Kwentong Kengkay

Enero 5, 2008

Larong Pinoy

Sinong nagsabing kapag nanay ka na e no more play na? Kung sa Pinas e isang ikot mo lang ng ulo mo ay may makikita ka ng kalaro, dito sa mundo ko ay hindi ganyan. Dapat may appointment ka. Gusto mong kalaro si Princess? Pwes, pumila ka muna sa mga extra curricular activities nya tulad ng ballet, gymnastics, cheerleading, judo, etc. Gusto mong makalaro si Prince? Pwes mag antay ka hanggang may oras sya pagkatapos ng swimming, karate, football, etc. Ang tinutukoy ko pa e ang mga batang nasa kindergarten pa lang ha.

Ewan ko ba, masyadong busy ang mga bata dito, nakalimutan na nilang maglaro. Itong mga little kengkays ko, dalawang extra curricular lang, oks na yon. Hanep, papano na si nanay kengkay, walang kalaro, di ba?

At sempre, ang mga laro namin ay ang mga exotic na laro na imported pa galing sa Pinas. Mas masarap laruin yong mga tradisyonal na laro na galing pa sa kanunu-nunuan ko. Mas masarap ituro sa mga anak ko kasi nakakawala ng homesickness. Mas masarap kasi ako parating panalo, hahaha.

Katulad ng jackstones. Ay oo, nakita kong may jackstones pala kaming nabitbit nung huling uwi namin sa Pinas. Tinuruan ko ang mga little kengkays sempre. Naku, enjoy a enjoy ako lalo na nung exhibition na. Kahit na nag email at nagkipag chat pa ako para lang malaman kung ano ano pa yung mga exhibition nung larong jackstones. Balak ko ring gawan sila ng chinese jackstones, para maiba naman. Atsaka kasi si bunsoy hindi mahuli yung bola e kaya yung dambuhalang bola ang bitbit parati, sempre dahil puno na yung kamay nya, hindi na rin nya makuha yung jacks, hehe. Baka mas okay yung chinese jackstones sa kanya.

Tapos sempre piko. Yan ang pinagkaka-abalahan namin kapag summer. Halos mapuno ng chalk marks ang buong kalsada. At sempre kapag tipong uulan, mag drawing naman ang mga little kengkays ng smiling face ng sun. Kasi kwento ko sa kanila titigil ang ulan kapag maraming smiling sun. Totoo naman, pramis! At sempre ituturo ko rin sa kanila ang patintero, pati yung patotot.

At ang pinakamabenta kahit na saan kami mapunta ay yung jack en poy o bato bato pick. Yan ang hit talaga kasi naman hindi kailangan ng kahit anong materyales pwertes. Dalawang kamay at bibig na maingay, yun, okay na agad. Laro nila yan kapag nag aantay kami ng bus, ng tren; kapag matagal ang pagkain sa restaurant, kapag matagal silang nakaupo sa kotse, kapag naglalakad kami sa bundok.

At marami na rin silang naipong jolens kasi na ikwento ko sa kanila na masarap din ang larong jolens. Ang tanong lang ay kung papayag si kengkoy na butasan namin ang garden, hehehe. Hmm, ano pa nga ba… penpen de sarapen at sawsaw suka, ayan pa ang mga larong nakakabaliw sa mga nakakarinig sa amin, ahahaha. At yung ilong-ilong… yung tipong ituturo mo yung ilong tapos lilituhin mo yung kalaro mo na kapag sinabi mong tenga ang ituturo mo e yung bibig, ganun ba. Tuwang tuwa din ang mga bata dyan. Ang nakakakiliti ay dahil natututo silang magsalita ng tagalog ng walang pawis, ng hindi nila namamalayan, di ba? Oo, pati si kengkoy alam yang mga laron yan.

Kung gusto nyo makita ang ebidensya na naglalaro ang mga little kengkays ng mga larung iyan, paki click dito.

May alam pa ba kayong ibang larong Pinoy na madalian lang? Paki bulong naman sa akin, plis.

Mga Puna »

  1. ay ako ang reyna ng patotot sa kalye namin dati hehehe. may around the world pa nga di ba.

    ate kenks, ung chinese kingkong, mataya-taya, moro-moro, saksak puso, nanay tatay gusto ko tinapay, land water air at taguan!
    kengkay: teka teka, parang di ko alam yang chinese kingkong, moro moro, at saksak puso. yung iba alam ko na, salamat sa pa-alala.

