Dun sa huling post ko e nag rant ako sa buhay Alemanya; pero may K nga ba akong mag-reklamo? Bakit kanyo?
1. merong kaming makina na taga hugas ng plato at kubyertos at kung ano pa mang ginamit sa hapag kainan at pagluluto
2. ang washing machine namin may sariling taga piga
3. meron kaming makina para taga-tuyo (ayupppps nga lang kumain ng kuryente)
4. meron kaming sariling koi pond sa aming bakuran na kung sa atin yon ay isang kanal lamang
5. ang mga bata ay may sariling playground (may swing, padulasan, bahay-bahayan, maliit na pool, sand box, etc)
6. meron kaming sariling hardin na hitik na hitik sa prutas at gulay; halos hindi na namin kailangan mamili kapag oras ng harvest talaga
7. kung wala namang harvest; namimili kami ng gulay at karne sa mismong pinanggagalingan nito – sa bukid at sa katayan; fresh talaga
8. mahal ako ng aking mga in laws at mahal ko rin sila sempre
9. mas malinis ng di hamak ang hinihinga naming hangin
10. malawak ang laruan ng mga bata dahil karamihan sa mga parks dito ay libre
11. ang iskuling ay libre; sayang nga lang at mukhang may bayad na ang kolehiyo sa mga sunod na taon
12. ang mga bata sa grade school ay half day lamang; kasi daw ay importante din ang makasama ang pamilya
13. ang ganda ganda kapag spring time kasi yung mga bulaklak, yung mga puno — hayyyy, ‘the hills are alive, with the sound of music.’ makulay ang mundo at mabango rin sempre
14. meron kaming chimney, attic, basement, cellar at kung ano pang ekek na parang super sosyal pakinggan (teka lang, akyat lang ako sa chimney, wahahaha), bakit kaya wala kaming fireplace, hmp
15. may mainit the tubig, tsalap tsalap
16. may egg cooker, rice cooker, bread maker, pancake maker, waffle maker, sandwich maker, hot water maker, coffee/tea maker, crepe maker, baby maker, at kung ano ano pang maker na yan na pandagdag lang sa umaakit sa alikabok; pero wala kaming rice dispenser, waahhh
o yan muna, kailangan ko lang aluin ang sarili ko na maganda naman rin ang Alemanya kasi dito ako nakatira e… lab your own, hehehe.
Inihanay sa:Ano Nga Ulit Yon?, Aruuuhh, Dito sa Amin, Europe, Kwentong Nanay, Oyropa Ko, Panlasa, Seryus

trick question po ba yun, miss kengks? hehehe… parang gusto ko kasing sabihin na “no?”
kengkay: ang tamang sagot ay…. dyaraaannn — uwing uwi na ko sa pinas, waaahhhh
…hehehe! meron ka palang love-hate relationship with alemanya. parang ako with dubai, at times i hate dubai, sometimes i love her.*teehee*
uy, ngayon ko lang nalaman yan, swerte ba ang koi? hmmm. magparami paaaa
…wow, swerte daw talaga pag me koi sa bahay.:p
kengkay: oo lab-heyt talaga
Mamu, the way I see it – balance of graces lang yan. There are pros and cons wherever we live. I know I’ll miss many things when I relocate to Manila, but I still prefer to be surrounded by the people I love.
However, for now, I shall enjoy the benefits of living in a developed country – medyo may kapalit nga lang.
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
kengkay: oo nga, kaya nga biglang balikwas ako at bigla akong naglista kung bakit labs ko din ang alemanya e — kasi hap-hap lang yan (50-50 baga) hehehe
Dalhin mo dito lahat yan mommy kengks. Di ka sasakit ulo mo, pero pagdating ni meralco yun! Dun sasakit ulo mo hahaha.
kengkay: ay, kapag dyan e kamayan time na lang, hahaha – kuskus, hilod, palo palo, sampay at igib
It’s a matter of perspective, di ba kengkay?
Lahat may kapalit, there is a price to pay for progress. As long as we know when we make our choices.
kengkay: agree, megamom… lahat may kapalit, kasi nga, sinunod natin ang ating puso o ang ating tiyan o ang ating kung ano pa man.. basta, enjoy and love our choices
ayan ito na nga sinasabi ko diba masuwerte parin tayong mga nasa ibang bansa lalo na ako isang kahig isang tuka lang ako sa pinas hindi ako nagsisinungaling ha. kaya nga minsan kainis din kasi hindi man ako obligado pero inoobliga ako ng kunsensya ko na magpadala ng pera sa pinas kahit walang wala rin kami dito sa chikakoy pano naman kasi kararating ko lang dito…
kengkay: ayan na nga din, ang lakas ng tulak mantalang dapat intindihan din nila na nagsisimula ka pa lang din; na kailangan mo rin para sa pamilya mo… akala nila parating may sobra sa atin hindi nila alam e hikahos ka rin sa pag ta trabaho o paghahanap ng trabaho, tapos may mga bata pang naka sampay sa yo
one can’t have it all, ika nga, sabi nga ni doc joy, balance of graces. i feel the same way too here in middle east. nakakamiss ang Pilipinas, pero pag nasa Pinas ka na, nakakamiss naman bumalik. mas lamang ang swerte mo, at sabi mo rin di ba…we are the world….
kengkay: we are the world, hahaha… mahalin ang ating lupang tinitirahan at huwag kalimutan ang lupang kapanganakan, ganun yon di ba
ang sarap naman dyan mamakengkz.. pa-ampon? hehe
kengkay: sige, pwede mag ampon yun nga lang KKB pamasahe, ahahaha
wow.. ang sarap naman dyan! Hehehe… Ako din pa apmpon. Pramis di ako magiging pasaway! Hehehe
kengkay: ahahaha, ampon rin? ayun, sabi ko nga KKB pamasahe e.. sayang ang inyong talent sa babysitting hahaha
ano iyong baby maker? saan mo nabili iyon. nasira na ba kaya dinelete mo na.
kengkay: hindi sya sira, malfunctioning sya kasi wrong timing kadalasan, ahahaha
syempre lahat ng tao may k. ^^
kengkay: tenks, foo
blocked yata ang message ko parati ni Mr. Akismet. Spammer din ba ako?
kengkay: naku, pinagtanggol kita kay akismet. hinila kita ulit palabas…
wla kang K pramis !
kengkay: napansin ko nga, hahaha
parang gusto kong maupo sa tabi ng koi pond at panuorin yung mga isda.
kengkay: ginagawa namin yan kapag summer. tapos kapag pinapakain namin sila, sa kamay namin, hahah.