Eto ang listahan ng mga little kengkays kung ano ang gusto nilang bilhin at gawin sa Pinas…Narinig ko lang ito kahapon habang nagkukulitan ang magkapatid at sempre, nilista ko rin
1. Gusto daw nila ng tig-isang tabo na kulay pink.
2. Dapat daw may Fita para sa snacks nila
3. Kakain daw sila ng maraming kulay pulang hotdog (purefoods ibig sabihin nila)
4. Maliligo daw sila araw araw sa swimming pool (wala kaming swimming pool sa Pinas, hehe)
5. Sana daw umulan kapag asa Pinas kami kasi matagal ko ng pramis sa kanila na maglalaro kami sa ulan kahit gaano katagal nila gusto. (hindi kasi pwede dito maglaro sa ulan dahil super lamig, brrrr)
6. Gusto nilang balikan yung rides sa may CCP, yung games sa ilalim ng SM megamall, yung carousel sa Shangri-la.
7. At wag kalimutan daw na makipaglaro ng jackstones, taguan, takbuhan, piko at pen pen de sarapen sa kanilang mga pinsan.
8. Gusto nilang laruin din yung pusa ng lola nila. (kahit na takot silang makalmot)
9. At eto ang highlight ng Pinas trip para sa kanila, ang party sa Jollibee
(kahit na hindi nila birthday e nag birthday party kami para sa kanilang dalawa nung huling uwi namin sa Pinas at kahit na super enjoy sila sa games at show, natakot ang dalawa kay Jollibee; ngayon daw hindi na sila takot, pramis daw yon)
Simple lang di ba?


ankyut kyut naman ng to do list ng mga little kengkays =)
tabong pink, pulang hotdog!!! LOL katuwa talaga ang mga bata
kengkay: kaya nga nung naririnig ko sila naki usyoso na ako eh, hahaha
Comment ni pusa — Enero 16, 2008 @ 12:44 hapon |
nakakatuwa talaga mga bata. it takes so little to make them happy. nagiging mas complicated ang happiness habang tumatanda.
kapag bata ka pa, simple lang ang buhay pero high na high na, pero kapag tumanda na, sa dami ng nakikita e natatabunan na yung enjoyment sa buhay
kengkay: right pao
Comment ni pao — Enero 16, 2008 @ 1:29 hapon |
ahehe oo mga simple bagay lang
nasisiyahan na pala sila sa ganyan, nice 
kengkay: basta yung tabo talaga number one
Comment ni lilmiz — Enero 16, 2008 @ 1:32 hapon |
mami kengks…pwde makijoin sa party ninyu kay jolibbe?wahahhaa……cute naman ng mga bata mo mami kengks
kengkay: aba oo naman basta may dance number ka with jollibee. luluwas ka ba, hehehe
Comment ni Maldito — Enero 16, 2008 @ 4:16 hapon |
talagang nakaplano nang lahat ha? hehe…
sana nga umulan maski minsan lang pag nandito na kayo. sarap yata maligo sa ulan. ako man naliligo sa ulan maski dito sa 4th floor lang. medyo ingat lang ako pag may kulog at kidlat.
kengkay: naku, planong plano na at alis na alis na ako… sana talaga umulan, ilang taon ko ng pramis sa kanila yon e. kaso ayaw bumigay ng ulan, hahaha
Comment ni homebodyhubby — Enero 16, 2008 @ 5:33 hapon |
Gagawa na nga rin ako ng listahan. Invite mo ‘ko pag nagpa-jollibee ka ha?
kengkay: uy, oo sama mo yung mga kiddies mo sempre. calling calling na lang tayo. malapit na kayo umalis!!
Comment ni Kiko Matsing — Enero 16, 2008 @ 11:24 hapon |
waw i feel like being a child again
inggit ako sa mga girls mo, may jollibee party! sa EB ba isasama mo sila? kung pwde magsama ng kids, sama ko din sakin! hehe
kengkay: uy ris, oo, isasama ko ang buong pamilya sa EB sempre naman sama mo din si little ris mo, heheh
Comment ni ris — Enero 16, 2008 @ 11:57 hapon |
ang cute naman ng mga requests nila! ako na ang bahala sa tabo, hehe
kengkay: aba don raymond, pink na tabo, ahahaha
Comment ni Raymond Lee Quijano — Enero 17, 2008 @ 12:43 umaga |
paki edit na lang, etong url ng carousel para makita nila.
pass na muna ako sa tabo
http://dumbonyc.com/images/blog/janes_carousel_450.jpg
kengkay: naku matutuwa yon sa carousel na to. oks lang yung tabo at naku kailangan e sila ang mimili ano kundi baka gawing pana yung tabo, ahahaha
Comment ni Raymond Lee Quijano — Enero 17, 2008 @ 12:44 umaga |
Wow, talk about simple joys.
Kids are really angels.
May date na ba for the EB?
kengkay: hi jayme, feb 24 tayo around ortigas. hindi ko pa alam kung saan e.
Comment ni Jayme — Enero 17, 2008 @ 2:44 umaga |
kahit simpleng mga bagay lang yan, siguradong masayang-masaya naman sila dyan.
karamihan yata ng bata takot kay jollibee na mascot. yung isang pamangkin ko, sabi samin, ang gusto nya daw behave lang si jollibee, ibig sahin yung istatwa lang at di gumagalaw!
kengkay: hahaha, behave na jollibee. ewan ko lang kung hindi na sila matatakot, minsan kasi sobrang harot din ni jollibee e, ahahah
Comment ni Salve — Enero 17, 2008 @ 3:48 umaga |
ang laki kasi ng mata ni jolibee eh hehehhe
kengkay: sa tingin ko kasi ang laki tapos ang harot pa, lalo na kapag sumasayaw sya, di ba
Comment ni Rhapsody — Enero 17, 2008 @ 4:07 umaga |
haha! ang cute naman nila! opo ate kengks, simple lang.
kengkay: simpleng simple lang masaya na sila, masarap talaga maging bata
Comment ni weng — Enero 17, 2008 @ 5:07 umaga |
Hindi lang pala adults ang may To Do list no? Sana pwede akong sumama sa inyo, makikisali ako sa lahat ng activities
Purefoods TJ, Fita, malls, swimming, mahilig din ako sa lahat niyan… at hindi ako takot kay Jollibee!!!
Have a blast with your girls!
sana matuloy na yung pippi visit namin soon!
kengkay: pwede nating gawin ang iba dyan sa listahan dito sa oyropa
Comment ni Christianne — Enero 17, 2008 @ 7:35 umaga |
hindi naman sila demanding… sagot ko na ate kengks yung pink tabo at yung fita…
basta kontakin mo ako pag nasa pinas na kayo!!
kelan ba kayu huling bumisita dito
at sira na yung pink tabo nila kaya kailangan na ng bago
kengkay: huy, talaga, ikaw na taya? sabihin ko sa mga little kengkays. salamat ha. mag PM ako sa yo later. last uwi namin nung 2006
Comment ni kingdaddyrich — Enero 17, 2008 @ 9:24 umaga |
hehe di bday pero may bday party
ayus
ganun usually mga bata takot sa mascots pero pag mejo lumaki laki na nawawala kaya malamang na di na nga matatakot ang mga li’l kengkays 
kengkay: naku sana nga hindi na sila matakot kay jollibee ano. oo, may birthday party sila kahit hindi birthday kasi dito hindi naman namin magawa yang ganyan e. number wan kasi walang ganyan dito, ehehe. kung meron man, pagkain at surprises lang. tapos number two, napakamahal. at number three, walang yung mga pinsan, kamag anak at mga kapitbahay at kabaranggay, hehehe
Comment ni koreanmine — Enero 17, 2008 @ 10:59 umaga |
What a cute list, Keng! Simple joys lang talaga (except for maybe the pool).
See you soon!
kengkay: yung pool kahit na nga malaking batya na may tubig e masaya na rin sila dun, hehe. see yah!
Comment ni megamomph — Enero 17, 2008 @ 4:23 hapon |
kelan ba kayo uuwi? join ako sa party. pramis, hindi rin ako matatakot kay jollibee..
kengkay: hahaha, kapag di ka takot kay jollibee, edi invited ka na. WPP EB natin e sa feb 24 na
Comment ni jeckyll27 — Enero 17, 2008 @ 10:09 hapon |
awww nakakatuwa naman ang mga gusto ng iyong tsikiting bakit kaya paborito nila si Jollibee? yung anak ko mas gusto si Mc Donalds eh hehehe never kami nakain sa Jollibee kasi ayaw nya. Kelan nga pala trip papuntang pinas? exciting naman at uuwi sila.
kengkay: alam mo kung bakit nila nagustuhan si jollibee? kasi nga dahil sa birthday party atmosphere nung unang punta namin sa jollibee store. kaya ngayon favorite na talaga nila si bee!
Comment ni scart — Enero 18, 2008 @ 2:46 umaga |
unang una po, buti at kaya ko nang basahin yung blog mo uli (last silip ko kasi ay puro itim lang lahat)
pangalawa, ansaya maging bata ano, simple lang ang mga hangarin sa buhay? hehe… pa-experience mo rin sa kanila ang pagkain ng taho, bayabas, kamias, at kropek
kengkay: uy taroogs, kainis nga e, pati ako hindi ko mabasa itong site ko. until now under repair pa rin nga e. uy, gusto nila ang taho pero ayaw nila ng maasim e. sempre kropek gusto nila yon, hehe. pati nga yung chicharong baboy, ensaymada at hopia e!
Comment ni taroogs — Enero 18, 2008 @ 9:01 umaga |
awww they’re so cute!!! tama nga si taroogs ang saya maging bata.
kengkay: simple lang masaya na sila ano...
Comment ni NJ — Enero 18, 2008 @ 3:25 hapon |
hahhaha
natawa ako sa tabong PINK…kase ganun ang tabo namin eh…o sya sya pag nag EB mami keng bilhan ko sila ng FITA…lol
ang kyut kyut ng mga little kengkays na yan…nakaka gigil!!! nakakatuwa kase PINAY NA PINAY BY HEART sila…KENGKAY NA KENGKAY!!! supermom ka talaga!
tenks!
kengkay: huy, hindi ako makapag iwan ng comment sa blog mo. feeling lurker tuloy ako. bakit kaya? anyway, kakatuwang makinig ng sikreto nila, ehehe. nagblush naman ako sa supermom na yan
Comment ni chuvaness — Enero 18, 2008 @ 7:51 hapon |
teehehe aliw mga chikiting patrol mo mi kengs!!andaming demands hahaha sarap pauwi din si beng! hala iwanan nyo na sausage land??tamang inggit lang ako hehe enjoy enjoy na lang
e ikaw, kelan uwi mo naman? anong pasalubong gusto mo? pulang sausage, hehehe
kengkay: ganun? si beng uwi din. naku, sana magkita kami
Comment ni cheh — Enero 18, 2008 @ 9:44 hapon |
ang galing mo naman ng mga chikiting mo kengks at ang dami pang gustong gawin sa atin!! ayos yan para naranasan din nila kung ano meron sa atin!
kengkay: grabe, busy na nga agad sila wala pa sila sa pinas, eh hahaha
Comment ni dhez — Enero 20, 2008 @ 10:39 umaga |
Inggit naman talaga ako sa mga little kengkays. Sama ako. Kahit baby-sitter…
kengkay: hahaha, kelan ba huling uwi nyo sa pinas? sana magkita rin tayo sa sunod
Comment ni MarysMom — Enero 20, 2008 @ 5:31 hapon |
You’ve got the sweetest kids! You are living a charmed life, mamu!
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
kengkay: thanks joy.. sweet di ba
Comment ni joy — Enero 20, 2008 @ 8:22 hapon |
uy kengks lapit na pala uwi mo sa pinas..obvious na maganda pagpapalaki mo sa mga kids mo..simple lang ang gusto. ngyon lang ako nakarinig ng party sa jollibee kahit hindi nila birthday..hehe!
kengkay: tenks gasti. takang taka rin yung mga asa jollibee nung sinabi kong wala namang may birthday kundi parti partihan lang, hehehe. masarap ipatikim sa kanila kung papano mag party sa pinas e kasi iba talaga
Comment ni gasti — Enero 21, 2008 @ 11:29 hapon |
hay, kakatuwa naman itong mga chikitings mo sis!
kengkay: from the mouth of the babes talaga
Comment ni jenaspacio — Enero 22, 2008 @ 9:51 umaga |
[...] ni Kengkoy Kung ang mga little kengkays may listahan ng gusto nilang bilhin at gawin sa Pinas, si kengkoy din [...]
Pasa ni Listahan ni Kengkoy « — Pebrero 10, 2008 @ 7:40 hapon |
nakakatuwa naman yong pink na tabo…hehehehehehe…lam mo ba, minsan kahit sa hotel naghahanap ako ng tabo
kengkay: hahaha, kaya yung mga glass dun sa bathroom ng toilets i dont use them kasi minsan nagiging tabo yon e, ahahaha
Comment ni nina — Pebrero 12, 2008 @ 4:51 hapon |