    Comment ni eyna — Enero 5, 2008 @ 8:18 hapon | Tugon

  2. kenks, thanks for commenting sa blog kong munti. bakit, ano ang chika sa yo ni manilenya? sya kasi madalas kong kakulitan eh.
    kengkay: hay, akala ko di pumasok yung comment ko kasi error lumabas sa pc ko e. yung comment sa post mo ni manilenya yung tukoy ko, hehehe

    Comment ni jessie — Enero 5, 2008 @ 10:07 hapon | Tugon

  3. kakatuwa naman, ah masaya rin un langit lupa tsaka luksong tinik =)
    kengkay: uy, ang version dito ng langit at lupa mas nakakatuwa, hehe. tama ka, luksong tinik maganda nga yan kaso mo parang hindi ko na yata kaya yan, ahahaha. yung lemborak ka sumasakit na kasu-kasuan ko e, wahhh

    Comment ni pusa — Enero 5, 2008 @ 11:23 hapon | Tugon

  4. idol talaga kita kengki sa pagiging huwaran at makabayang ina peksman (naks 70′s na 70′s hehehe). happy new year po idol. pasensya na at medyo late ang aking pagbati. may you have a fruitful, meaningful and funful year ahead with kengkoy and your little ms. kengkays.

    Comment ni S3lv0 — Enero 6, 2008 @ 3:31 umaga | Tugon

  5. ..uuy wag kalimutan ang pitik bulag, luksong tinik, chinese garter, long jump, teddy bear2 touch the ground, 7 up, touch the color, shatong, washington, freeze and melt, mangga mangga hinog ka na ba, langit lupa, …umm, naubusan ako (obvious bang laking kalye ako?hehehe!) goodluck sa laro with kids.:p
    kengkay: nakow, andami ritong hindi ko alam ah. o baka iba lang ang tawag. maganda nga yung pitik bulag, touch the color, 7 up, pero yung iba sa listahan mo pwede paki blog mo naman yung rules, hehehe tapos sabihan mo ako, okesh? tenks.

    Comment ni sommer — Enero 6, 2008 @ 5:07 umaga | Tugon

  6. magandang ideya yan mi kengs! magawa nga namin yan dis summer! puro puzzle at kung labas man eh mag bike at mag pupunta sa park halos ginagawa namin,maliliit pa kasi alipores ko kaya ganun lang masyadong physical.Nasubukan mo ba yung larong tsinelas,chinese rubber,taguan, nako marami pa, isip pa ako hehehe
    kengkay: kapag nag EB tayo mag pacontest tayo ng jackstone, hehehe. taguan at habulan huli kahit sa bahay game kami dyan, ahahaha.

    Comment ni cheh — Enero 6, 2008 @ 9:23 umaga | Tugon

  7. aba cool na nanay at nagtuturo ng katutubong laro. Dati alam ko lahat yan mula sa jolen hanggang sa text (yung baraha na maliit na may comiks ng pelikula na pinipitik).

    nadala ako ng naglaro ako ng magik magikan sa kapitbahay namin. dinala ako sa ospital kasi nalumod ko ang jolen haha
    kengkay: ano ba yan, ma eksperimento ka masyado sa magik na yan, ahahaha. na magik ang jolens lumabas sa pwet, ahahaha. uy, magaling din ako sa text dati ha. dami kong text dati, uy yung trumpo din di ba? maganda rin yon.

    Comment ni bluepanjeet — Enero 6, 2008 @ 10:06 umaga | Tugon

  8. ate kengks..ituro mo din sa kanila ang sungka….miss ko na din ang mga larong pinoy..pero alangan naman na may mga bungot na kami sa opis tapos sasabihin ko sa kanila, “oi tumbang preso, tayu”…ahahhaha…ang laswa di ba…o di kaya bahay bahayan..lols..cute ng mga anak mo…grrrr!!!

