Simple lang pero rock…
Mga ala una ng ika 31 ng Disyembre, si kengkoy dinala ng aming tenant sa hospital. Si kengkay naiwan sa mga bata. Pagkatapos ng mga 30 minutos e bumalik sila, stress lang daw. Mga alas gis ng umaga punta naman kami sa heart doktor, para lang makasiguro. Okay lang naman daw. Sabi nung doktor, baka kandidato na daw si kengkoy sa pagiging high blood. Kaya ano new year’s resolution naming mag-asawa? Mag diet at mag exercise. Kailangan, kundi kawawa naman ang mga little kengkays, di ba? Bagong buhay talaga ngayong bagong taon.
Mabuti na lang ganon kaya naging masaya pa rin ang pagbati namin ng bagong taon. Daming lucky charms na pinaghalong Pinas at Alemanya sa amin: higanteng pretzel, clover plants, chimney sweeper figurines, bilugang prutas, paputok, ladybugs chocos, baboy na gawa sa marzipan, etc. At eto pa, ang tumambad front page ng diyaryo namin dito e ang litrato ng isang maliit na batang Pinoy na naglalaro ng isang higanteng torotot! Ang galing talaga ng Pinoy di ba. Makikita nyo ang litrato ng diyaryo sa slides sa baba. Pinagmalaki ko sa mga little kengkays at sempre ang sabi nila, ‘gusto ko rin ng ganyan.’
Panoorin nyo na lang sa aming slide show (just click View All Images) at meron pa akong hang-over. Gising ang mga bata hanggang alas dos ng umaga, grabe! Kakapagod pero sempre, masaya!





woot! happy new year po ate kengkay!
kengkay: sa iyo din, dear weng!
Comment ni weng — Enero 2, 2008 @ 4:53 umaga |
happy new year ate kengkay and to the little kengkays!
kengkay: happy 2008 and hugs!
Comment ni alphasensei — Enero 2, 2008 @ 5:56 umaga |
buti naman po at okei naman si kengkoy.. happy ang new year dibah….
kengkay: tama ka dyan
Comment ni Rhapsody — Enero 2, 2008 @ 7:43 umaga |
naku. buti at ok naman kayo lahat at naenjoy nyo ang bagong taon
ako din makikijoin sa new year’s resolution nyo ah haha puro unhealthy nakakain ko last yr, kelangan maglinis ng katawan heheh. onga, anlaki nung pretzel ate kengkz, kasya ulo ng mga lil kengkayz ahaha
tama ka, dapat healthy lifestyle e simulan agad.
kengkay: sa totoo lang, hindi naman kinakain ng mga bata yang pretzel na yan. inuukit lang nila yung loob tapos tapos na
Comment ni lilmiz — Enero 2, 2008 @ 1:46 hapon |
bagong taon, bagong buhay (at bagong diyeta na rin!), ika nga.
ka-thrilling naman ng experience mo habang palapit ang new year… LOL.
but the kids seemed to have fun, kaya bawing-bawi.
how do people in Germany celebrate the new year, Kenks?
kengkay: oops, na miss mong basahin yung post ko na Bisperas, andun lahat nung aming ka dramahan kapag new year eve ;D
Comment ni jun.anteola — Enero 2, 2008 @ 7:26 hapon |
wow sarap naman dyan may chimneys..
actually, ako din new year’s resolution ko diet at exercise din eh..
kengkay: hala, sige, sabay sabay tayo at good luck sa tin
Comment ni angel — Enero 2, 2008 @ 7:29 hapon |
walastik! magkanu yang pretzel na yan? ^^
kengkay: mura lang, hahaha
Comment ni Raymond Lee Quijano — Enero 3, 2008 @ 12:26 umaga |
Buti ok naman si hubby ate… Tama nga bagong taon, bagong buhay at bagong kundisyon sa pangangatawan… Happy new year!
kengkay: tunay yang mga sinabi mo
Comment ni MisyeL — Enero 3, 2008 @ 1:29 umaga |
Yang hay blad na yan, talagang kill-joy minsan eh no?
kengkay: tama ka dyan, kainis, kapikon.
Comment ni iceyelo — Enero 3, 2008 @ 1:44 umaga |
buti na lang pala hindi grabe si kengkoy… pero ingat pa rin. kain marami garlic saka sibuyas.
yung pretzel pala parang ensaymada? wala lang asukal… CUTE talaga little kengkays! …kita ko rin dyaryo with HIGANTE torotot! baligtad ‘ihip’ ng bata hehe… pero CUTE!
kengkay: naku, nangangamoy na nga kami dahil sa sibuyas at bawang na yan. matakot na pumasok sa bahay namin ang mga aswang, ahahaha. yung pretzel na yan parang normal na tinapay lang, white bread baga. ang kyut nung batang pinoy, di ba
Comment ni homebodyhubby — Enero 3, 2008 @ 9:34 umaga |
happy new year…ate kengkay…parang gusto kong makakita ng higanteng pretzel
kengkay: haha, gulat din ako nung una kong makita yan. talagang pasadya pa kamo yan
Comment ni repah — Enero 3, 2008 @ 10:01 umaga |
Hi Sis! Slamat at okay nman si kuya kengks. Hirap tlaga pag kalusugan na ang natataya. Happy New Year sis! May the Lord bless you and your family more this year!
kengkay: kaya dapat talaga e kumilos para maging healthy. God bless!
Comment ni jenaspacio — Enero 3, 2008 @ 11:33 umaga |
hanlupit naman ng mga pretzels dyan sa alemanya – mas malaki pa sa ulo ng bata! hehehe…. kaya kaya ng jack n jill na ibalot yan sa foil?
kengkay: ahahaha, grabe, kakabaliw nga pero hindi naman makain ng isang upuan sa laki, ano ba yon
Comment ni taroogs — Enero 4, 2008 @ 5:44 umaga |
Ayoko ng itsura nung unang pic ng higanteng pretzel! Me naiiisip akong iba bwahahaha. Sikat talaga ang Pinoy~! Magaling kasi tayong manorotot eh! lols. Mommy Kengks Happy New Year uli ha. See you on February yahoo!
kengkay: maghanda ka na ng torotot, eheste ng pang santacruzan sa pebrero
Comment ni ambo — Enero 4, 2008 @ 10:10 umaga |
[...] alam nyo kung ano ang pinaka-dahilan kung bakit ang sipag nyang gawin ito? Kasi naranasan nya yung nangyari nung bagong taon. Imagine, imbes na mag-celebrate kami e itinakbo sya sa hospital. Mataginting na wake up call [...]
Pasa ni Inggit ako kay Kengkoy « — Pebrero 5, 2008 @ 7:11 hapon |