Kwentong Kengkay

Pebrero 21, 2008

EB Tayo

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kaibigan,Pinas — kengkay @ 1:51 umaga

Ang hirap tumakas at mag check ng email sa totoo lang!

Kung sino gustong makipag-EB sa Pinas ma WPP man, ma-WP lang, ma-blogger, ma-multiply, ma-nay o ma-noy man, eto lang ang sundan na usok at amoy:

Kelan: ika-24 ng Pebrero, Linggo

Oras: sa pagitan ng 5-5:30 ng hapon

Saan: Starbucks, The Podium – kita kits tayo sa may labas para makapag dala ng tsa at maka order ng hot water :D

Dapat dalhin: Party atmosphere, good mood at maraming kwento

Ano pa? Bahala na kung ano ang mangyari pagkatapos ng kapihan; bahala na kung saan at kailan matatapos ang EB; basta sigurado ko lang, masaya ito. Pramis :D

I check nyo sa blog ng Reyna ng EB na si chuvaness, sya ang magpaplano ng aking EB debut, hehehe-

CHONA or majorsleepyhead — calling, calling. Nagwawala yung aking SIM card na german kaya di kita ma contact. Get in touch with me. Di ko ma load yung cell phone number mo.. helpppp.

Eto ang aking cell number sa Pinas: 0917-601-5788

Pebrero 17, 2008

Nakatakas Ako

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kwentong Kengkay,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 6:47 umaga

Hahaha, akala naman kung saan ako tumakas ano?

Eh kasi nga sabi ko bawal ako mag blog kapag bakasyon di ba? E si kengkoy natutulog kaya hinatak ko ang mga little kengkays na samahan ako sa business center ng hotel kaya eto si ako ngayon :)

Asa Bangkok pa rin kami at kasalukuyang pinapahinga ko ang aking bibig bago makipagtawaran ulit sa bangketa. Pero bukas ng umaga e lipad na kami sa Manila. Eto na nga at napapakanta na ako ng Manila, Manila I keep coming back to Manila — Manila am coming home!!!

Excited na talaga ako, arrrgh :D

Pebrero 13, 2008

Babush muna

Filed under: Dito sa Amin,Kaibigan,Masarap sa Pinas,Pinas — kengkay @ 11:56 umaga

Pipilitin kong hindi na mag bukas ng computer bukas kaya ngayon pa lang e, magpapa-alam muna ako.

Bukas e Balentayms. Happy Balentayms sa inyong lahat! Kung sino ang malamig ang balentayms, pwede nyo kong tanungin dahil meron akong singgol na naghihintay dito.

Bukas din ang lipad namin papuntang Bangkok. Tatlong oras sa airport. Sampung oras sa eroplano. I will survive!

Yung tungkol sa EB, pramis, babalikan ko kayo para ibulong kung saan tayo magkikita. Pwera na lang kung naibulong na ng Reyna ng EB na si chuvaness :D

Pebrero 12, 2008

Busy na talaga ako

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Dito sa Amin — kengkay @ 2:24 hapon

Napadaan lang ako sa blog ko. Nakiusyoso kahit na panik na panik na ako kasi hindi na masara ang mga maleta namin :D

Kasi marami pa ring dapat gawin sa pang araw araw kahit na paalis na kami: maglaba, magplantsa, meeting sa kindergarten na kagabi e inabot pa ng 10:30; tapos kanina may meeting din ulit kasi gusto ko klaro ang lahat para sa mga bata pagdating nila e; tapos yung mga paalam pa sa mga sports club; tapos bukas meron pa ulit akong isang hirit ng gymnastics class tapos meeting ulit dun sa ka-partner ko sa gymnastics group namin kasi mag isa na lang syang magiging trainer dahil naka bakasyon nga ako, di ba? Hayy, ang dami pang dapat gawin pero alis na alis na ako.

Hindi na nga ako maka concentrate pero dahil kailangan ko pang tapusin ang aking mga blogs sa hardin at sa lakwatsa dahil I consider them my ‘work’ :D Bisitahin nyo naman sila, plis! Paki bantayan, hehe.
Kaya eto, asa harap pa rin ako ng computer kahit na nakatunganga na yung maleta ko at pilit na sinasakyan ng mga bata para maisara na sila finally!

Pebrero 10, 2008

Listahan ni Kengkoy

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Aruuuhh,Kwentong Kengkoy,Palaway,Panlasa — kengkay @ 7:39 hapon

Kung ang mga little kengkays may listahan ng gusto nilang bilhin at gawin sa Pinas, si kengkoy din meron.

1. Bili sya ng sapatos na pang opis, isang pares na black at isang pares na brown; at isang pares ng rubber shoes. Malamang sa Bangkok namin bilhin ang mga ito.

2. Magpapagawa sya ng dalawang suits, para sa opis ulit at sempre dapat may libreng dalawang short sleeves kasi ang mahal ng patahi sa Bangkok, di ba :D

3. Bili sya ng pantalon na kapag inalis yung zipper e nagiging shorts; SM daw gusto nyang puntahan para dito

4. Gusto nya ulit ng Pampanga parol (ibig sabihin hand carry ko na naman to, waaaah)

5. Bili sya ng Levi’s dun sa factory sale nila sa Pasong Tamo; super mura don compare dito at compare sa SM, heheh

6. Magpaluto daw ako ng: inihaw na liempo, chopsuey, nilagang baka sa unang dinner namin sa bahay.

7. Araw araw daw syang mag gi-gym kahit ano mangyari :D

8. Gusto daw nya makakita na ng tunay white sand sa Pinas – sorry na lang sya, Batangas beaches ang pupuntahan namin this year.

Mga ka blag, unti until na akong nagmamadali sa pag empake dahil ilang tulog na lang!!! Pero bago ako lumipad e abangan itong blog ko para sa EB natin, okay? Ngayon pa nga lang e miss ko na nga kayo e, wala na kong time mag blog hopping, bising bisi talaga,  waaaahhhh. Pero I will do my best… zzzzzz

Bagong Pahina »

Theme: Rubric. Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 64 other followers