    Guten nach kengks~
    kengkay: alam mo yung unang pinag trabahuhan ko super cool mga tao dun. kapag lunch time naglalaro kami ng jackstones, tetris at pati yung mga game boards, haha. one time dumating yung big boss namin may kasamang foreigner pinagmamalaki kami, e nagkataong nag ja jackstones kaming lahat, ahahah dun natigil ang lahat, kuya eddie :D

    Comment ni Maldito — Enero 6, 2008 @ 11:05 umaga | Tugon

  9. wow exciting naman. naalala ko ng jackstone days namin ng sis ko. porket yon lang nalalaro namin nung time na ang yaya na nagbabantay sa amin non ay malupit. ayaw kami palabasin at makipag kapitbahay. hehe. at porket dalawa lang kami pati chinese garter namin, ang kabilang dulo ay makeshift na pakner. salamat sa grills ng bintana pati narin ang gate.

    napagisip ako sarap siguro tlaga ng may mga chikiting na girls no. hehe. ako din nangangarap mag ka girls na anak. pero di muna siguro now. right timing naman yan kung darating. hehe. hope you have a great weekend! :-)
    kengkay: itong asawa ko naman pilit na pilit dapat daw isa sa mga girls namin e maging car race driver kasi dati syang car race driver eh, ahahah. kami nung maliit pa kami kasi e isang compound ng mga makukulit na bata, kaya walang katahimikan

    Comment ni Jennie — Enero 6, 2008 @ 1:20 hapon | Tugon

  10. ansarap pakinggan pala ng mga bagay na galing sa ‘Pinas pag nasa ibang bansa ka — IMPORTED! hehehe.
    mabuti naman at marunong managalog maski konti ang waswit at little kengkays mo ano… pag uwi dito medyo nakakaintindi sila ng tagalog.
    nabanggit na halos ang lahat ng laro sa mga comments, wala na akong maisip. una kong naisip e SUNGKA — ayun at nabanggit na rin pala ni maldito. :)
    kengkay: mabenta yang sungka na yan ha. pero kasi dapat bumili ng gamit para sa sungka di ba? makahanap nga nyan sa pinas, hehe

    Comment ni homebodyhubby — Enero 6, 2008 @ 4:23 hapon | Tugon

  11. wow maganda yan mamakengkz, dapat turuan ng mga ganyang laro mga bata. dito nga, puro kompyuter o playstation inaatupag ng ibang bata tsktsk di tulad namin dati na sa kalye talaga naglalaro wahaha.. ano pa ba inde namention.. chipi-chipi bang, bahay kubo, japanese gem (yung may save-save haha), chinese garter, skipping rope, yo-yo (pinoy lang ba to hehe), shatung, dr quack-quack, “takyan” (bisaya yan waa di ko lam ano tagalog, basta yung gamit mo kamay/siko/paa) .. lolz na-kered away ako ahehe, sarap maging bata ulit :D
    kengkay: hay, mas gusto ko ang larong kalye, kaya pati itong mga anak ko larong kalye din alam, hehehe. teka, yung chipi chipi bang ba yung dalawa kayo tapos kakanta ng chipi chipi bang is a bubble gum? ahahaha, yan yung matagal ko ng iniiisip na laro. alam ko pa yung laro pero yung kanta nalimutan ko na. dahil sa yo na alala ko na sya. kasi panay pa uso yung kanta ko naiinis mga little kengkays dahil pa iba iba, ahahaha. may yoyo din dito. ano yung takyan, explain mo,heheh

    Comment ni lilmiz — Enero 6, 2008 @ 8:30 hapon | Tugon

  12. ok nga na laro yung tumbang preso mas magmumukhang weird ang mga anak mo sa lugar nyo..hehe! saka yung langit lupa..pati mga lasti..kalog tansan..nakakatuwa naman yung mga kids mo..ang ku-kyut!
    kengkay: haha, tumbang preso, kakatakot baka ako magbayad ng mga naka park na kotse sa kalye. pero bakit naman hindi, maliit pa naman sila, hindi pa ganon kalakas magtapon ng tsinelas. yun ang mahirap hanapin, yung spartan na sinelas, ahaha

    Comment ni gasti — Enero 7, 2008 @ 3:03 umaga | Tugon

  13. galing mo tlaga ate kengks.. paborito ko yang jackstones.. tapos seato!!!pag nakita ko ang mga tsiking patrol maglalaro kmi ng agawang buko.. hehehehe
    kengkay: ahaha, sige, kinuwento ko na sa kanila yang larong agawang buko at yung agawan ng biik, wahaha. sali ka ha. pero wag ka iyak pag nanalo sila .:D

    Comment ni repah — Enero 7, 2008 @ 4:06 umaga | Tugon

  14. ..hmm, nice idea para sa entry rules ng larong pinoy ah.hehehe!!!
    …btw, thank you sa advice!:p
    kengkay: sige, kapag may entry ka pa, sabihan mo ako ha. welkam sa advice :D

    Comment ni sommer — Enero 7, 2008 @ 5:10 umaga | Tugon

  15. Turuan mo ang mga little kengkays ng pick-up-sticks! Masaya din yun! Pang-indoor games.
    kengkay: ang pick up sticks dito made of wood tapos may mga striped colors, hehehe. akala ko nga dati chop sticks kasi ang lalaki at mahaba.

    Comment ni Laarni — Enero 7, 2008 @ 6:13 umaga | Tugon

  16. di ko alam kung ano yung patotot :D ska napansin ko, iba iba spell ng shato sa mga koments hehe..
    (parang nag trip kami lahat down memory lane d2 sa post mo :D )
    naalala ko tuloy yung dr. kwak kwak dahil kay lilmiz, nppgalitan kmi lagi pag yun laro namin kc nagkakasakitan daw :D

    may laro din kami yung LADYLOOK :D yung i a act ung kapintasan para mahulaan yung kalaban (na lagi nauuwi sa awayan! nyahaha )
    kengkay: patotot yung parang saling pusa ka lang sa patintero, ahahaha. ladylook, naku am sure malalaman din nila yang larong yan kapag teen agers na sila :D

    Comment ni koreanmine — Enero 7, 2008 @ 10:10 umaga | Tugon

  17. aruuu, ayaw ko paawat, naalala ko din kc yung bubuka ang bulaklak :D
    kengkay: uy, alam na nila yang bubuka bulaklak. laro namin yang tatlo kapag inaantay tatay nila sa train station, ahahaha

    Comment ni koreanmine — Enero 7, 2008 @ 10:11 umaga | Tugon

  18. te, taguan at langit lupa? nyay, namiss ko tuloy childhood ko… haaayyyy… kung puwede lang maglaro sa ofc… :(
    kengkay: ahahaha, bakit hindi? ilabas ang jackstones…

    Comment ni Lenggai — Enero 7, 2008 @ 11:03 umaga | Tugon

  19. te kenks,

    ung saksak puso parang mataya-taya. kakantahin mo ung “saksak puso tulo ang dugo, patay buhay alis dyan” (ang brutal ata para ituro sa mga bata hehe). tas ung matira sa group un taya. so habulan na kayo at mag tayaan :) ). ung moro moro naman, alam ko may ibang name din to eh. basta may dalawang base tapos dedefend mo ung base mo. tas goal din na tayain ung mga nsa kabilang base (prisoner mo sila) para syempre konti na lang ung magiging guardya ng kabila at maagaw mo ung base. ung chinese kingkong … pinadaling version ata ng chinese garter kaso di ko na maalala ang nasa isip ko pala ay ung 10-20.

    naisip ko ate kenks, pag birthday party ba ng mga kids, nag papalaro ka din nung sa palayok? ung papaluin ung palayok tas maliligo kayo lahat sa arina. :D
    kengkay: nakup, brutal nga yon. alam ko yang moro moro, yung meron kayong base tapos tatakbo tapos huhulihin, ganon yon di ba? mag party ang panganay ko sa biyernes merong pinyata instead of palayok kasi ang mahal ng palayok dito para lang sirain e e, ahahaha

    Comment ni eyna — Enero 7, 2008 @ 11:58 umaga | Tugon

  20. ang ganda ng topic! sungka din ang naisip ko…..pero pede rin siguro sungka online….sino magaling sa flash programming? backgammon lang ang nilalaro ko online…namber wan ka kenks!….hi to all! pausuhin ang tumbang preso sa germany!!!
    kengkay: ahahaha, sunka online? meron ba nun? tama ka, pausuhin ang tumbang preso sa alemanya, yuhooo… teka, magiipon na ako ng lata :D

    Comment ni partofyou — Enero 7, 2008 @ 1:15 hapon | Tugon

  21. nakakahiya ako ate kengkz! wahaha inde daw pala “chipi-chipi bang” yan! “chipi-chipi gum” daw. malay ko ba, eh chipi-chipi bang turo sakin ng mga kalaro ko dati eh ahaha. . eto na complete lyrics: “chipi-chipi gum is a bubblegum. masarap ito at malinamnam. bumili na kayo sa tindahan. chipi-chipi gum is a bubblegum..” — para sakn, mas maganda pa din pakinggan yung “bang”, yun na lang turo mo, oks? ahehe wag mo kalimutan ituro ang hand movements :D

    yung takyan naman ay sipa daw pala in tagalog ahehe lam mo naman siguro yun no :D para sayo mamakengkz, naghanap pa din ako sa youtube ng batang nag-tatakyan, tignan mo sa http://www.youtube.com/watch?v=QoVjR3KxTHU .. ahehe .. pero puro paa gamit nya, samin kasi dati kamay at siko sa simula tapos panglast lang yung paa ahaha .. inde naman mahaba comment ko noh haha.. enjoy kayo sa mga laro! ;)
    kengkay: hahaha, wag ka na mahiya, ako nga nagsimula tungkol sa larong ito e. alam mo ba, nung hindi ko maremember yang larong yan ang ginagawa kong kanta e chiclet chiclet — dahil siguro dun sa bubble gum. kaya pala naman kasi ang alam ko din dyan ´sa kantang yan e chiki chiki bam is a bubble gam – kanya kayang version ahahaha. ah oo, alam ko yang sipa na yan. magaling ako dyan esp kung ang pato e yung gawa sa rubber bands :D ituro ko nga yan sa mga anak ko sa summer.

    Comment ni lilmiz — Enero 7, 2008 @ 6:47 hapon | Tugon

  22. mabuti nmn kengks at hindi mo pinag kaila ang ituro ang mga dting laro… naka2miss kase mag laro gaya ng piko, agawan base, pating tero, kahit na chinese garter.. ayus yan.. maturo ko din yan sa future kids ko.. :)
    kengkay: tama ka, kasi mas masarap maglaro ng mga larong katutubo di ba?

    Comment ni dhez — Enero 8, 2008 @ 3:41 umaga | Tugon

  23. chinese garter, kapatid! saka siato… habulan taya… patintero… taguan… :-)
    kengkay: pag uwi ko nga ng pinas bibili ako ng isang galong rubber bands para sa chinese garter na yan, hehe. mahirap yung siato kasi baka kotse o kaya bahay ang tamaan, mahal bayad.

    Comment ni taroogs — Enero 8, 2008 @ 6:59 umaga | Tugon

  24. ako din.. miss ko na makipaglaro.. haha. ^_^

    busy sa school eh, naku naku. hirap maging estudyante talaga oh! haha..

    miss ko ang patintero, taguan, habulan.. at larong-apoy. haha. ^_^
    kengkay: pocha, larong apoy, huh :D

    Comment ni earthlotus — Enero 8, 2008 @ 8:55 umaga | Tugon

  25. mommy kengks, sakto sa 2 prinsesa mo yung mga clapping games. mga tipong may kinakanta habang nagpapaluan ng kamay. sample:

    1. nanay, tatay, gusto ko tinapay
    gusto ko kape. lahat ng gusto nyo ay gagawin ko.
    ang magkamali ay pipingutin ko.
    isa. (one clap)
    isa, dalawa. (two claps)
    isa, dalawa, tatlo…. and so on (3 claps, 4 claps…).

    tanda mo pa ba ito? tipong, pabilis ng pabilis ang pag-count hanggang sa may magkamali. haay. brings back childhood memories.
    kengkay: uy, salamat… gustong gusto ko nga tong laro na to nuon, hahahaha. mamya mag praktis na kami.

    Comment ni antuken — Enero 9, 2008 @ 2:59 hapon | Tugon

  26. jack en poy holiholi hoy sinong matalo siang unggoy! hehehe aba i love your idea mommy kenkgs, kung merong pinoy nanay blogger of the year ikaw ang iboboto ko. oo nga ano, magandang ideya yata yun. lalo na sa part mo kasi tinututo mo sa mga anak mo ang pagiging likas na pinoy ng mga anak mo. saludo ako sa iyo mommy kengks! kelan ba ang uwi mo? kelan ba eb natin? balak tuloy kitang bigyan ng award! natuwa ako sayo kasi ;-)
    kengkay: uy may award ako, ahahaha. actually award na tong comment mo na to e. sa pebrero, punta ka kasi sa WPP para makita mo dun ano.pero mag blog din ako tungkol sa EB later.

    Comment ni Ambo — Enero 14, 2008 @ 2:01 hapon | Tugon

  27. hi guys!

