Mga ka-blag, bisi-bisihan si nanay kengkay. Kase…
1. Naglalaba, nagsasampay, nagtutupi ng labada.
2. Nagliligpit ng pamaskong dekorasyon pero dahil sabay balik naman nung dalawang little kengkays ng mga palamuti, hindi ako matapos tapos. Ayaw pa kasi nilang matapos ang Pasko e.
3. Naghahalungkat ng mga gamit na dapat i-donate, ipamigay, ipang regalo, ipang benta sa ebay at itapon. Makukuba na ako ng kakabuhat at ng kakapasok sa silong kung saan andun ang mga abubot na nakakadagdag lang sa pagsikip ng bahay.
4. Nag sho-shopping na ako para sa Easter at pa konti konti na rin para sa sunod na Pasko. Super discounted kasi atsaka wala na akong oras…
5. Kasi malapit na kaming umuwi ng Pinas, mga ilang tulog na lang. Excited na ako yun na lang ang palaging laman ng isip ko. Nakapag empake na ako sa isip ko. Nakapagpaluto na ako ng ulam sa nanay ko sa isip ko. At marami pang iba. Excited na rin akong makipag-EB. Ehem pers taym kong makipag- Eb ha, kaya please be gentle with me, hehehe.
Yan lang po ang masasabi ko sa ngayon


ate kengks..pakita mo mga products mo sa ebay,,,baka makabili din ako…most likely stuffs for gurls…i need to buy some stuffs for my babies, inaanaks and more…madami kasing gurls keysa sa boys.
kengkay: naku, sa alemanya lang ako naglalako sa ebay. yung mga laruan ng mga little kengkay nilagay ko sa balikbayan box at gusto daw nila idonate sa isang orphanage sa pinas. pero kung makikipag kita ka sa akin sa pinas, bibigyan kita, hehehe. magsabi ka lang.
Comment ni Maldito — Enero 3, 2008 @ 2:27 hapon |
hi… ang cute naman ng blog mo.. care to exchange links..??? (solo-flight.blogspot.com) happy new year!!!
kengkay: salamat, kyut din daw ako, sabi ni kengkoy, hehehe
Comment ni Solo — Enero 3, 2008 @ 2:59 hapon |
Inggit na naman ako- sama ako sa Pinas. O, kaya, paki-greet mo ng Happy 50th anniversary my parents sa Kalookan City – 50 years on February 3rd! Wish I could be there….
kengkay: naku, sige i greet ko si nanay at tatay mo, bakit hindi. kaya lang sa middle of feb pa ang dating namin sa pinas e, pwede belated?
Comment ni MarysMom — Enero 3, 2008 @ 3:36 hapon |
Huhuhu..ate kengks..nasa cebu ako eh…and dinig ko may eb kayu sa febraury…huhuuhh…..indi ako makakasam kasi ubos na leave credits ko…gusto ko kasi sa ebay mamili para affordable..awahhee….too bad,,tsk tsk!
kengkay: mura ba talaga sa ebay, kasi nung bumisita ako sa ebay pinas namamahalan ako e. pero kakatuwa kasi ang bayaran basta makipagkita ka lang sa may kanto, ahahah. teka, antayin mo email ko
Comment ni Maldito — Enero 3, 2008 @ 5:40 hapon |
hello kengks nice site! link ex? or affies? just do give me a tag =) Godblessyou!
kengkay: rai, linked you up na. god bless, too
Comment ni rai — Enero 4, 2008 @ 12:17 umaga |
EB! EB! EB!
kengkay: EB EB EB, pero be gentle with me ha, pers taym kong makipag EB; blind date yun medyo sanay ako dun, ahahaha
Comment ni jojie — Enero 4, 2008 @ 3:42 umaga |
hi kengkz, salamat sa pagcomment sa post ko.. AHEHE oo secret namin un ng friend ko, ayoko din nmn magkagulo sila, anyways na add na kita sa links ko…i’m looking forward sa mga new post mo.. take care….
kengkay: mabuti naman, nakahinga ako ng malalim
Comment ni Solo — Enero 4, 2008 @ 3:44 umaga |
talagang pag tapos ng pasko at bagong taon, andaming ligpitang nangyayari. ako man andaming dapat i-general cleaning.
hehe malapit na nga pala february ano…
kengkay: lapit na ang balentayms day
Comment ni homebodyhubby — Enero 4, 2008 @ 4:24 umaga |
layo pa ng easter ah… pinag hahandaan na. ^^
kengkay: foo, kasi wala ng oras dahil sa pinas kami tapos pag uwi namin dito e black saturday… sarado na ang tindahan dito sa amin, hayzzz
Comment ni Raymond Lee Quijano — Enero 4, 2008 @ 4:29 umaga |
Tlaga sis! Uwi ka EB tayo ha!
Oo nga ako din parang yoko pa magligpit ng mga palamuti ng pasko. Hay baka naman pwdeng till next year na. Tamang vacuum lang ang katapat. Siyempre maliban sa Christmas tree. Ewan bahala na.
Sis, thanks ha. Laki prob ko sa aksimet na yan. Wish ko lang sis ma post ito! Really hoping to get to finally meet you! Have a safe travel sis! God bless you and your family.
kengkay: huy oo, EB tayo, sempre. sana maligpit ko na nga itong mga pamasko kasi gusto ng isunod ni kengkoy yung mga pang easter decors naman, panikkkkk
Comment ni Jennie — Enero 4, 2008 @ 5:50 umaga |
heheh.ganyan tlaga ate kengks.. pag tapos ng pasko.. blik gawaing bhay.. ayus na pla ung sorpresa ko nasa isa kong bhay.. hehe
kengkay: uy, sige bisitahin ko nga ang iyong bagong balay
Comment ni repah — Enero 4, 2008 @ 6:24 umaga |
Gayahin ko si joji, EB, EB, EB!!! Hahaha!
yung sisig ko ha. naku, na check ko nga yung sked, mukhang isang araw lang ang pwede naming mapanood kasi nga punta kami sa dagat e. hmmm… picnik, nga sarap pag ganon ano. isip isep
Kengks, maaabutan ninyo yung world pyro olympics, sa pebrero ang umpisa nun hanggang march..
kengkay: ako din, EB EB EB
Comment ni Kiko Matsing — Enero 4, 2008 @ 7:09 umaga |
hay kengkay.. kaw talaga.. :p
kengkay: hehehe
Comment ni Solo — Enero 4, 2008 @ 9:41 umaga |