taga linis ng bahay nila kahit na hindi na talaga nila kaya. Grabeng diskusyones yon. Halos mag away, iyakan, sigawan, walang pansinan, aalisan daw ng mana, at kung ano pang drama. Sa kahulihan, pumayag din sila kasi talagang kailangan na nila. Pero sempre hindi nila inamin yon ha. Sinabi nila e kasi pagbibigyan daw kami. O di ayan, may taga linis sila isang araw sa buong linggo.
(may karugtong…)

May K ba akong magreklamo?

Dun sa huling post ko e nag rant ako sa buhay Alemanya; pero may K nga ba akong mag-reklamo? Bakit kanyo?

1. merong kaming makina na taga hugas ng plato at kubyertos at kung ano pa mang ginamit sa hapag kainan at pagluluto

2. ang washing machine namin may sariling taga piga

3. meron kaming makina para taga-tuyo (ayupppps nga lang kumain ng kuryente)

4. meron kaming sariling koi pond sa aming bakuran na kung sa atin yon ay isang kanal lamang

5. ang mga bata ay may sariling playground (may swing, padulasan, bahay-bahayan, maliit na pool, sand box, etc)

6. meron kaming sariling hardin na hitik na hitik sa prutas at gulay; halos hindi na namin kailangan mamili kapag oras ng harvest talaga

7. kung wala namang harvest; namimili kami ng gulay at karne sa mismong pinanggagalingan nito – sa bukid at sa katayan; fresh talaga

8. mahal ako ng aking mga in laws at mahal ko rin sila sempre

9. mas malinis ng di hamak ang hinihinga naming hangin

10. malawak ang laruan ng mga bata dahil karamihan sa mga parks dito ay libre

11. ang iskuling ay libre; sayang nga lang at mukhang may bayad na ang kolehiyo sa mga sunod na taon

12. ang mga bata sa grade school ay half day lamang; kasi daw ay importante din ang makasama ang pamilya

13. ang ganda ganda kapag spring time kasi yung mga bulaklak, yung mga puno — hayyyy, ‘the hills are alive, with the sound of music.’ makulay ang mundo at mabango rin sempre

14. meron kaming chimney, attic, basement, cellar at kung ano pang ekek na parang super sosyal pakinggan (teka lang, akyat lang ako sa chimney, wahahaha), bakit kaya wala kaming fireplace, hmp :D

15. may mainit the tubig, tsalap tsalap

16. may egg cooker, rice cooker, bread maker, pancake maker, waffle maker, sandwich maker, hot water maker, coffee/tea maker, crepe maker, baby maker, at kung ano ano pang maker na yan na pandagdag lang sa umaakit sa alikabok; pero wala kaming rice dispenser, waahhh

o yan muna, kailangan ko lang aluin ang sarili ko na maganda naman rin ang Alemanya kasi dito ako nakatira e… lab your own, hehehe.

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers