Kwentong Kengkay

Enero 13, 2008

Ebs, Ebs, Ebs – aaakkkk

Isinalansan sa: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin,Europe,Hmmp,Kwentong Kengkoy,Oyropa Ko,Pasaway — kengkay @ 12:03 hapon

Hay, balak ko sanang ipost ngayon e tungkol sa EB kaso mo naging tungkol sa ebs kasi naman….

Naglakad lakad kaming buong pamilya para namin maka-ihip ng malinis na hangin. Hay sa kasamaang palad, masamang hangin ang napulot ko. Nakaapak ako ng ebs, waaahhhhh.

Kaya pala sabi ko, bakit kaya parang ang sama bigla ng amoy? Yung kutob kong yon tama, asa bota ko na yung ebs. Kadiri! Hmp. Nagtatakbo ako sa damo para ikaskas yung bota ko. Tapos nung may nadaan kaming putik putik, nilublob ko din yung bota ko. Pocha, kung hindi lang malamig maglalakad akong naka medyas talaga. Kainis talaga.

Meron na ngang ginawang halos bawat kanto na mga toilet para sa mga aso, kung saan saan pa rin nakakalat ang mga ebs na yan. Kahit na sa mga palaruan ng mga bata, sa mga eskuwelahan, sa mga harapan ng bahay, sa hardin, ah basta sa lahat ng nilalakaran ng tao… nakakalat ang mga duming yan. Sana yung mga gustong mag alaga ng aso, marunong din silang mag-alaga ng tamang mga pagbabawas ng mga ito.

Isang araw nagising si kengkoy at nakita nyang may asong ume-ebs sa harap ng bahay namin. Kadalasan kasi e madaling araw nagpapa-ebs ang mga yan ng mga alaga nila. Sinugod nya yung may ari ang aso at sinabihan nyang damputin yung iniwan nung aso nya. Ang sagot nung babae, ‘papano?’ Sabi ni kengkoy, ‘bahala ka kung papano basta alisin mo yan sa harap ng bahay ko.’ Ang ginawa nung babae naghanap ng tissue at yun ang ginamit nya.

Dito naman ay may mga stations din kung saan may mga plastik bags na para talaga sa mga ebs ng aso. Libre yon, aba, kung hindi pa nila gamitin yon at pati na yung libreng toilet para sa aso; e wala silang karapatang mag alaga ng aso. Lintek.

Mabuti kamo si kengkoy ang bahala sa paglilinis ng bota ko. Kasi kung ako, sa inis ko, itatapon ko na lang yon talaga. Hmp. At ang kengkoy humirit pa kamo. Sa tingin daw nya ay hindi ebs ng aso yung natapakan ko kundi ebs ng kabayo. Anak ng tokwa, kahit anong ebs pa yon; ebs pa rin yon, de vah?

Mga Puna »

  1. yuck!!! hehehehe… grabeh naman. ayokong ayoko din makaapak ng ganyan. kasi ang baho, pano mo pa nga malilimis. swerte mo may tagalinis ka…. kung hindi naku sayang ang bota hehehe..
    kengkay: ay sa inis ko talaga gusto kong ibato ang bota sa unang taong nagpapaebs ng aso na makikita ko talaga, hmp

    Comment ni rhapsody — Enero 13, 2008 @ 12:45 hapon | Tugon

  2. ewww kadirs talaga makatapak ng ebs!!! hay buti nd ikaw ang tigalinis =)
    and i thought sa pilipinas lang hinahayaan nga mga kumag na me ari kun san san umebs ang kanilang alaga, maski pala jan me mga pasaway!
    kengkay: padami na ng padami ang pasaway dito dahil sa mga gustong mag may ari ng aso na hindi naman marunong mag alaga, kainis

    Comment ni pusa — Enero 13, 2008 @ 1:00 hapon | Tugon

  3. as innnnnn!!! eto nga si TOBY, kairita!!! as in di napigil! lumabas! dun sa pinto, so pagpasok ko as in, ANO YONG REJECT NA PABANGONG KALBEN KLAYN??? pag tingin ko …. ewwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww!!!!!
    kengkay: arrrghm, mabuti hindi sa mismong trono mo bumigay si toby kundi baka pati kapa mo e ma reject mo rin, ahahaha

    Comment ni reyna elena — Enero 13, 2008 @ 8:41 hapon | Tugon

  4. ah, eto…nakakataba ng halaman to, pataba…ehehehe
    kengkay: eto ang kakakapatambok ng halaman kamo, parang bundok bundok sya sa daanan, yuks, kadiri

    Comment ni partofyou — Enero 13, 2008 @ 9:01 hapon | Tugon

  5. hehehe… kakasira nga ng araw. :lol: pero natatawa ako sa post mong ito — as if ‘you made my day’ (joke — huwag ka mapipikon, kilala mo naman si ako. ;) )

    gulat lang ako… alam ko dyan sa Germany, talagang marami mahilig mag-alaga ng aso. hindi ko lang akalain na may mga aso din palang napapabayaan (o sadyang ‘pinapayagan’ ?) ng mga may-ari nila na magdeposito ng taem-bomb kung saan-saan lang.

    hehehe… tama si kengkoy, mare… kasi kaming mga lalaki, hindi masyado madiriin. pasalamat ka kase kung madiriin yan, sinong maglilinis ng bota mo? :mrgreen:
    – kasi nga naman, mas MABAHO ang tae ng aso dahil mas masasarap ang kinakain nun; ang ebs ng kabayo, hindi masyado dahil damo ang kinakain nito. :P
    kengkay: ewan ko ba kasi kung sa kabayo man yon, mukhang kumakain sya ng beans, ahahaha… sa totoo lang, kapag si kengkoy may nakaharap ng taong pinapayagan yung aso nyang kung saan saan lang ume-ebs, naku — lalabas ang kamandag sa bunganga nun. minsan nahihiya man ako, alam kong tama naman kung pagsabihan nya yung tao e. lalo pa kung sa mismong daanan ilalagak yung deposito. hmp

    Comment ni homebodyhubby — Enero 14, 2008 @ 12:25 umaga | Tugon

  6. pero sossy pa din ha? may toilets para sa aso diyan? asteeg! dito sa pinas, di marunong sumunod sa instructions mga tao — nakalagay na nga sa pader na “hoy, ASO lang umiihi dito” e pilit pa ring dyumidyinggel mga barako! hehe
    kengkay: uy, oo, may mga toilet talaga sila dito. kung hindi man marunong magbasa yung aso, dapat yung may ari ang magbasa kaso mo nagtatanga tangahan dahil sa katamaran minsan e

    Comment ni taroogs — Enero 14, 2008 @ 2:42 umaga | Tugon

  7. ate kengks.. hangang dyan uso rin pla ang pagebs ng mga doggie dyan.. hehehe.. parang as pinas k rin pla..
    kengkay: talaga ka dyan, pero naman sa pinas, asong palaboy na talaga yon. e dito may amo sila e.

    Comment ni repah — Enero 14, 2008 @ 3:56 umaga | Tugon

  8. eeekkkkkk nakakatawa naman ng post mo…
    kengkay: eeekkkk, yan ang talagang unang nasabi ko, ahahaha

    Comment ni khcg — Enero 14, 2008 @ 5:48 umaga | Tugon

  9. yaiks wawa ka naman mamakengkz, yoko din makaapak ng kadiring ebs ng kahit ano haha kahit sinasabi ng iba na swerte daw yun ksi ibig sabihn may perang darating. kahit walang pera, yoko pa din maka-apak! kakasuka yung baho eh :D
    kengkay: ayoko ng ganung swerte, kadiri!

    Comment ni lilmiz — Enero 14, 2008 @ 8:04 umaga | Tugon

  10. oi, dapat pala meron din ditong toilets para sa mga aso. andaming nagkakalat kung saan-saan. yung mga urinals kayang ginawa ng MMDA, pwede kaya yun? hehehe

    pero sosyal talaga! may CR ang aso! :D
    kengkay: hay naku salve, ang mahal ng pagawa nila sa CR ng aso pero halos walang gumagamit.

    Comment ni Salve — Enero 14, 2008 @ 8:13 umaga | Tugon

  11. ate kengkay.. bumalik pla ako sau.. nagtatampo ako.. bat wala ako sa blogroll mo… huhuhuhuhuhhu..joke lng my tag ako sau ha..
    kengkay: naku, wag ka na magtampo :D akala ko kasi asa WPP link love ka e. andyan na english version mo, hahaha

    Comment ni repah — Enero 14, 2008 @ 10:35 umaga | Tugon

  12. kala ko EB talaga :) )
    Ebs pala talaga :) )
    kengkay: Ebs talaga sya atsaka na yung EB kapag naalis na amoy, ahahaah

    Comment ni wewillgetbywithasmile — Enero 14, 2008 @ 12:15 hapon | Tugon

  13. u mean hindi lang pala sa pilipinas nangyayari yan mommy kengks? i tot onli in da pilipins ang amga scenariong ganyan. dyan din pala. yaan mo, sabi ng matatanda pag nakaapak ka ng ebs e may swerteng kapalit. meron na ba? balato ha lols
    kengkay: naku, ano naman daw balato ko sa yo? yung bota ko, ahahaha

    Comment ni Ambo — Enero 14, 2008 @ 1:36 hapon | Tugon

  14. hay naku… pero lam mo, at least hayup yan, te kenks, ang hirap eh yung mga tulad ng iba dito sa atin, me urinals na para sa mga boys ang mmda, ampangihi pa rin ng mga sidewalks… me sa aso ang iba sa atin dito!
    kengkay: katamaran kasi ang pinaiiral e, tapos kasi rin hindi rin malinis yung urinals kasi nga hindi rin maayos gumamit, hayyy

    Comment ni Lenggai — Enero 14, 2008 @ 3:46 hapon | Tugon

  15. Yuckkkk! Anak ng pating, ampoopoo naman nyan! Parang sa atin din pala dyan? Dito minsan ka lang makakakita ng mga dumi ng aso, kanina nga may nakita akong bata na may pasyal-pasyal na aso tapos sabay ebs nung doggy so after kinuha niya yung dumi gamit ang plastic. Ang bait dba?
    kengkay: kasi nga dapat sa disiplina na yan ng tao di ba…dito nga may nakita akong lola pinabayaan lang umebs na naman yung aso nya sa harap nung garahe nung isang bahay… nakapagpigil lang talaga ako

    Comment ni MisyeL — Enero 14, 2008 @ 4:20 hapon | Tugon

  16. yikes!!! lahat ayaw nyn mkaapak ng kahit anong ebs pa yan!!! hehehe.. kala ko Eye Ball post mo un pala EB_ks!!!
    kengkay: ooops, sorry ha, hehehe

    Comment ni dhez — Enero 15, 2008 @ 9:12 umaga | Tugon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.