    Comment ni Mon Alvin — Pebrero 4, 2008 @ 9:39 umaga | Tugon

  28. help me nmn oh!!! anung alam ninyong games na originated here in philippines!! example kadang kadang!! my alm kau!!!
    kengkay: hi mon — ang alam ko ang yoyo e pinoy ang discoverer ng larong yan. yung sipa at yung patintero at yung tumbang preso — check the net, am sure mas marami kang makikita.

    Comment ni Mon Alvin — Pebrero 4, 2008 @ 9:40 umaga | Tugon

  29. Ang larong ito ay napkasigla..yahoo!!!!!!

    kengkay: hahaha, gusto ko rin yang larong yan

    Comment ni Glorilie — Pebrero 23, 2008 @ 1:35 umaga | Tugon

  30. wag nyo ring kalimutan sack race ha.!

    Comment ni chubby de la cruz — Setyembre 1, 2008 @ 12:06 umaga | Tugon

  31. sack race tsaka luksong tinik.ang sikat mo pala mamakenkz.andami mong comments.madami akong alam na game eh,kaso hindi ko alam kung originated from the philippines ba un.swerte mo naman,iboboto kita sa eleksyon for best makabansa and makabayan mother of the year.

    kengkay: uy, uso dito ang sack race, pero yung luksong tinik, paborito ko rin yan. parati akong panalo dyan. ano pang larong alam mo? share naman :)

    Comment ni chubby de la cruz — Setyembre 1, 2008 @ 12:09 umaga | Tugon

  32. ala na akong masabi eh,kasi halos nabanggit na lahat.sori ngayon lang ako nagreply ha.busy kasi ako sa studies eh.alam mo naman buhay estudyante diba.ay may naalala na ako.chinese garter,japanese,luksong baka,tag of war,mga board games,open the basket,bahay-bata-bagyo,ano pa nga ba?wala nang pumiga sa isip ko eh.ano nga ba ang mga meaning ng mga abbrebiations nyo?gaya ng wpp,eb?litong lito na ako mommy kenkz.anong bansa ka galing?saang website ko ba makikita ang autobiography mo?

    kengkay: huy, bumalik ka pala? hindi ko naramdaman at medyo windang rin ako dito, hahaha. masarap ang buhay estudyante kasi pagkatapos ng eskwela, daming ka chika, di ba? salamat sa listahan mo, gagawan ko yan ng entry sa sunod kasi dami talagang naghahanap ng larong pinoy, kasama na ako at ang mga little kengkays ko :D ang WPP e forum ng mga pinoy wordpress bloggers; ang EB e eyeball, kung saan dun nagkikitakita ang mga bloggers mata sa mata imbes na parating palitan lang ng comments; wag ka malito, magblog ka na kasi para slowly but surely e matuto ka rin, ako din until now, nag-aaral pa rin. basahin mo yung aking page na AKO, andun, dun mo malalaman kung sino si ako.

    Comment ni chubby de la cruz — Setyembre 8, 2008 @ 9:28 hapon | Tugon

  33. [...] Isinalansan sa: Dito sa Amin, Duon sa Amin, Pinas — kengkay @ 6:40 am sempre, tungkol sa larong pinoy ulit, walang katapusang research ni kengkay sa mga larong nakaka miss at sa mga dating kalarong super [...]

    Pasa ni luksong lubid atbp « Kwentong Kengkay — Setyembre 17, 2008 @ 6:40 umaga | Tugon

  34. hay mas masaya talaga ang mga larong pinoy nuon na bihira ng laruin ng mga bata ngayun. saya kaya mag tumbang preso,shatong,piko,jackstone pag hindi makalabas.yung mga larong tansan,at yung pitikan ng goma, hay nakakamiss.

    Comment ni barquera — Nobyembre 17, 2008 @ 4:14 umaga | Tugon

  35. prang ang paget ng kwento nyo
    dee gandabadudelssssssssss

    kengkay: panget sya dun sa mga taong hindi marunong maglaro ng larong pinoy :D

    Comment ni patrick — Disyembre 19, 2008 @ 4:22 umaga | Tugon

  36. [...] kapatid ay ‘ate’, marunong silang gumamit ng tabo, marunong silang mag sungka at magjackstone at kung ano ano [...]

    Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:35 hapon | Tugon

  37. maganda talaga ang larong piboy

    Comment ni jayson zabala — Enero 9, 2010 @ 5:28 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.